Chapter 1158: Nararapat Para Sa Akin Ito
"Oo!" determinadong sagot ng binata. Hindi siya mukhang nagbibiro.
"Bakit mo biglang naisip ito? Paano ako maniniwala na hindi mo lang ito basta basta naisip...o baka naman masamang biro lang ito?" Seryoso ang mukha ni Zhuang Liaoyuan.
Nanggigil ang mga ngipin ng binata. "Papa, seryoso ako tungkol dito. Kumng bakit, alam mo na wala talaga akong malaking ambisyon sa buhay. Ayoko lang na mag-alala ang mga taong nakapaligid sa akin. Gusto ko rin sanang protektahan ang mga taong mahal ko kung may mangyaring masama. Gusto kong maging isang tao na maaasahan at hindi lang palaging pinoprotektahan."
Nasurpresa si Zhuang Liaoyuan sa mga sinabi ng kanyang anak.
Kung sinabi ni Zhuang Rongguang na gusto niya lang protektahan ang kanyang bansa at gusto lang niya na ipagmalaki siya ng kanyang pamilya, hindi niya ito papaniwalaan.
Pero ito ang mga sinabi niya.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com