webnovel

Bakit hindi tayo gumawa ng makabuluhang bagay

Editor: LiberReverieGroup

Biglang nag-iba ang ugali ni Ye Wan Wan nang makita niya si Si Ye Han. Hindi niya na rin naisip si Great White dahil doon.

Kinuha ng puting tigre ang oportunidad na ito upang tumakas at mawala sa kadiliman.

Inabandona ni Ye Wan Wan ang puting tigre at tumakbo siya papunta kay Si Ye Han at naging malumanay ang ekspresyon niya.

Binaon ni Ye Wan Wan ang ulo niya sa dibdib ni Si Ye Han at umangat ang tingin niya sa gwapong lalaki habang kumikislap ang kanyang mga mata.

Wow! Ang gwapo ni baby!

Tinitigan siya ni Ye Wan Wan na para bang gusto niyang punitin ang mga damit ni Si Ye Han; para bang nakakita ng malaman na buto ang isang halimaw.

Kumibo ang gilid ng mga labi ni Si Ye Han. "Bumalik ka na."

"Oh oh oh…" tumango si Ye Wan Wan at sinunod niya si Si Ye Han.

Pagkatapos nilang pumasok ng bahay, pinahigop ni Si Ye Han si Ye Wan Wan ng soup na inihanda niya para sa kanya upang mawala ang kalasingan nito. Pagkatapos ay inutusan niya itong mag-shower at matulog na sa kwarto nila.

Hindi mapakali si Ye Wan Wan nang mahiga siya sa kama.

Binalot ang buong pagkatao niya ng epekto ng alak at walang bisa ang soup na ininom niya kanina.

Ang lasing na si Ye Wan Wan ay pinatong ang kanyang ulo sa kanyang braso habang nakahiga siya sa kama.

Habang si Si Ye Han ay naghuhubad at tinatanggal ang mga damit niya.

Hindi kumukurap si Ye Wan Wan habang tinititigan niya si Si Ye Han - sumusunod ang mga mata ng babae kahit saan man pumunta si Si Ye Han.

Naging mabagsik na halimaw na naghahanap ng makakain si Ye Wan Wan nang makapagpalit sa pajamas at naipatong ni Si Ye Han ang ulo niya sa unan; bigla siyang pumatong kay Si Ye Han at tinitigan niya ang mga mata nito. "Ang gwapo mo naman, pogi. Anong pangalan mo?"

Si Ye Han: "..." Lasing na lasing na talaga siya...

Ye Wan Wan: "Pogi, hulaan ko ang magiging kapalaran mo, ha? Tumpak ang mga hula ko!"

Si Yehan: "…"

Kumurap si Ye Wan Wan. "Ay, pogi, bakit hindi ka sumasagot? Napakaganda ng gabing ito. Huwag nating sayangin ang oras - ang halaga ng quarter of an hour ay isang libong ginto. Gamitin nati sa makabuluhang bagay ang oras natin, eh?"

Nagsalita si Ye Wan Wan habang papalapit siya kay Si Ye Han. Sa sobrang lapit nila, nararamdaman na nila ang paghinga ng bawat isa at ang jet black niyang buhok ay humahaplos sa dibdib ng lalaki.

Si Yehan: "…"

Huminga ng malalim si Si Ye Han at pinakalma niya ang mababang parte ng kanyang katawan na umangat dahil na-akit ito sa babae. "MATULOG. KA. NA!"

Mataas ang enerhiya ni Ye Wan Wan sa oras na ito kaya hindi talaga siya makatulog. "Ayokong matulog. Gusto… kitang… i-kama."

"Swish—" umiikot ang kalangitan.

Sa isang saglit, si Ye Wan Wan ang idiniin sa may kama.

Bumigat ang paghinga ni Si Ye Han nang kinaskas niya ang kanyang ngipin habang nakatitig siya sa babaeng nasa ilalim niya.

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang manhid na mukha na may bakas ng galit. Nagtataka siya kaya biglang gumilid ang kanyang ulo at tinanong niya ang lalaki, "Eh? Pogi, bakit pamilyar ka sa akin? Nakilala na ba kita noon?"

Lumiit ang mga mata ni Si Ye Han. "Talaga?"

Tumango si Ye Wan Wan. "Oo… pogi, mukhang ikaw ang… tatay ng mga anak ko!"

Si Yehan: "…"

Kasing itim ng pwet ng kawali ang mukha ni Si Ye Han.

Kailan pa siya nagkaroon ng anak?

Kinuha ni Si Ye Han ang kumot at mahigpit niya itong pinalupot kay Ye Wan Wan, ang natira lamang ay ang maliit niyang ulo at sinabihan siya ni Si Ye Han, "Matulog ka na."

Nakabalot na parang dumpling si Ye Wan Wan. "Ay ay ay, pogi, anong ginagawa mo…? Seryoso ako… hindi ka ba naniniwala sa akin? Bakit hindi na lang tayo gumawa ngayon?!"

Si Ye Han: "Manahimik ka na!"

Ye Wan Wan: "Kamay… uh…"

Hindi na nakapagtimpi si Si Ye Han kaya tinakpan niya ang bibig ni Ye Wan Wan upang pigilan siya sa kanyang pananalita.

Siguiente capítulo