"Tama tama tama, tama si kapitan! Pumayag kami na maging bodyguards mo tapos ngayon gusto mo kaming umarte? Kailangan mong taasan ang bayad mo sa amin!" Sumabad at tumango si Spray of Flowers.
"Boss Ye, kailangan mong taasan ang bayad mo sa amin sa halagang $200 kada-isa," sabi ng deboto.
"Bullsh*t yung $200!" Tiningnan ni Nameless Nie ang deboto at pagkatapos ay tiningnan niya si Ye Wan Wan. "Para sa akin, mas mainam na bayaran mo ang bawat isa sa amin ng halagang $500!"
"Gagawin kong isang libo ang kabayaran ko sa inyo." Tumawa si Ye Wan Wan.
Lumapit si Nameless Nie nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan at hinawakan niya ang kamay ng babae. "Famous Ye, sinabi mo naman na, 'di ba? Tataasan mo ang bayad mo sa amin ng isang libo, lima kami kaya makakuha kami ng $5,000! Hindi mo na pwedeng bawiin ang sinabi mo!"
Spray of Flowers: "Napaka-galante mo naman Boss Ye!'
Deboto: "Maganda ang taste ni Boss Ye!"
Dayuhan na tagabuhat ng bricks: "Maganda ang taste niya!"
Taong Yelo: "?"
Hinila ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay at hindi siya makapagsalita. "Gayunpaman, kailangan kong i-klaro sa inyo na maayos dapat ang pag-arte niyo at hindi kayo pwedeng maging pabaya at kailangan ay sumunod kayo."
"Famous Ye, huwag kang mag-alala - ipapakita ko sayo kung paano umarte ang tunay na hari na aktor," pinagmalaki ni Nameless Nie.
Umaarte lamang sila. Sabi nga sa kasabihan, "Parang palabas lamang ang buhay - nakadepende ang lahat kung paano ka aarte." Ang lahat ng tao ay magaling na aktor.
Ye Wanwan: "…"
Nag-aalala lang siya na baka maging dila ang karakter na i-aakto nila at baka maging O.A. sila, okay?
"Tara dito, tara dito, pakinggan niyo si boss Ye! Maging seryoso kayo sa pag-arte niyo!" Kinawayan ni Nameless Nie sila Spray of Flowers at ang iba pa.
Ang apat ay mabilis na nagtipon kay Ye Wan Wan.
"Alam niyo na ba ang Rosas ng Kamatayan?" Misteryoso silang tiningnan ni Ye Wan Wan.
Ang limang ito ay ma-abilidad at mayroon siguro silang kakaunting kasanayan, kaya naniniwala si Ye Wan Wan na narinig na ng mga ito ang Rosas ng Kamatayan.
Natawa ang deboto at ang dayuhan na tagabuhat ng bricks nang marinig nila ang binanggit na Rosas ng Kamatayan. Biglang nagtaka sa kanila si Ye Wan Wan.
"Rosas ng Kamatayan… alam mo rin pala ang tungkol sa Rosas ng Kamatayan, huh!" Biglang napatigil sa kakatawa ang deboto.
"Ano yun? Sikat kasi ang Rosas ng Kamatayan - normal lang naman na alam ko ang tungkol sa kanila, 'di ba?" tinanong sila ni Ye Wan Wan.
"Haha, kapitan, sabihin na ba natin ang katotohan, kay Famous Ye?" Tiningnan ng deboto si Nameless Nie.
Biglang tumawa ang deboto nang makuha niya ang pagsang-ayon ni Nameless Nie. "Boss Ye, sasabihin kaoa sayo ang katotohanan - hindi totoo na may kilalang Rosas na Kamatayan sa mundong ito."
"Hindi totoo na may Rosas ng Kamatayan?"
Nabigla si Ye Wan Wan nang sabihin ng deboto na walang Rosas ng Kamatayan. Walang Rosas ng Kamatayan… ako ba ang baliw o sila?
Nainis si Ye Wan Wan sa deboto. "Sabihin mo na lang kung hindi mo sila kilala."
"Sinasabi ko ang totoo, Boss Ye. Hindi totoo na may nabubuhay na Rosas ng Kamatayan sa mundong iti - gawa gawa lang sila." Seryosong pinaliwanag ng deboto.
"Gawa gawa lang?" Hindi naniniwala si Ye Wan Wan sa sinabi ng deboto.
Bakit magiging gawa-gawa lang ang pwersa at kapangyarihan na meron ang grupo na ito? Noon, noong nasa ibang bansa sila Ye Wan Wan, pinagpanggap niyang Rosas ng Kamatayan ang sarili niya upang iligtas ang Si family!
Kung gawa-gawa lang ito, edi walang ideya rin ang Si family? Lahat ng mga nilalang sa mundo ay walang kaalam-alam na hindi pala sila totoo?
"Bakit kami magsisinungaling sayo? Hindi totoo ang Rosas ng Kamatayan. Galing lamang sa manuscripts ang pagkakakilanlan nila, yun lang talaga 'yon," seryosong sinabi ni Spray of Flowers.
"Manuscripts?"
Lalong nagtaka si Ye Wan Wan. Anong pinagsasabi nila?