Mananatili siyang namumuhay sa pagdurusang ito kung hindi gagaling ang pisikal na pilat na ito.
Kaya naman, hindi niya hahayaang mawala ang kahit na anong pag-asa, kahit na maliit pa ito.
Desididong iniutos ni Old Madam Xi, "Hayaan ninyong subukan niya! Kung magagawa niya ito ng matagumpay, sabihin ninyo sa kanya na sabihin nito ang kahit na anong bagay at, kung nasa kapasidad ko naman ito, ipagkakaloob ko ito sa kanya!"
Tumalon ang puso ni Ruobing. Nabalisa ang puso niya sa pagdating ng bagong banta na ito.
Gayunpaman, mabilis siyang kumalma.
Hindi posibleng magawa ito ni Xia Xinghe!
Isang kalokohan na isipin na magagawa ng babaeng ito na mula sa kung saan ang makuha ang posisyon ko.
Sumumpa siya na sisiguraduhin niyang pumalpak si Xinghe!
Ang sagot ni Old Madam Xi ay agad na nakarating sa mga nasa sala.
Tulad ng ito ng inaasahan ni Xinghe. Ang matriarch ng pamamahay na ito ay pumapayag na pasubukin siya at nangako, na kung magtatagumpay siya, ay sisiguraduhin nitong matutupad ang kanyang kahilingan.
Agad na tinapunan ni Lolo Xi si Xinghe ng matalim na titig. May nakatagong pagbabanta sa mga salita nito, "Ngayong binigyan mo siya ng pag-asa, siguraduhin mong hindi ito mabibigo kung hindi ay hindi mo na muli pang makikita ang anak mo hanggang ikaw ay nabubuhay pa, sa katunayan, huwag mong isipin na magagawa mo pang ipakita ang sarili mo sa buong City T muli!"
Imbes na mag-alala, nakaramdam ng ginhawa si Xinghe ng mapagtanto kung gaano pinahahalagahan ni Lolo Xi ang dating asawa.
Ang obserbasyon na ito ang nagsabi sa kanya na hindi nila babaliin ang kanilang pangako.
Mahinahong sumagot si Xinghe, "Huwag kayong mag-alala. Hindi ako kailanman nangangako ng mga bagay na wala akong tiwalang hindi ko matatapos."
"Siguraduhin mo lamang!"
"Ngayon, pwede ko na ba makita ang anak ko? Gusto ko siyang makita bago ako magsimulang magtrabaho."
Nagrereklamo man si Lolo Xi ay iniutos pa din nito ang isang katulong na dalhin sa kanila si Lin Lin.
Nananatiling mapayapa tulad ng isang lawa ang hitsura ni Xinghe habang kinukumpronta si Lolo XI ngunit nagsimula na siyang kabahan bago niya makita ang anak niya.
Ang kanyang pagkabahala ay hindi makikita sa pisikal nitong anyo pero ramdam ni Mubai ang nerbiyos niya.
Napansin nito na mas naging mabilis ang kanyang paghinga.
Matiim niya itong tinitigan, ang puso niya ay nasasakop ng samut-saring emosyon.
Mayroon ding kaunting selos doon.
Nagseselos siya sa atensiyong nakukuha ng anak niya dito, ang pagmamahal na nireserba nito para lamang kay Lin Lin.
Natawa siya sa kanyang sarili habang naisip ito. Gayunpaman, nangako siya na gagawin niya ang lahat para naman isang araw siya din ay maging karapat-dapat sa atensiyon at pagmamahal nito.
Maya-maya lamang ay dinala na si Lin Lin sa sala.
Ang bata ay nakasuot ng kamisetang may butones at shorts na checkered. Ang pagpapalaki dito ng mabuti at magalang na ugali, idagdag pa ang suot nito, ay nagbigay kaanyuan dito ng tulad sa isang prinsipe.
Ang pinaka cute, pinakagwapong prinsipe na naroon.
Nakuha ng bata ang maiitim at maliwanag na mata ni Xinghe pati na rin ang matangos na ilong at perpektong kahinahunan ni Mubai, ang pagsasanib ng magagandang katangian ng kanyang mga magulang.
Siya ang pinakagwapong bata na nakita ni Xinghe .
Si Lin Lin ay nakakakuha ng paghanga ng mga estranghero maski na rin sa kanyang ina.
Sa sandaling makita ni Xinghe ito, napagtanto niya na malugod niyang ibibigay ang buong buhay niya para dito.
Ngayon ay lubha na niyang nauunawaan kung bakit ganoon kaimportante si Lin Lin sa buong Xi Family.
Ito ay katangi-tangi at pinakamamahal.
Kaya naman ang unang reaksyon ni Lolo Xi ng sabihin niya ang kanyang hiling ay galit.
Gayunpaman, hindi siya susuko dahil dito.
Kailangan niyang baguhin ang kapalaran ni Lin Lin.
Hindi namalayan ni Xinghe na lumapit siya sa anak ng hindi kumukurap na tinitigan siya ni Lin Lin. Ang kanyang maliit na pigura ay tulad ng sa kanya, naninigas dahil sa nerbiyos.
Tumigil si Xinghe sa kanyang harapan, lumuhod ito at tumingin sa magaganda niyang mata. Ang mga salita nito ay puno ng pagsisisi, "Lin Lin, patawarin mo si Mommy dahil sa sobrang pagkahuli."