webnovel

Hindi kita hahayaang magdusa

Editor: LiberReverieGroup

"At saka, magaling naman talaga si Yiyi-jie. Role model ko na si Yiyi-jie ngayon at para kay Yue Ze-ge naman, bagay sila ni Yiyi-jie kaya binibigay ko sa kanila ang aking basbas. Sana maging maayos sila; kung hindi, hindi na sana ako nagkusa na hindi ituloy ang kasal sa birthday banquet ni lolo no'ng oras na 'yon. Ginawa ko 'yon kasi ayoko na maapektuhan sila Yiyi-jie at Yue Ze-ge sa akin."

"Masyado akong ignorante at sutil noon at masyadong pinag-alala at pinadismaya sina lolo't lola. Buti na lang, andyan sina tita at Yiyi-jie sa tabi nila…"

Nang marinig ang sinabi ni Ye Wan Wan, tila bang nakakita ng multo si Liang Mei Xuan at napakunot din ang mga kilay ni Ye Yiyi.

Nagulat din si Ye Mu Fan.

Maiging tinignan ni Tan Yilan ang kanyang apo - hindi lang nito binago ang kanyang pananamit, pero pati ang karakter niya ay nagbago din. Kahit na nag-aalinlangan siya, sinabi niya pa din, "Mabuti na ganyan ang iyong pag-iisip."

Nasiyahan ang malamig at maasim na itsura ni Ye Hong Wei. "Sa wakas, bumubuti na ang asal mo!"

Lumapit si Ye Wan Wan kay Liang Mei Xuan at naglabas ng maliit na kahon. Binuksan niya ito at may perlas na yari sa jade na purselas sa loob. "Tita, pumunta ako sa Myanmar para sa bakasyon at espesyal na binili ko itong purselas para sa iyo - hindi ito kamahalan pero maigi ko itong pinili. Sana magustuhan mo."

Nagdududa si Liang Mei Xuan. Ang batang 'to… anong meron sa biglang pagbabago sa ugali, at anong mga panlilinlang ang mayroon siya?

Nang makita na tuliro si Liang Mei Xuan, mukhang nasaktan si Ye Wan Wan at madamdaming binawi ang kamay. "Ang bastos ko, pasensya na. Masyadong mumurahin ito; hindi bagay sa estado ni tita…"

Agad na tinanggap ni Liang Mei Xuan ang kahon at tinago ang pangungutya sa kanyang mga mata. Ngumiti siya. "Hindi! Bihira lang na mabait si Wan Wan! Gusto ko talaga! Salamat!"

Natutuwa ang matandang lalaki sa nakikita. Tumango ito at seryosong sinabi, "Hindi na masama, ganito dapat ang pamilya; 'wag na kayong mag-away pa."

Sobrang natutuwa siya sa kinikilos ni Ye Wan Wan ngayon.

Nagkwentuhan sila saglit bago hindi na mapigilan ni Ye Mu Fan ang sarili at hinila si Ye Wan Wan sa gilid. "Wan Wan, nasisiraan ka na? Hindi lang sa sobrang bait mo makipag-usap sa babaeng 'yon, pero binigyan mo pa siya ng regalo!"

Kalmadong hinaplos ni Ye Wan Wan ang rosas. "Tingin mo dapat makipagtalo ako sa kanya tulad ng ginawa mo? Kung gagawa ka ng gulo ngayon, mababalewala lang ang magandang impresyon nila lolo't lola sa atin."

"Pero hindi mo naman kailangang magpakumbaba sa kanya, 'di ba…" kinuyom ni Ye Mu Fan ang kanyang mga kamao nang maisip na nilunok ni Ye Wan Wan ang kanyang dangal, nagpakumbaba at dumanas ng daing para sa kanya. Sobrang nanghihilakbot siya.

Mas gugustuhin niya itong makitang sutil at gumawa ng eksena.

"Wan Wan!" madiin na tinignan ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan. "Ibabalik ni Ge ang lahat ng nararapat sa atin; hindi na kita hahayaang magdusa ulit!"

Nang makita kung gaano ito kaseryoso, naging magiliw ang itsura ni Ye Wan Wan. "En. Naniniwala akong kaya ito ni ge-ge."

Sa likod nila, biglang lumapit si Liang Mei Xuan sa kanila. "Tsk tsk, hamak na vice-chairperson lang ng fashion association, pero sobrang taas na ng ego mo. Kung katulad mo ang Yiyi namin, hindi ba siya dapat ang magpatunog ng gong at magpaputok araw-araw?"

"Talagang gusto mong agawin ang lalaki mula sa Yiyi namin- bakit hindi mo tignan ang sarili mo sa salamin. Tignan mo kung anong klaseng tao ka!"

Naalala ni Ye Mu Fan ang sinabi ni Ye Wan Wan at hindi na nakipagtalo kay Liang Mei Xuan. Sumulyap siya rito at pinigilan ang kanyang galit at hindi ito pinansin.

Siguiente capítulo