Walang paninisi sa kanyang tanong, kung ano man, ang narinig ni Xinghe ay pag-aalala.
"Ang ibig mong sabihin ay ang pagpapalayas sa akin sa lab?"
"Oo, hindi ba't sinabi ko na sa iyo na lumapit ka sa akin kapag may nangyari?"
Halata namang hindi, dahil narinig pa niya ito mula sa iba.
Agad siyang nagmadali na bumalik mula sa mga miting niya sa ibang bansa noong narinig niya agad ito.
Mayroon siyang mga business meeting na nakaplano sa buong linggo pero bumili siya ng ticket agad-agad at lumipad pauwi, pinabayaang lahat iyon.
Walang ekspresyong umamin si Xinghe, "Kinukunsidera na nga kitang tawagan."
Mas mabilis nga lamang ito kaysa sa kanyang inakala.
Nagbigay ng isang maluwag na ngiti si Mubai at bigla ay hinatak ang kanyang braso habang sinasabi na, "Halika na, pumasok ka. Hahanap tayo ng lugar na mas kumportableng pag-usapan ito."
Nanatiling nakatayo si Xinghe. "Ang lugar na ito ay ayos lamang."
Sinubukan niyang hatakin ang braso niya pabalik ngunit lalo lamang nahigpitan ni Mubai ang hawak dito. "Pero kakababa ko lang mula sa eroplano. Wala pa akong nakakain kahit ano simula umaga, kaya pakiusap pag-usapan natin ito habang naghahapunan."
"…"
Mas marahas na hinatak ni Xinghe ang kanyang braso sa oras na ito. Kalmado niyang sinabi, "Kahit na, walang dahilan para maging pisikal."
Matapos noon, sumakay na siya sa kotse nito ng wala ng iba pang sinabi. Tahimik na napangiti si Mubai, isang maliwanag na ngiti na nagpaaliwalas ng kanyang mukha.
Pagkatapos niyang sumakay, tinanong niya si Xinghe, "So, anong klaseng pagkain ba ang gusto mong kainin ngayon?"
"Hapunan mo iyon." Hindi akin.
"Ayos lang sa akin, kung ano ang gusto mo iyon na lamang ang susundin natin."
"Nasa mood ako para tapusin ito agad, kaya huwag na tayong maghapunan."
Tahimik si Mubai bago sinabihan ang kanyang driver, "Pumunta ka sa pinakamalapit na restaurant."
Hindi nagtagal, dumating na sila.
Ito ang unang beses na kumain si Xinghe ng kasama si Mubai ng nag-iisa.
Kinunsidera ito ni Mubai na isang date samantalang iniisip naman ni Xinghe na isa itong business meeting.
Matapos na silang umorder, direktang sinabi ni Xinghe, "Kailan mo ako maibabalik sa lab?"
Ibinalik ni Mubai ang sarili nitong tanong, "Narinig ko na natapos ni Ruobing ang disenyo na nagustuhan ng lola ko."
"Ang disenyo ay sa akin, ninakaw niya ito mula sa akin. Gayunpaman, ang disenyong nasa kanya ay may kaunting depekto," bunyag ni Xinghe.
"May ebidensiya ka ba? Dahil pwede mo siyang ihabla."
Misteryosong ngumiti si Xinghe, "Hindi na kailangan. Hindi magtatagal at makikita niya ang pagkakamali niya."
Nakuha nito ang interes ni Mubai. "Ano ang ibig mong sabihin? Ano ang plano mo?"
"Hindi na ito mahalaga pa sa iyo. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," ibinabalik siya ni Xinghe sa dahilan kung bakit sila nagsasalo sa hapunan sa restaurant.
Umamin si Mubai, "Nag-utos na si Lola. Babalik si Ruobing sa lab. Kahit ako ay walang magagawa tungkol doon. Maliban na lamang kung ilalabas mo ang ebidensiya, mananatili siya doon."
"Walang ebidensiya, wala na paniniwalaan nila. Kung wala ka namang magagawa tungkol dito ay maghahanap na lamang ako ng panibagong lab na makakakumpleto ng pananaliksik ko. Masiyahan ka sana sa iyong hapunan, aalis na ako," pagtatapos ni Xinghe bago ito tumayo para umalis.
Iniunat ni Mubai ang kanyang mga malalakas na kamay para hilahin siya…
Nasindak si Xinghe sa biglaang paglalapat. Umikot siya at malamig na tumingin dito.
Nakatitig ang mga mata ni Mubai sa kanya. "Wala pa nga ang pagkain dito. Bakit ka nagmamadali?"
"Narito ako para makipag-usap ng tungkol sa trabaho sa iyo, hindi para sa hapunan. Dahil tapos naman na ang usapan, natural na wala nang iba pang rason para manatili pa ako dito," maliwanag na paliwanag ni Xinghe.
Hindi siya nagpapakipot dahil wala naman siyang interes na maghapunan siya ng kasama ito sa simula pa lamang.
Para sa kanya, si Mubai ay isa lamang katrabaho. Dahil wala naman ng trabahong pag-uusapan, wala ng saysay pa na magtagal pa sa presensiya ng bawat isa.
Sa ibang kadahilanan, pakiramdam ni Mubai ay ginamit siya. Sinipa na siya sa isang tabi dahil tapos na si Xinghe sa kanya…