webnovel

Boyfriend material

Editor: LiberReverieGroup

Nabigla si Ye Wan Wan sa pag-amin na naganap sa harapan ng maraming tao. At sa sandaling iyon, nawalan ng pag-asa ang kanyang puso.

Paulit-ulit niyang iniisip na tapos na ang lahat.

 Kamakailan lamang ay natakasan niya ang kamatayan at nalapagsan ang sakuna. Sino ang mag-aakala na pagkatapos ng lahat, gagawa pa ng gulo si Ling Dong?

Saan ba ako nagkamali?

Baka ito ang paghihiganti sa akin, plano ni Ling Dong na iwan ako pagkatapos niya 'kong makuha?

Dali-daling binaliwala ni Ye Wan Wan ang posibilidad na ito, dahil ito'y magsasangkot ng malaking sakripisyo sa mismong kalaban. Hangga't hindi pa nawawalan ng matinong pag-iisip si Ling Dong, hinding-hindi siya gagamit ng sacrificial method para lang maghiganti.

Hindi ito dahil sa nangyari kagabi, 'di ba?

Kung hindi ito paglilinlang, ito lang ang tanging dahilan.

Nakita lang naman siya nito ng walang makeup, at saka, mabilisang sulyap lang naman ito. Hindi niya ito masyadong naisip noong mga oras na 'yon at naisip rin niya na dahil tipsy si Ling Dong, hindi siya masyadong nakita nito. Sinong mag-aakala na sa isang sulyap lang ay hahantong siya sa isang malaking gulo?

This devilish, superficial world!

Medyo sikat si Ling Dong sa eskwelahan nila, ang balitang pag-amin niya ng pagmamahal sa pinakapanget babae ng Qing He ay talagang lalaki at kakalat sa buong eskwelahan sa loob ng kalahating araw. Ilang mga oras nalang bago pa malaman din ni Si Ye Han.

At sa pag-uugali ni Si Ye Han, ang insidenteng ito ang magiging dahilan na mapupunta sa wala ang lahat ng effort niya.

Akala ni Ye Wan Wan ay magkakaroon siya ng kapayapaan ng mga ilang araw lang. Pagod na pagod na ang puso niya na ayaw niya ng magsalita pa.

"Ling Dong, tingin ko kailangan mong magpatingin sa doktor para diyan sa mata mo…" napahawak nalang si Ye Wan Wan sa kanyang noo at mahinang nagsalita.

Tila bang dumagundong sa isip ng lahat ang sinabi ni Ye Wan Wan. Sumang-ayon at napatango nalang ang lahat.

Pati ang mga die hard na taga-sunod ni Ling Dong ay tahimik nalang napasabing, hindi lang doktor sa mata pero pati psychologist din!

Kumulubot yung kilay ni Ling Dong at tinitigan ang babae. Malinaw niyang binigkas ang bawat salita niya at sabing, "Ye Wan Wan, seryoso ako!"

Natural, gustong tumanggi ni Ye Wan Wan; hindi niya hahayaang may humawak sa kanya. Pero hindi naman niya pwedeng pag-usapan ang boyfriend niya sa harap ng lahat. Pag nalaman ng eskwelahan ang tungkol sa puppy love niya, magiging violation ito sa school rules at mapaparusahan na naman siya. Wala siyang school director na tatay tulad ni Ling Dong kaya hindi siya pwedeng kumilos ng basta-basta.

Kaya, nasabi nalang ni Ye Wan Wan, "Sorry, kung totoo man ito o hindi, wala akong interes sa 'yo!"

Nanigas si Ling Dong, "Bakit? Bakit hindi ka interesado sa akin?"

Nakita ni Ye Wan Wan si Ling Dong na matigas padin itong nakatayo, ang expression niya ay hindi makaraniwang seryoso at mukhang hindi siya susuko ng walang sagot. Nasagot niya na lamang, "Kasi hindi ka boyfriend material."

"Ano ba ang standards mo? Saan ba ako nagkukulang? Sabihin mo, kaya kong magbago!" dali-dali sabi ni Ling Dong.

"I… Damn… Sinumpa ba si Dong…"

Hindi ito si Dong panigurado, baka nasapian siya!"

"Damn, anong ginawa nitong ugly freak na 'to kay Dong?

Akala ng lahat sa una ay magagalit si Ling Dong matapos itong matanggihan ni Ye Wan Wan. Sinong mag-aakala na magiging submissive ito at nag-alok pa na magbago para sa kanya? Ang mga diehard na taga-sunod ni Ling Dong ay tuluyan ng naguluhan, at dumagdag pa ang mga studyanteng nakapalibot sa kanila. Naramdaman ng lahat na ang diwa nila ay tila bang nasalakay ng isang atomic bomb.

Bumuntong-hininga si Ye Wan Wan, "Ling Dong, 'wag mo akong sisihin, ginusto mo 'to!"

Kaya naman, sumagot si Ye Wan Wan, "Ang una kong standard ay… Maging 1800 times na gwapo pa kaysa kay Si Xia!"

Nasindak ng matagal si Ling Dong bago pa siya magising sa diwa niya, "Nagbibiro kaba?"

Si Si Xia na bigla nalang nasangkot ng walang dahilan: "..."

Bakas sa mukha ni Ye Wan Wan ang pagkaseryoso nito, "Seryoso ako."

Siguiente capítulo