Chapter 1260: Nawasak Na Fantasy
"Ah! Nandito na siya!"
"Nandito na si CEO Lu!"
"Totoo siya! Si CEO Lu nga!"
"Oh Diyos ko, sobrang gwapo. Nahuhulog na ako sa kanya!"
"Kung sino man ang babaeng mamahalin ni CEO Lu, siguro niligtas niya ang mundo sa previous life niya!"
…
Sa gitna ng tilian ng mga babae, dumating si Lu Tingxiao.
Habang mabagal na naglalakad ang lalaki sa pasilyo, tinutukan siya ng spotlight. Bumilis ang tibok ng puso ni Su Yimo at naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang katawan.
Pinaalalahanan siya ni Liang Biqin, "Nandito na si CEO Lu! Pinsan, ano pang ginagawa mo? Go!"
Hinikayat na rin siya ni Zhao Meixin, "Go, Yimo."
Bigla, lahat ng babae ay napatingin kay Su Yimo na puno ng selos.
Inisip ni Su Yimo na naglalakad siya papunta sa kanya at hahawakan ng lalaki ang kanyang mga kamay…
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com