webnovel

Kailangan Niyang Maalis ang Bantang Ito

Editor: LiberReverieGroup

Hindi niya mapapatawad ang taong ito na pumuntirya kay Xinghe.

Sisiguraduhin niyang maghihirap ang taong ito ng habambuhay!

Gayunpaman, ang pangalan na lumabas mula sa bibig ni Xinghe ang nagpagulat sa kanya.

"Ito ay si Chu Tianxin—" Inanunsiyo niya ang pangalan ng salarin habang nakatitig sa kanya, sinusubukan ang kanyang reaksiyon.

Nanlaki ang mga mata ni Mubai sa pagkagulat bago sila naningkit ng husto. "Tianxin? Paano ka nakakasigurado na siya ang nasa likod ng mga ito?"

"Hindi pa ba halata? Nakikita ko nang binabalak niya na kuhanin ang buhay ko sa bawat oras na pinandidilatan niya ako. Isa pa, maliban sa kanya, wala ng iba pang may kakayahan na maglagay ng patibong na kukuha sa buhay ko."

Tapos na niyang pakitunguhan sina Chui Ming at Wushuang kaya naman ang hindi posible na ang mag-asawa ang may gawa nito sa kanya.

Tiwala sa sarili si Ruobing na mananalo siya laban kay Xinghe noong nakaraang araw bago ang kahapon at nasipa na ito paalis sa City T, kaya hindi na din ito makakaganti pa.

Isa pa, pagpatay ang pinag-uusapan nila dito. Ang salarin ay maaaring may itinatagong galit laban kay Xinghe sa loob ng napakaraming taon, 200 chapters na puno ng pagkasuklam para tiyak.

Ang tanging katauhan na nabuhay ng ganoon katagal ay si Chu Tianxin. Mukhang nabaliw na ito sa sobrang selos.

Ang huling mga salita ni Ruobing bago ito kinaladkad ay isa ding palatandaan.

Sigurado na ito na mapaparusahan ng kamatayan si Xinghe. Kaya kilala nito marahil ang taong nagbabanta sa buhay ni Xinghe.

Ang tanging tao sa malalapit na kaibigan ni Ruobing na gagawa niyon ay si Chu Tianxin.

Kahit na wala siyang matibay na ebidensiya, lahat ng haka-haka niya ay tumuturo kay Tianxin.

Ang pakiramdam ni Xinghe ay nagsasabi sa kanya na ang salarin ay si Chu Tianxin.

Alam niya na ang babaeng ito ay sabik na mawala siya, kaya ang totoo, sino pa ba ang gagawa nito?

Kaya naman, alam ni Xinghe na kailangan niyang maalis ang banta na ito bago pa siya kuhanin ni kamatayan! Kailangan niyang protektahan ang pamilya niya mula sa baliw na babaeng ito habang kaya pa niya.

Kaya naman, kailangan niyang sirain si Chu Tianxin sa raw na iyon!

Walang makakapigil sa kanya!

Kahit si Xi Mubai!

Sa kanyang pagkagulat at kasiyahan, hindi siya pinigilan ni Mubai. Imbes ay inutusan nito ang isa sa mga bodyguards. "Ikuha mo ako ng wheelchair!"

Mabilis na bumalik ang bodyguard na may bitbit na isa.

Binuhat niya si Xinghe mula sa kama at iniupo sa wheelchair. Pagkatapos noon ay kinumutan niya ito ng kumot para manatiling naiinitan ang katawan nito. Habang hinaharap ang nalilito nitong tingin, nagpaliwanag siya, "Sasama ako sa iyo. Alam kong may mga dahilan ka para suspetsahan ito at nakita ko kung gaano ka kaingat sa iyong lohikal na pag-iisip. Lubos akong nagtitiwala sa iyong haka-haka kaya tayo ng pakinggan kung ano ang sasabihin niya para sa sarili niya."

Nagulat si Xinghe dahil hindi niya inaasahan na labis ang tiwala nito sa kanya.

Gumagabi na.

Nakaupo sa couch sa sala nila si Tianxin, nakatitig sa telebisyon at kinakain ang isang buong cream cake.

Panay ang subo niya ng cake sa kanyang bibig, habang nakatitig sa programa sa telebisyon na tila ba nahipnotismo ito.

Paminsan-minsan ay tatawa siya, natatawa sa mga ginagawa ng mga tao sa screen, habang iwinawagayway ang matalas na cake knife sa ere.

Ang progama sa telebisyon ay isang palabas ng bata!

Pero si Tianxin ay masayang-masaya, tumatawa pa na tulad ng isang maliit na batang babae…

Umupo sa kanyang tabi si Ginang Chu at mapagmahal na nagtanong, "Tianxin, ano ang nangyari ngayon na nagpasaya sa iyo ng husto?"

Tuwing sobrang saya ni Tianxin, manonood ito ng palabas ng bata at kakain ng cake. Mananatili siya sa harap ng telebisyon sa mahabang oras.

Ang huling nangyari ito ay nang makumpirma ang engagement niya kay Mubai.

Parang ang tagal na nitong nangyari.

Dahil sa insidenteng nangyari sa restaurant kung saan binawi ni Mubai ang engagement, hindi na nakaramdam ng pagiging masiyahin si Tianxin.

Kaya naman, nagtataka si Ginang Chu kung ano ang nagpapasaya sa anak sa araw na iyon.

Abot hanggang tainga ang ngiti ni Tianxin at masaya itong sumagot, "Oh, walang rason."

"Kailangang may dahilan, paano ka naging masaya ng wala namang dahilan?"

"Mum, hindi ba't maganda na amsaya ako? Hindi ko alam kung paano ipaliwanag pero hindi mo ba kayang maging masaya na lamang para sa akin?" Sabi ni Tianxin na nakanguso na parang bata.

Siguiente capítulo