webnovel

Puede que también te guste

Adik Sa’yo

Napagkamalang adik at na-inlove sa isang adik! Ito ang dilemma ni Nadia. Dahil sa inggit at galit ng kanyang stepmother matapos ipamana sa kanya ang malaking inheritance ng daddy niya, na-frame up si Nadia at pinasok sa Love and Hope Rehabilitation Center. Adik daw siya at lulong sa bisyo, susmaryosep! Ni yosi nga never niyang nahithit, bato ni Darna pa kaya? No choice si Nadia kung hindi makisama sa mga adik at sumunod sa mga patakaran upang makaalis siya after six months. Pero paano magiging at peace ang pamamalagi niya sa loob ng center kung may isang Jace Devenecia ang gumugulo ng sistema niya? Dahil utang na loob naman, si Jace nang pinakagwapo at pinakaseksing adik sa balat ng lupa! Pakitaan ba naman siya ng nagtitigasang abs. Eh, talaga naman kahit sinung babae ang mahuhulog sa katawan nito. Lalo na at ubod nang sarap lang naman nitong humalik; malululong ka na, mapapaungol ka pa! Hay... paano na? Marupok is real! “Ano ba ang pinatira mo sa’kin at bakit baliw na baliw ako sa’yo?” “Huwag mo nga akong pagbintangan dahil matagal ng may tama ‘yang utak mo!” “Oo, adik talaga ako, adik na adik sa’yo at hinding hindi kita pakakawalan hangga’t hindi ka nagiging akin, dahil Nadia mas matindi ka pa sa kahit anung droga natikman ko at wala ng gamot dito.” Nalintikan na dahil sa kauna-unahang pagkakataon, totoong na-adik si Nadia… na-adik sa makapantindig-balahibong halik, nakakatirik-matang mga haplos at nakakabaliw na pag-ibig. Ito ay kwentong pang-adik… sa kilig! Adik ka ba? Genre: Contemporary Romance, Comedy, Drama TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, nudity, loss of a loved one, emotional abuse, self-harm, drug & alcohol use ”Anj Gee Novels” Grim Reapers Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Strawberry Bite- Completed Diary ng Birheng Maria- Completed ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Urbano
18 Chs

Ang mga Pagkakakilanlan ni Madam ay Muling Nagpagulat sa Buong Lungsod

Nanirahan si Qiao Nian sa bahay ng pamilyang Qiao sa loob ng 18 taon bago siya natagpuan ng kanyang mga biyolohikal na magulang. Bigla, nalaman ng lahat ng mayayamang pamilya sa lungsod na may pekeng anak ang pamilyang Qiao! Ang tunay na anak ng isang mayamang pamilya ay dapat may talento, mahinhin, at mabait. Ang pekeng anak ay hindi makakakuha ng anumang kasanayan at walang maaabot. Gusto ng lahat na makita kung gaano siya magiging kahabag-habag kapag bumalik siya sa kanyang libis matapos na palayasin sa mayamang pamilya! Akala rin ni Qiao Nian na ang kanyang mga biyolohikal na magulang ay mga mahihirap na guro mula sa Bayan ng Luohe. Sino ang makakaalam na ang kanyang kapatid ay nagmamaneho ng Phaeton na nagkakahalaga ng tatlong daang libong yuan! Ang kanyang amang biyolohikal ay isang propesor din na nagtuturo sa Tsinghua University! Ang malaking boss ng pamilya ng mga hamak ay naging sipsip at yumuko sa harap ng kanyang lolo... Nagulat si Qiao Nian. Erm... hindi ito pareho sa pagsasabing oo! Matapos makalaya mula sa pamilya ng mga hamak, nagawa ni Qiao Nian na maging siya mismo. Siya ang nangunguna sa pagsusulit sa kolehiyo, isang live broadcast star at tagapagmana ng isang napakahalagang pamana ng kultura... Nabunyag ang kanyang mga pagkakakilanlan at nang nagsimula siyang lumabas sa mga hot searches sa lungsod, namutla ang pamilya ng mga hamak. Ang mga anti-fans ay nangutya: Ano ang silbi ng pagpapanggap? Hindi ba't araw-araw ka lang nakasunod sa aking kapatid? Sumagot si Qiao Nian: Paumanhin ngunit mayroon na akong katugma. Top Brother: @Qiao Nian. Hayaan ninyong ipakilala ko siya sa lahat. Ito ang aking kapatid na babae. Mayamang Lolo: Mahal kong apong babae, bakit ka nagtatrabaho nang napakahirap? Kung gusto mo ng bisikleta, bibilhin ito ng lolo para sa iyo! Kumalat ang tsismis sa mga mayayaman at makapangyarihan sa Beijing na nagtatago si Ginoong Wang ng asawa sa kanyang marangyang bahay. Gaano man karaming tao ang sumubok na hikayatin siya, hindi niya kailanman inilabas ito para makilala ng sinuman. Kung siya ay tatanungin, sasabihin niya ang parehong pangungusap. "Ang aking asawa ay galing sa probinsya at siya ay mahiyain." Hanggang sa isang araw nang may nakakita sa marangya at malamig na Ginoong Wang na hawak ang manipis na baywang ng isang babae habang nagtatago sa isang sulok ng pader at bumubulong na may pulang mga mata. "Baby, kailan mo ako bibigyan ng titulo?" [Pekeng anak na tunay na mula sa mayamang pamilya] + [Dalawang malalaking boss]

Brother Ling · Urbano
840 Chs

Si Makisig at Si Maganda (Love is Beautiful)

[Completed] Genre [Mystery, Romance] Isang trahedya at misteryo ang nangyari isang linggo bago ang kasal ni Maki at Bea na siyang nagpabago sa kapalaran nilang dalawa. Nagkaroon ng kasiyahan para sa nalalapit nilang kasal. Ngunit nagising si Bea na kasama ang asawa ng ate niya sa kwarto kung saan lumilitaw sa imahe niya na isang lalaki ang gumamit sa kanya nang nagdaang gabi nang paulit-ulit. Natagpuan naman niya si Makisig na halos walang kasuotan kasama ang ate niya sa kwarto nito. Bitbit ang hinanakit ay nilayuan niya ang lalaki sa loob ng apat na taon para mangibang bansa kung saan siya mas nakaranas ng pagdurusa. May pagkakataon pa ba silang magkatuluyan sa huli? Sa pangalan lang ba sila bagay? ****** Nakatingin siya sa lalaki at naghihinagpis ang kalooban niya. Dumadaloy ang luha sa pisngi ni Bea na akala mo ay uubusin nito ang lahat ng natitirang tubig na nagmumula sa mga mata niya. Lumapit ito para yakapin siya pero agad siyang umiwas. "Bea, trust me..." mahinang sabi nito. Mas matagal na nakatitig siya dito, mas lalo nitong pinapatay ang kalooban niya. May mga bagay na hindi talaga tugma kahit napapanahon. May mga bagay na tugma, kahit hindi napapanahon. May mga tao na kailangan lang ang isa't isa kaya nila mahal ang bawat isa. May mga tao na mahal nila ang isa't isa kaya kailangan nila ang bawat isa. May mga tao na para sa isa't isa. At may mga tao na kahit pilitin nila, hindi sila ang magkakatuluyan sa bandang huli. Minahal niya ang lalaking nasa harapan ng sobra-sobra. Halos hindi niya masabi ang mga salita pero kailangan sabihin. "Ayoko na..." Kapag doble-doble ang sakit. Doble-doble ang pahirap. Sa mundo at sa panahon na iyon, alam niya na hindi pa napapanahon. They are not meant for each other, she guessed. "A..alis na ko.. Paalam.." ***** My First Love is a Problem Boy [COMPLETED] My First Love is a Genius Girl [on going] At the end of the rainbow [COMPLETED] Workplace Romantic [COMPLETED] Love Me, My Prince [COMPLETED] The Devious Soul [on going] Thousand mornings with you [on going] ***** Photo © sookimstudio

Feibulous · Urbano
6 Chs