webnovel

Ang mas mahabang daan

Editor: LiberReverieGroup

Mas lalong nangamba si Ye Yiyi habang pinapakinggan niya ito.

Ano ang ginagawa ni Mu Fan?

Humalukipkip si Liang Mei Xuan at nagbuntong hininga siya. "Mabulaklak talaga magsalita ang lalaking ito! Iniiba niya pa talaga ang pinaguusapan, huh! Tingnan natin kung gaano ka-tagal niya pa kayang ipagpatuloy ito…"

Mabigat ang emosyon ni Ye Shao An nang kinausap niya si Ye Hong Wei. "Pa, katulad pala talaga ni Mu Fan ang kanyang tatay - ang mga kilos niya ay dumudulot ng kaguluhan sa kumpanya. Hindi niyo ako pinaniwalaan noong sinabi ko na ninakaw niya ang dokumento ng kumpanya. Ngayon naman, ninakaw niya ang script ng kumpanya - pinapaniwalaan niyo na ba ako ngayon?"

Nagsalita si Liang Mei Xuan, "Mama, papa, isang seryosong problema ito. Hindi na pwedeng maging malambot ang puso niyo at kailangan seryoso kayo kapag hinaharap niyo ang isyu na ito. Kung hindi, ano kaya ang maiisip ng publiko sa Ye family?"

Tiningnan ni Ye Hong Wei ang asawa niya na nasa tabi niya at mukhang nadismaya siya...

Totoo kaya na hindi na mababago pa ang ugali ng nag-iisang apong lalaki ng Ye family…?

Ang setup ay may mamahaling audio system, lights at sa engrandeng mide. Pinakita ni Ye Mu Fan sa publiko ang ilang bahagi ng movie na gagawin ng kumpanya nila. Inanunsyo na rin ang balita na sisimulan na nila ang filming bukas...

Hindi mapakali ang reporters na sinuhulan ni Ye Yiyi kanina.

"Mr. Ye Mu Fan, sabihin mo na lamang sa amin ang pinaka-punto at huwag mong iniiba ang pinag-uusapan natin."

"Tama. Isang bagay lang ang gusto naming malaman - kasama ba ang kumpanya niyo sa pagnanakaw ng script at ipagpapatuloy niyo pa ba na manggamit ng ibang mga tao kahit na alam niyo ang tungkol sa kasong infringement! Anong plano niyo sa sitwasyon na ito?"

May isang matabang reporter ang seryosong nagsalita, "Mr. Ye Mu Fan, huwag kang lumayo sa responsibilidad mo. Kailangan mong manghingi ng kapatawaran sa publiko at maghanda na kayong itigil ang shooting ng movie na iyon dahil guilty ka na. Dapat suspendido ka na sa trabaho mo at pagisipan mong mabuti ang mga ginawa mong mali. Sa totoo lang, wala nang kwenta kung iresponsable ang kumpanya niyo. Baka linlangin niyo pa ang entertainment industry at maging tumor kayo sa industriya!"

Tumango si Ye Mu Fan. "Sumasang-ayon ako sa sinabi sa reporter na nandoon."

Tiningnan ni Ye Mu Fan ang lahat ng tao at nag-iba ang kanyang ekspresyon. Pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita na si Ye Mu Fan, "Isang punto lamang ang gusto kong talakayin sa lahat ng sinabi ko. Dugo at pawis ng mga kaibigan ko ang kumpanyang ito. Mahal na mahal namin ito kaya wala kaming gagawin na kahit ano upang labagin ang patakaran ng industriya!"

"Gusto ni teacher Tan Zhen Xin na magpaliwanag ako sa inyong lahat, pero sana naman ngayon, umaasa ako na makakapagbigay rin ng paliwanag si teacher Tan sa akin!"

Walang takot na tumawa si Tan Zhen Xin. "Oh? Ano ba ang gustong malaman ni young master Ye? Sige lang, tanungin mo lang ako."

Kaswal na nagtanong si Ye Mu Fan, "Teacher Tan Zhen Xin, nabanggit mo na natapos mo ang 'Age of Love' noong tatlong buwan na ang nakalipas, tama?"

Tan Zhen Xin: "Tama."

Ye Mu Fan: "Sigurado ka? Sinong makakapagbigay ng pruweba na toto ang sinasabi mo?"

Ngumisi si Tan Zhen Xin, "Ang mga records ag emails ko noong mga panahon na iyon ay may rehistro ng ginawa ko at ito ang magiging pruweba ko. Sinabi ko na noon pa man ang storyline kay Miss Ye Yiyi at siya mismo ang magsasabi na ginawa ko na ang script na iyon sa tatlong buwan nang nakalipas."

Sinama pa ni Tan Zhen Xin si Ye Yiyi para gawing makatotohanan ang kanyang mga sinabi.

Napagtanto ni Ye Mu Fan na maraming tao ang dinawit niya sa hukay na ginawa niya kaya natuwa na siya at nagpatuloy niya. "Good, sinasabi mo na ang script na ito ay pagmamay-ari mo at nakumpleto mo na ito noong tatlong buwan na nakalipas na. Gusto ko lang malaman kung…"

"Sa malaking screen na nasa likod… bakit may isang script na kaparehas ng 'The Age of Love' pero natapos na ito noong kalahating taon na na lumipas?"

Siguiente capítulo