webnovel

Komprontasyon

Editor: LiberReverieGroup

"Syempre, sinabi ko na sa kanya 'yon noon pa pero walang bisa! Bakit mo sinasabi yan sa akin? Kung hindi ka naniniwala, mag-break na lang tayo!"

"Na...Na… naniniwala ako sa'yo! Meng Qi, wag ka magalit! Nagagalit lang ako dahil sinasaktan ka na lang parati ni Song Zi Hang! Hindi pa rin matanggap nang malaman niya na may boyfriend ka na? Ganitong klase ng tao ang dapat binubugbog---at aabangan ko yun!"

"Huwag ka masyado maging masama, siya naman kasi ang crush ni Yan Ran, kaya ayokong palakihin ito. Ano naman kung sinasaktan niya ako parati? Ikaw ang mahal ko! Ikaw ang boyfriend ko at hindi siya! Wag ka nang magalit ha?"

"Kiss mo na pala ako…"

...

Ang narinig ng lahat ay ang matamis na pag-uusap ni Shen Meng Qi at Zheng Bin, at paulit-ulit lang itong pinarinig ni Zheng Bin na puno ng pagmamalaki.

"I-off mo na yan! I-off mo na, ngayon din!" Muntikan nang mabaliw si Shen Meng Qi habang nakikinig sa recording kaya naman, bigla niyang sinigawan si Zheng Bin, "Bakit?! Bakit mo ginawa ito sa akin?!"

Nalungkot at nandilim ang itsura ni Zheng Bin nang makita niya ang reaksyon ni Shen Meng Qi, "Meng Qi, anong problema? Hindi ko na siya hahayaang kaya-kayanin ka pa! At sa recording? Lahat ng pinag-uusapan natin ni-re-record ko para marinig ko ang boses mo. Kailangan kong gawin ito kasi sabi mo kailangan mong ibigay ang atensyon mo sa eskwelahan at hindi na din kasi tayo masyadong nag-de-date…"

Nanigas ang katawan ni Shen Meng Qi habang siya ay nakatayo. Naramdaman niya na parang umiikot ang langit sa sobrang hilo niya; hindi na niya sinubukan pang tingnan ang itsura ni Song Zi Hang at ng lahat ng nanonood sa sa kanila.

Lumakas ang kumpyansa ni Ye Wan Wan nang marinig ang recording at panalo siyang nag-martsa palapit kay Song Zi Hang, "Mokong! Anong masasabi mo ngayon?! Alam ko na ito, napakabait na tao ni Meng Qi---paano siya nagtatagal na kasama ka? Kahit pa alam niya na gusto ka noon ni Yan Ran?! Ikaw pala na mokong ang naninira sa kanila ni Jiang Yan Ran! May boyfriend si Meng Qi pero hindi mo pa rin siya pinapakawalan. Wala ka talagang hiya!"

Pagkatapos mapakinggan ni Song Zi Hang ang recording, walang malay tao siyang nakatayo na para bang humampas ang kidlat sa kanya at hindi talaga siya makapaniwala sa nangyari.

At ang sinabi pa ni Ye Wan Wan ay suntok sa kanyang puso.

Nanginginig sa sobrang galit si Song Zi Hang. Napangiwi ang kanyang mukha dahil umabot na sa tuktok ang kanyang galit. Kinaskas niya ang kanyang ngipin at dumeretso ang kanyang paningin kay Shen Meng Qi, "Shen Meng Qi! Sinasaktan ba kita? Pinilit ba kita? Wala akong hiya?

Noong nasa theme park tayo, sino ang umamin na matagal nang may nararamdaman sa akin? Sino ang nagsabi na nasisira ang puso niya pag kasama ko si Yan Ran? Sino ang nangako na sasamahan ako kahit pa gumraduate?! Sino ang unang humalik? Punyeta, kailan pa kita pinilit sa kahit ano?!

Etong lalaking ito! Anong meron sa inyo? Tinanggap mo na ako noong umamin ako ng pagmamahal ko sayo noong isang araw, pero katawagan mo pa siya kagabi? At sinabi mo pa na boyfriend mo siya? Paano naman ako?! Sino pala ako sayo?"

Sinaboy ni Song Zi Hang ang napakaraming litrato nila na galingsa kanyang bag at hinagis ito sa mukha ni Shen Meng Qi.

Ang bawat isang litrato ay ang litrato nilang dalawa. Ang itsura ni Shen Meng Qi sa litrato ay masaya at mukhang hindi naman siya pinipilit.

Hinablot si Song Zi Hang ang kamay ni Shen Meng Qi. May pilak na singsing sa kanyang kamay, couple ring nila ito at meron din si Song Zi Hang. "Pinilit? Ang singsing, ang necklace at ang buong outfit niya! Ako ang nagbayad!"

Nabobo si Zhen Bin, "Im..Imposible ito! Kalahating taon na kami ni Shen Meng Qi!"

At patuloy lang na nagtalo ang dalawa, paulit-ulit silang nagsisigawan hanggang sa makita ng lahat kung sino talaga, si Shen Meng Qi.

Siguiente capítulo