webnovel

TJOCAM 3: Secluded Feelings

He likes her... She likes him... While Haley and Reed always on an arguing situation, they still can't able to see what they really feel towards each other-- Clumsy and Awkward. Everyone knows except them. At first, they couldn't admit they are inlove but as they've been always together. The sparks and rapid beat of the heart are growing deeply. How will they notice each other's love if there will be another trouble that is coming to their way? Will they have a chance to tell their secluded feelings?

Yulie_Shiori · Urban
Zu wenig Bewertungen
85 Chs

Love is War

Chapter 19: Love is War (Haley & Irish)

Haley's Point of View 

Matapos naming makapag-usap nila Jasper ay hinatid na niya kami sa mga bahay namin, ako na ang inuna niya dahil hinahanap na raw ako nila Harvey. 

Nagpakawala ako nang hininga at sinarado ang bag ko na nakabukas.

Binuksan ko na ang pinto ng Smith at naabutan silang wala sa sala kaya malamang ay mga na sa dining room pa ang mga iyon.

Inilapag ko ang mga gamit ko sa couches para dumiretsyo kung nasa'n sila Harvey. 

Ito kasi ang naging usapan, kung tingin kong hindi ako makakapagluto sa bahay, pumunta lang ako sa bahay ng isa kina Harvey. 

Pero para sa'n pa 'yung hindi pagkuha nila Mama ng kasambahay kung dedepende lang din ako sa tulong ng ibang tao? 

Narating ko na ang dining room at bumungad nga si Manang Yhina.

"Nandiyan ka na pala, eh." Sambit ni Harvey nang maiangat ang tingin. 

Tumingin ako sa paligid, wala sila Reed. Phew, buti naman. 

Pumunta na nga lang ako sa bakanteng upuan para makaupo, sa tabi lang din ni Harvey. Inusog ko ang upuan paabante nang makalapit naman ako sa lamesa 'tapos ay ibinaling ang tingin sa gamit na plato na nasa harapan ko. "Hmm?" Paggawa ko ng pagtatakang tunog. "May bisita ka ba kanina?" Tanong ko nang hindi siya tinitingnan. 

Humigop muna ng sabaw si Harvey 'tapos nilingon ako. "Nah, sila Reed 'yung kumain. May kinuha lang sila sa kabilang bahay pero babalik 'yun dit--" Tumayo ako na sinundan ng tingin ni Harvey. 

Tinalikuran ko siya. "A-ah! Ano... Actually, sumama bigla 'yung pakiramdam ko kaya uuwi na muna ako." Excuse ko at akmang hahakbang nang hawakan niya ang likurang kwelyo ko para hindi makatakas. Muntik na akong masakal do'n, hayop ka!

"Hmm, sa'n pupunta?" Mapanghinala niyang tanong kaya hinampas ko ang kamay niya paalis sa pagkakahawak niya sa likurang kwelyo ko't humarap sa kanya. 

Inis ko siyang tiningnan. "Masama nga pakiramdam ko kaya sa bahay ako pupunta!" Bulyaw ko na mas nag pakunot sa noo niya.

"Hindi, kumain ka muna bago ka umuwi" At hinawakan niya ang pulso ko upang iupo ulit ako sa upuan. Torture 'to!

"Hoy! Sabi kong uuwi na ako, eh!" Inis ko pang wika na ikinabuntong-hininga niya. 

"Iyan ba 'yung masama ang pakiramdam?" Tanong niya 'tapos binigyan ako ng walang ganang tingin. "Umayos ka, Haley. Gusto mo bang magtampo sila Manang Yhina? Naghanda sila ng pagkain para sa 'tin pero para mong tinatanggihan?" 

Napaurong ako dahil sa sinabi niya pero inis ding binawi ang kamay kong hawak hawak niya kanina. "Shut up." 

"Humph." si Harvey. 

Dumating na sila Kei at Reed na may dala-dala kamong dessert.

"Sis, welcome home." Pag welcome ni Kei na tinanguan ko. Umupo na rin silang dalawa ni Reed sa mga upuan nila pero nanatili pa rin ang mata ko kay Kei at iniiwasang madaanan ng tingin si Reed. This sucks! 

Kumuha ng pudding si Kei na nandoon lang din sa gitna nang mapatingin siya sa akin at pilit na napangiti. "H-Haley, hindi ako makakakain kung tititigan mo 'ko ng ganyan." 

Tila para naman akong robot kung ibaba ang tingin. Naninigas ang katawan ko. "Ah, oo. Oo nga." Pati pananalita ko, parang naging robot na rin!

Sa hindi malamang dahilan, nako-conscious ako sa mga ginagawa ko. Pakiramdam ko, tinitingnan ako ni Reed kahit hindi naman! 

Bago ako magsimulang kumain.

Dahan-dahan kong kinuha ang baso at pitchel para magsalin. 

"H-Hoy! Natatapon! Ako na nga!" Iritableng wika ni Harvey at hinablot ang pitchel sa akin pero nagulat na lang kami nang magbukas ang takip nung pitchel dahilan para sa akin maibuhos 'yung buong laman ng malamig na tubig. 

*** 

BUMAHING AKO paglabas na pagkalabas ko pa lang sa bahay ng Smith. Hinayaan ko 'yung sarili kong kumain habang basa 'yung pambaba ko dahil ayoko namang bumalik sa bahay dahil kapag ginawa ko 'yon, tatamarin na rin akong lumabas. 

Pero ito ang consequence, inatake ako nang kaunting lamig. 

Narinig ko ang pagbukas ng gate ng Smith. "Haley, hindi ka na ba babalik?" Tanong niya sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang kapatid ko. 

Umiling ako. "Mmh. Hindi na. Gagawin ko muna 'yung task na hindi ko pa nagagawa." Sagot ko. 

"I see, magpalit ka na rin 'agad, natuyuan ka na ng tubig--" Bumahing ako kaya natawa siya. "Binabahing ka na tuloy." Lumabas siya ng gate para lapitan ako. Medyo nagtaka lalo pa nung yakapin na niya ako. Hinawakan niya ang likuran ng ulo ko kaya napaawang-bibig ako. 

"Huwag kang gagawa ng bagay ng mag-isa ulit, if there's something bothering you. DON'T ever hesitate to talk to us. Please, remember that." Mas humigpit ang yakap niya sa akin kaya ipinikit ko ang kaliwa kong mata. 

"Kei, I can't breathe." Saad ko kaya humiwalay na siya sa akin, she also patted my head. Tinalikuran na niya ako pagkatapos upang bumalik sa Smith. 

Nakatitig lang ako sa likuran niya ng mapangiti ako. Kahit naman yata hindi ko sabihin, malalaman at malalaman mo.

Tumalikod na ako para humarap kung nasa'n ang Rouge Residence, hahakbang na sana ako nang mapatigil ako. 

May tao sa harapan ng bahay. Who is it? 

Madilim sa parte niya kaya hindi ko siya masyadong makita kahit pa na sabihin nating may mga nakabukas na post lights.

Nakatayo lang siya't walang imik sa harapan ng bahay nang mapalingon siya sa gawi ko. Nanlaki ang mata ko saka siya umalis. 

Wala akong ideya pero kusang tumakbo ang mga paa ko para sundan siya. Gusto ko rin siyang abutan. "Hoy! Sandali! Kakilala ka ba nila Mama?" Tanong ko saka siya lumiko ng daan. 

Pumunta rin ako sa daan na pinuntahan niya pero naabutan kong wala na ito dahilan para ihinto ko na ang pagsunod sa kanya. "Eh?" Taka kong reaksiyon 'tapos humawak sa noo ko. Bakit ko siya sinusundan? 

Tanong ko sa aking isipan at tumingala nang may ma-realize ako. "I-Ito ba 'yung sinasabi nila na kapag nakakita ka ng multo, mawawalan ka ng kontrol sa katawan mo?!" 

Tinakpan ko ang bibig ko, umangat din ang mga balahibo ko sa takot 'tapos dali-daling bumalik sa bahay.

Kumuha ako ng asin sa kusina 'tapos nagsaboy ng mga asin sa paligid. Pinapanood lang ako ng pusa ko sa ginagawa ko saka ko marahas na isinara nag pinto.

***

Kinabukasan...

Maaga akong nagising at pumasok. Na sa guard house ang skateboard ko at wala rin akong ganang sumabay kina Harvey kaya maglalakad ako ngayon. Tutal, maaga pa naman.

Humikab ako at isinuksok ang earphone sa tainga, niilaksan ko ang volume habang walang buhay na nakababa ang tingin. 

Last night, I dreamed about her again-- my twin sister.

She stood up in front of me, like she's trying to protect me. 

I have no idea what's going on and why I kept on seeing her again, hindi ko naman siya iniisip pero habang tumatagal na nakikita ko siya sa panaginip ko. 

Hindi ko maiwasan na maalala siya nang paulit-ulit. 

It's all over, ilang taon na ang nakalipas kaya bakit bumabalik pa?

May gusto ba siyang sabihin sa akin? 

Saka... 

"I'll protect you." 

Huling boses na narinig ko mula sa kanya bago ako magising kaning umaga. 

Nanatili pa ring nakababa ang tingin ko nang makakita ako ng sapatos kaya tumingala ako't tumigil nang mapagtantong si Irish pala ito.

Nakasandal siya sa poste na parang may hinihintay siya.

Tinanggal ko ang isa kong earphone 'tapos inihinto ang pinapatugtog ko. "What are you doing here?" 

Lumingon siya sa akin 'tapos bumilog ang bibig. "Ah, ikaw lang pala." Umalis siya sa pagkakasandal at humarap sa akin. "Good morning." Bati niya. 

"Ngh." 

Sinilip niya ang likod ko. "Akala ko nandiyan si Reed, ikaw lang pala." 

Tumaas sandali ang kaliwa kong kilay. She's waiting for him? 

Pasimple akong nagbuga ng hininga. "Well, sorry to disappoint you." Saad ko bago magpatuloy sa paglalakad. Nilagpasan ko na rin siya na ipinagtaka niya dahil naririnig ko 'yung mga daing niya. 

Wala akong, 

...lakas makipag sumbatan. 

"Palagi ka na lang bang magiging ganyan?!"

Tumigil ako sa paglalakad pagkasigaw niya niyon. Pagkatapos ay lumingon ako sa kanya na siyang nagpaawang-bibig sa akin matapos kong makita ang pag-aalala niyang mukha. Pero hindi ko alam kung sa'n siya concern. 

"Hindi ka ba naaawa sa sitwasyon ko?!" Pagda-drama niya na may paghawak pa sa dibdib niya samantalang 'yung isa naman niyang kamay ay nakalahad na nakayukom. "Nang dahil sa inyong dalawa, nahihirapan ako ng ganito!"

Umihip ang hangin. 

Ha? 

Tumama sa mukha ni Irish ang isang papel ng dyaryo na mabilis naman din niyang tinanggal 'tapos inihakbang paabante ang kanang paa. "You leave me no choice, Haley Miles Rouge!" 

Ha? (2) 

"Whether you like it or not, kukunin ko na sa 'yo si Reed Evans!" Hamon niya kaya may pumitik na kung ano sa sintido ko.

Irish's Point of View 

Pinunasan ko ang noo ko pagkadeklara ko sa huli kong sinabi. 

Wala naman akong intensiyon na kunin si Reed Evans dahil gaya ng sabi ko, supporting character ako sa kwento nila. 

Isa akong kupido sa dalawang torpe at manhid na character na hindi ko alam kung bakit sila ginawang ganyan. Subalit masasabi ko namang meant to be silang dalawa at bagay na bagay sila sa isa't-isa. 

Ang kailangan lang talaga nila ay kaunting push para happy ending ang lahat-- at para naman matapos na itong paghihirap ko at magawa ko na ring mapahiwalay sa pangit na Harvey Smith na 'yan. 

Tumikhim ako 'tapos taas-kilay na nginisihan si Haley. "How's that?" Hamon ko pa saka siya kinindatan. 

Tumungo siya nang kaunti ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "Love is War." 

***** 

***** 

Don't forget to visit Yulie_Shiori Facebook page to get more updates. Do'n ako madalas mag post ng announcement lalo na ang mga art and commemorative illustration from an artist.

If may mga tanong kayo, punta lang kayo sa Twitter ko.

(@YulieShiori_)

Yulie_Shioricreators' thoughts