Chapter 1897: Ang Malaking Tukso Ng Pakinabang
Malalim na ang gabi, sa Su residence.
Pagkaalis ni Su Yan sa Imperial University, dumiretso siya sa bahay.
Sa sala, kakatapos lang ni Zheng Minjun kausapin ang isa pang babaeng kaibigan niya at matutulog na siya dapat noong narinig niya ang kotse mula sa labas. Tapos, narinig niya ang mga yapak ng isang tao, at nakita niya ang anak niya na ilang araw nang wala dahil sa business trip.
Nang makita niya ang anak niya, ngumiti agad si Zheng Minjun. "Su Ya, nakabalik ka na! Bakit ang late mo? 'Di ba dapat kahapon ka pa nakauwi?"
Hindi sumagot si Su Yan. "Nasaan si Father at Xueluo?"
"Nasa study room sa taas yung tatay mo. May social event yata si Xueluo ngayong gabi, hindi pa siya nakakabalik!"
"Mmm." Tumango nang kaunti si Su Yan, tapos umakyat siya. "Hahanapin ko si Dad. May kailangan kaming pag-usapan."
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com