webnovel

Pupunta Bukas si Xia Xinghe

Editor: LiberReverieGroup

Matapos niya maayos ang lahat ng may kaugnayan kay Lin Lin, siguro naman ay maiiwanan na niya ang mundong ito ng payapa…

Matapos lumipat ni Xinghe sa bago niyang tahanan, agad niyang ipinagbigay-alam sa Xi Family na bibisita siya kinabukasan.

Narinig ni Ginang Xi ang mensahe mula sa butler at nagulat. "Pupunta dito si Xia Xinghe bukas?"

Nasa tabi niya si Tianxin. Mula ng naipagkasundo na siya kay Mubai, halos araw-araw ay bumibisita siya sa bahay.

"Sinabi ba niya kung tungkol saan ang pagpunta niya rito?" Inosenteng tanong ni Tianxin.

Magalang na sumagot ang butler, "Ang sabi niya ay para bisitahin ang Young Master."

"Hindi nga niya binigyang pansin ito ng maraming taon kaya bakit pinili pa niyang bumalik ngayon?" Pauyam na sinabi ni Ginang Xi, "Siguro ay hindi na niya kayang mabuhay ng sarili niya doon at humahanap siya ng paraan para mapalapit sa aking si Mubai."

Sa mga mata ni Ginang Xi, maliban kay Tianxin, ang lahat ng mga babaeng lumalapit kay Mubai ay para sa kanilang pansariling benepisyo.

"Hindi ganoon si Xinghe…" mabait na paliwanag ni Tianxin, "Maaaring hindi maganda ang mga bagay para sa kanya ngayon pero narinig ko na makukuha na niya ang parte niya sa mga ari-arian ng Xia Family."

Ang katotohanan na nabigo si Chui Ming at mga kasamahan nito na mapatay si Xinghe, at matalo sa Hacker Competition ay lantad na balita.

Gayunman, ang kaalaman na si Xinghe ang maylikha sa likod ng X PC Manager ay hindi alam ng publiko. Kahit si Tianxin ay hindi nito alam.

"Ang mga ari-arian na iyon ay wala lang," mapagmataas na sambit ni Ginang Xi, "Ang ganid na babae marahil ay naghahangad pa ng marami."

"Kailangan bang sabihin natin ito kay Mubai?" Naitanong na din ni Tianxin ang gusto nitong itanong.

Tinanggihan agad ni Ginang Xi ang ideya, "Syempre hindi. Hindi natin dapat hayaan na magtagpo ang dalawa. Kailangan nating ilayo si Lin Lin sa babaeng iyon. Personal ko siyang haharapin bukas, para ipamukha sa kanya na hindi siya katanggap-tanggap dito!"

Ngumiti si Tianxin at tumango. Para ipakita ang pagganap ng mabuting mamanuganin, ngingiti na lamang siya at tatango kahit na ano pa ang sabihin o gagawin ng kanyang biyenan.

Pero sa isyung ito, syempre, lubos siyang sumasang-ayon kay Ginang Xi!

Gusto din niyang makatagpo ang b*tch, na si Xia Xinghe, bukas.

May naramdamang pagbabago si Tianxin kay Xinghe. Hindi niya matukoy kung ano ito pero sa kasalukuyan, hindi niya maunawaan kung bakit nakakaramdam siya ng panganib kay Xinghe.

Kaya naman, kailangan niyang patayin ang mga baga bago ito sumambulat bago maging apoy.

Kinabukasan ng umaga, nagbihis ng maganda sina Ginang Xi at Tianxin para hintayin ang pagdating ni Xinghe.

Pareho nilang napagdesisyunan na gamitin ang kanilang kaelegantehan, yaman at pagkamaharlika para supilin si Xinghe.

Ngunit, wala ni isang bakas ni Xinghe ng buong maghapon.

Naghintay ang dalawa hanggang sa halos lumubog na ang araw pero hindi pa rin nila nakikita si Xinghe!

Galit na galit si Ginang Xi. "Niloloko ba ako ng Xia Xinghe na ito? Naghintay ako ng buong araw sa kanya para magpakita siya pero nagdesisyon siya na huwag magpakita?!"

Ginugol ni Ginang Xi ang buong buhay niya ng binubola-bola at pinupuri. Ito ang unang beses na naghintay siya sa iba at hindi lamang iyon, sa isang buong araw!

Handa nang sumabog ang kanyang galit.

Maski si Tianxin ay kinikimkim din ang galit sa kanyang kalooban.

Handa na siyang makipagsagupaan kay Xinghe, pero ang b*tch na ito ay malakas ang loob na hindi magpakita sa kanya?!

Gayunman, hindi niya maaaring ipakita ang galit sa kanyang mukha.

"Auntie, pusta ko ay masyado siyang takot na pumunta," suhestiyon ni Tianxin.

Umismid si Ginang Xi, "Kung iyon ang dahilan, mabuti at alam pa ng babaeng iyon ang lugar niya! Hindi ito isang lokasyon na pupwedeng pasukin niya ng basta-basta!"

"Well, sa kabilang banda naman, hindi na kailangan pang magalit ni Auntie sa kanya kung hindi siya magpapakita," diplomatikong sabi ni Tianxin, "Auntie, bumalik na tayo sa loob para maghanda ng hapunan. Naniniwala akong pauwi na si Mubai."

"Tama ka. Pero wala pa ako sa mood para maghapunan…" Dahil galit pa rin siya.

Likas na kay Tianxin na gamitin ang oportunidad na ito na lambingin at paluguran ang sarili niya kay Ginang Xi.

Siguiente capítulo