webnovel

Patay Ka Dora

A1. Patay Ka Dora

"MAY PARTNER KANA?"

Lumingon ako sa nagtanong.

"Wala pa eh, ikaw?"

"Same."

"Ahh okay." Tumango tango ako at hinarap ulit ang libro.

"Teka lang, ano yang binabasa mo?" Kinuha niya ang libro sa kamay ko at tinignan ang book cover.

"Babysitting the billioner?!"

"Oums"

"Nabasa ko na 'to ah! Ay oo, si ate Jamille Fumah ang author. Paborito ko yan at idol ko rin siya. Nabasa mo na ba ang stories ni ate Jonaxx?"

Pagkabanggit ng pangalan niya ay napatayo ako.

Di ko akalaing wattpader rin pala itong si Justine! Eh hindi naman kasi yan nagkekwento tungkol sa buhay niya. Puro kalukohan lang ang alam!

"Oo shemays! Idol ko rin yan! Ikaw ha, nagbabasa karin pala ng ganyan. Ehh di ka nagsasabi! Sana sinabi mo para mag-share tayo ng thoughts tungkol sa mga stories."

"Wag na, baka agawin niyo pa ang asawa ko." Umirap si ateng at nag-flip hair, feeling maganda eh hindi naman. May pa flip hair flip hair pang nalalaman eh mukha namang walis yang buhok niya, gawin ko talaga yang walis ng bahay namin ah, at tamang-tama! Nakakalbo narin pala ang walis namin doon pwede kong gamitin 'tong kay Justine.

"Baka ikaw ang mang-agaw! Eh bakit? May marriage certification ka na ba? Patingin nga." Panghahamon ko. Umirap rin ako pero di na'ko nag flip hair. Ano ako, siya?!

"Hoy ano yan?!"

Ultimo kaming lahat ng kaklase ko ang tumingin sa nagsasalita. Ang lakas kasi ng boses at parang abot kabilang baryo ang boses.

"Wala pangit!" Umirap ako kay Cris at kinuha ang libro na nasa kamay ni Justine, umupo rin ako pagkatapos.

"Anong wala?! Bawal away dito woy."

Yan na naman siya...

Meet Cris Sign ang class president namin dito sa klase. Siya ang laging sumasaway samin pag may nagaaway, strikto rin ito kaya napapasunod kami. Teacher's pet rin siya at paborito ng lahat. Kahit palaaway ito at mapanglait, paborito parin naman siya ng lahat. At oo, paborito ko siya. Kahit naiinis ako minsan, may mabuti naman yang puso. Lagi niya kaming pinapasaya at kinocomfort pag may problema.

At balita ko, karamihan ng babae ay crush siya.

Wait...

Crush?!

Saan ko nga narinig yun?

"Marie!" Tawag pansin ko sa katabi ko na busy sa cellphone. Nakita ko doon na may ka text siya at paniguradong next boyfriend na naman niya yan!

"Oh?!"

"Tanong lang, may nagkagusto na ba kay Cris?"

"Hmm" nilapag niya ang cellphone sa lamesa at umaktong nag-iisip.

"Di ako sure kung totoo pero may narinig na ako one time sa canteen na naguusap. Tungkol yun kay Cris at sa napag-alaman ko, crush siya ng isa sa mga babae na naguusap."

"Luh weh?"

"Ayaw mong maniwala? Edi don't."

"Di lang kasi kapani-paniwala eh, pa'nong... May nagkakagusto sa kanyang babae eh ang pangit pangit naman niya?"

"Ikaw ha! Yang bibig mo!"

"Eh ano naman? Totoo naman ah! Ang pangit kaya niya!" Sabay turo ko sa lalaking nakupo sa upuan niya at nagbabasa rin ng libro.

Dahil sa lakas ng boses ko, lahat napatingin sakin pati narin ang lalaking tinuro ko.

Nakita niya ang nakatutok kong hintuturo sa kanya kaya binaba ko ito.

Natakot ako bigla nang ngumisi siya. Ng nakakaloko...

"Patay ka Dora." At sinong nagsabi nun?!

Tumingin ako sa nagsalita at binigyan siya ng nakakatakot na tingin, pero ang abnoy, di man lang natakot!

"Sabi mo eh" tumingin ulit ako sa lalaki at bumilis bigla ang kalabog ng dibdib ko.

"Patay ka talaga."

Ang sabi ni Marie na busy na ngayon ulit sa cellphone.

Nächstes Kapitel