webnovel

Ninakaw Niya ang Disenyo Ko!

Editor: LiberReverieGroup

Hindi sumagot si Xinghe pero lumingon para tumingin kay Xia Zhi.

Nakuha ni Xia Zhi ang hudyat at binuksan ang malaking kahon na dala-dala niya. Bumukas ito para ipakita ang isang human-emulated artificial arm.

Maliban kay Mubai, ang lahat ng naroroon ay nabigla!

"Hindi ba't… hindi ba at katulad ito ng kay Ruobing?" Bulalas ni Ginang Xi.

Tama siya, ang braso ay eksaktong katulad ng kay Ruobing.

Kakatapos lamang nilang pag-aralan ang produkto ni Ruobing kung kaya't ang kapansin-pansin na pagkakatulad ay hindi maikakaila.

Galit na lumapit si Ruobing. "Xia Xinghe, talagang ninakaw mo ang gamit ko! Hindi ito ang gawa mo; akin ito! Ang grupo ko ay gumawa ng tatlong prototype at itong hawak mo ngayon ay isa sa mga ginawa ko!"

Nagulat ang madla.

Paano nagawa ni Xia Xinghe na nakawin ang disenyo ni Ruobing at palabasin na kanya ito? Hindi talaga nalalaman ng babaeng ito ang kahihiyan!

Galit na nanghamak si Ginang Xi, "Xia Xinghe, paano mo nagawang magnakaw sa iba! Ilegal ito; maaari kaming maghabla, kaya ipaliwanag mo ang sarili mo!"

"Xinghe, paano mo nagawa ang isang bagay tulad nito?" Kinuha ni Tianxin ang pagkakataon para sumulsol din.

Ang dalawang babae ay nakukumbinsi na ang opinyon ng madla.

Halos lahat ay nakatingin kay Xinghe ng may nanunuyang titig.

Taliwas sa lahat ay si Mubai na nakangiti ng may buong kumpiyansa. Malaki ang pananalig niya kay Xinghe, na makakabawi ito dito.

Matapos ang maikling panahon ng pagkakasama nila, alam na niya ang tunay nitong ugali.

Isa itong napakaingat na tayo. Kikilos lamang ito kapag sigurado at tiwala na siya ng isang daang porsyento.

Ninakawan niya ito ng tingin, at tulad ng kanyang suspetsa, walang bakas ng pagkataranta sa mukha nito.

Kalmado niyang sinabi, "Sa tingin ko ay nagkamali kayong lahat. Ang narito ay ang disenyo ko. Maliban sa akin, wala ng iba pa ang makakagawa nito."

"Nagpapatawa ka siguro!" Galit na hamon ni Ginang Xi, na nagalit sa kawalang-hiyaan niya. "Ang bagay na nasa iyo ay ang eksakto at parehong replika ng kay Ruobing na tulad ng nakita namin. Isa pa, sinabi sa akin na hindi ka nagagawi sa lab sa mga nakaraang linggo kaya paano ka nakatapos agad-agad ng isang tapos na produkto? Malinaw pa sa araw na ninakaw mo ito kay Ruobing, ang bagay na iyan ay pagmamay-ari ni Ruobing!"

"Tigilan na iyang pagtataloi at hayaan mo akong makita ang braso!" Maawtoridad na anunsiyo ni Elder Xi.

Tumingin si Xia Zhi para hingin ang opinyon ni Xinghe. Lumapit ito kay Elder Xi matapos niyang makita ang pagtango ni Xinghe.

Kinuha ni Elder Xi ang braso at pinag-aralan itong mabuti gamit ang mata ng isang manunuri.

Naningkit ang kanyang mga mata kay Xinghe at patuyang nagsalita, "Ito ay lubos na kapareho ng disenyo ni Ruobing! Sa tingin mo ba ay tanga kaming lahat na hindi namin masasabi ang pagkakaiba? Xia Xinghe, saan mo nakuha ang tapang na hayagang magsinungaling sa amin?!"

"Xia Xinghe, bakit mo ninakaw ang disenyo ko?" Galit na tanong ni Ruobing na akala mo ay siya talaga ang naaapi.

Pero ang prototype ay kanyang talaga kaya may katwiran naman ang panig niya.

Ang disenyo ay maaaring kay Xinghe pero ninakaw nga ni Xinghe ang kanyang prototype. Inilaglag ng tangang b*tch na ito ang sarili niya.

Galit sa panlabas na anyo si Ruobing pero ang totoo ay tuwang-tuwa ito sa kanyang kalooban dahil binigyan siya ni Xinghe ng perpektong dahilan para durugin ito.

"Tama kayo, si Ruobing nga ang gumawa nito." Malayang pag-amin ni Xinghe.

Nagulantang si Ruobing. Ganun din ang iba pa, hindi nila inasahan na aaminin nito ang pagkakamali ng ganoon kadali.

Habang magsasalita na sana si Mubai, itinaas ni Xinghe ang kanyang daliri at tumuro kay Ruobing. "At iyon lang ang saklaw ng kanyang sinasabi, ang pisikal na paggawa, dahil ang disenyo ay hindi kanya kung hindi akin! Ninakaw niya ito mula sa akin!"

Siguiente capítulo