webnovel

Money Transfer

Editor: LiberReverieGroup

"Nanuluyan ako kay mom. Hindi ba't tinanong mo ako na makaisip ng solusyon kung paano haharapin si Xia Xinghe…"

Nanginig ng bahagya ang mga mata ni Chui Ming, "Nailigpit mo na ba siya?"

"Hindi pa…" agad na lumungkot ang mukha ni Wushuang, "Honey, masyadong tuso si Xia Xinghe. Nalaman agad niya ang plano namin. Ngayon nakadetena si mom sa istasyon ng pulis. Nakatakas ako pero kung wala tayong gagawin agad, kukuhanin ni Xia Xinghe ang lahat ng pagmamay-ari niya! Honey, wala ng iba pang makakatulong sa akin kung hindi ikaw. Mag-isip tayo ng paraan para masira si Xia Xinghe. Kung hindi, maiiwanan tayo ng wala!"

Masyadong namimighati si Wushuang kaya hindi na niya napansin ang kakaibang tingin na panandaliang lumitaw sa mga mata ni Chui Ming.

Ibinaba nito ang kopita ng alak at naglakad tungo kay Wushuang. Hinila niya ito at niyakap ng mahigpit na ikinagulat ni Wushuang.

"Wushuang, ikinalulungkot ko pero hindi na kita matutulungan," nilaru-laro ni Chui Ming ang buhok niya at sinabi ito matapos bumuntung-hininga.

Naaalarmang itinaas ni Wushuang ang ulo. "Pero bakit?"

Isang masakit na anyo ang ipinakita ni Chui Ming, "Dahil nalugi na ako…"

"Ano?!" Nabigla si Wushuang. "Paano?!"

"Paano? Bumagsak ang stock market. Sa isang magdamag, nawala sa akin ang lahat. Lahat, naiintindihan mo ba?" Tumawa si Chui Ming pero walang kagalakan dito.

Napaatras ng hindi sinasadya at namutla ang mukha ni Wushuang. "Pero paano ito nangyari ng ganoon kabilis…"

Marangya pa sila kahapon, paano nawala sa kanila ang lahat ng isang magdamag lamang?

"Wushuang, umalis ka na at magpakalayu-layo. Wala na akong pag-aari ngayon kaya hindi na kita matutulungan. Magtatago na rin ako, kaya ito na marahil ang huling oras na magkakasama tayo," biglang sabi ni Chui Ming.

Agad na ginagap ni Wushuang ang kanyang kamay at nagmakaawa, "Hindi, mayroon pa din tayong natitira! Honey, may pera ako, maraming pera, hindi pa ito ang katapusan natin! Lalayo tayong dalawa, hindi, magagamit natin ang pera para makaisip ng paraan kung paano mawawala si Xia Xinghe!"

Magiliw siyang tiningnan ni Chui Ming at masuyong hinagod ang kanyang mukha. "Honey, hindi mo na kailangan pang pasayahin ako. Kahit na may kaunti kang perang naitatago, hindi iyon sapat para magsimula tayong muli…"

"Hindi, sapat iyon! Nasa akin ang lahat ng pera mula sa Xia Family estate! Sampung bilyon, mas higit pa sa sapat iyon!"

"Sige, mabilis mo itong ilipat sa overseas account ko. Makakabili tayo ng ilang oras para makaalis sa bansang ito."

Biglang nakaramdam ng kaba si Wushuang sa kanyang puso. Sinasabi ng inner voice niya na huwag niyang ibigay ang lahat kay Chui Ming.

Pero, kapag hindi niya ito inilipat dito, ang pera ay mawawala sa bulsa niya!

Nadiin na si Wu Rong sa pagpatay kay Xia Chengwu at ang tangkang pagpatay kay Xia Xinghe. Hindi na nalalayo ang oras na ma-freeze ng mga pulis ang natitira pang pag-aari ng Xia Family.

Kung hindi niya ililipat ang pera agad-agad, maiiwanan siyang walang pera.

Sa bandang huli, si Chui Ming ay ang kanyang legal na asawa; hindi siya nito mamaltratuhin.

Isa pa, hindi ba't nangako ito na tatakas sila ng magkasama?

Nagdesisyon si Wushuang na maniwala kay Chui Ming, sumugal dahil sa pagmamahal.

Sa tulong ni Chui Ming, nagawang mailipat ni Wushuang ang pera mula sa kanya at sa account ni Wu Rong patungo sa account ni Chui Ming ng mabilisan.

Salamat naman, mukhang totoo naman sa kanyang mga binitawang salita si Chui Ming.

Matapos niyang tulungan ito na iempake ang mga bagahe, sinabi nito sa kanya, "Wushuang, mauna ka na sa airport at hintayin mo ako. Susunod na ako sa iyo matapos kong ayusin ang ilang maliliit na bagay. Kailangan kong humanap ng tao na tatapos kay Xia Xinghe bago tayo lumayas sa bansang ito!"

"Gusto mo akong umalis ng mag-isa?" Hindi maitago ni Wushuang ang kanyang surpresa.

Tumango si Chui Ming. "Oo, pero huwag kang mag-alala dahil susunod ako sa iyo pagkatapos ko sa lahat. Wushuang, huwag kang mag-alala, hindi kita iiwanang mag-isa; ikaw pa rin, ang pinakamamahal kong asawa. Sige na, kumilos na tayo, wala na tayong masyadong oras kung hindi ay baka abutan pa tayo ng mga pulis."

Siguiente capítulo