webnovel

Tulala?

Editor: LiberReverieGroup

"Ruoxi…"

Sandaling humanga si Sun Xue Zhen nang ma-anunsyo kung sino ang panalo. Ito ay isang mabigat na laban, matagal na sigurong natalo si Sun Xue Zhen kung hindi nagpa-ubaya si Qin Ruo Xi sa laban nila... 

Naisip ni Sun Xhue Zhen noong una ay nais ni Qin Ruo Xi na magmukhang tanga ang pagkatalo niya, pero hindi niya inasahan na magpapatalo talaga si Qin Ruo Xi para sa kanya.

"Mahusay talaga ang nakakababata kong kapatid na si Xue Zhen. Hindi ko siya kayang talunin. Congratulations sayo Younger sister Xue Zhen sa pagkapanalo mo para sa Sun family," nakangiting sinabi ni Qin Ruo Xi kay Sun Xue Zhen. 

Medyo ngumiti si Sun Xue Zhen nang marinig niya iyon at sinabi, "Ruo Xi, napakalakas mo. Malaki ang respeto ko sayo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, dumaplis ang tingin niya kay Ye Wan Wan na puno ng pandidiri ang kanyang mga mata.

"Referee, hindi ba required na lumaban ang representative ng Si family?" Tinanong ni Sun Xue Zhen ang referee team. Makikita na hindi niya kayang itago ang galit niya.

Tumayo ang mas nakakatandang referee. Tiningnan niya si Ye Wan Wan at sinabi, "Miss Ye, ikaw ang representative ng Si family sa araw na ito. Umakyat ka po sa entablado at makipaglaban ka sa representative ng Sun family."

"Kailangan mong makipaglaban dahil ikaw ang representative ng Si family. Ito ang patakaran," nagdagdag pa ng pwersa ang referee sa kanyang mga salita.

Sa pagkakataon na ito, hindi na nagpigil pa si Ye Wan Wan kaya tumayo na siya. "Sige."

Kailangan niyang sundin ang patakaran dahil ito ang sinabi ng referee.

Ngumiti na parang sakim si Qin Ruo Xi nang makita niyang sumangayon na si Ye Wan Wan na makipaglaban.

Sa loob ng entablado, pinanood ni Sun Xue Zhen si Ye Wan Wan na dahan-dahang naglakad papalapit sa kanya, "Huwag kang mag-alala… sisiguraduhin ko na hindi mo makakalimutan ang laban na ito."

"Okay." Walang pakialam na tumango si Ye Wan Wan.

Nag-aalala ang mga guwardiya ng Si family. Mapupunta pa rin sa bingin ng kamatayan si Ye Wan Wan kahit na nagsimula ang laban na hindi pa siya namamatay.

Sapat na ang pamamahiya na nangyari sa kanila kanina. Lalo silang mapapahiya kung hindi lalabanan ni Ye Wan Wan si Sun Xue Zhen...

Mabilis na umakyat sa entablado si Ye Wan Wan at hindi niya pinansin ang mapangasar na mga tingin ng tao sa paligid niya.

"Simulan na ang labanan!" Nag-anunsyo ang referee team.

Mabilsi na sumugod si Sun Xhue Zen papalapit kay Ye Wan Wan.

Gayunpaman, hindi gumalaw si Ye Wan Wan sa kanyang pwesto at mukhang hindi niya napansin ni Sun Xue Zhen.

"Hahaha, tulala ba ang representative ng Si family?"

"Hindi siguro siya maka-react sa tamang oras. Hindi naman kasi siya isang normal na babae."

Ang mga manonood ay nag-tsi-tsismisan sa bawat isa.

Biglang kinaway ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay. "Sumusuko ako, referee."

Nanigas si Sun Xue Zhen nang marinig niya si Ye Wan Wan. Ang kamay niya ay nakataas sa ere at hindi pa rin ito dumadapo kay Ye Wan Wan.

Anong nangyayari? Ang representative ng Si family na si Ye Wan Wan ay umakyat sa entablado para sumuko?!

"Ito'y…"

Napunta sa mahirap na sitwasyon ang referee team. Nagpatalo siya ng walang kalaban-laban— ano ito??? Hindi pa sila nakaka-engkwentro ng ganitong sitwasyon noon...

Napakunot si Qin Ruo Xi sa mga salitang sinambit ni Ye Wan Wan.

"Hahaha… huwag niyong pahirapan ang nakaka-awang miss! Sanay siyang mabuhay sa buhay ng mayaman sa loob ng enggrandeng mansyon, kaya anong alam niya sa martial arts? Masama ang kahihinatnan niya kapag sinaktan siya ni Sister Xue Zhen…"

"Tama. Mas importante ang free will. Hindi siya required na lumaban sa entablado dahil siya ay isang representative lamang ng Si family."

Siguiente capítulo