webnovel

This is Not Love(tagalog)

Is normal life possible? when you've been transmigrated?

jelly314 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
5 Chs

Normal Life No More

"binibini... binibini" nagising ako sa mahinang tinig na gumigising sakin

"Bing'er" tanging naibigkas ko lang

aww oo nga pala nasa ancient times ako and worse mukhang Chinese dynasty... pero Pilipino ako! Hoy! Pinoy ako! Buo aking Loob may Agimat ang dugo ko hoy!

"Binibini!" napalingon ako sa walang hiyang nasigaw

"anooooooo" inis na usal ko bago nag talukbong ng kumot

"kailangan mo ng mag ayos upang salubungin ang kinoronahang unang prinsepe" napa busangot naman ako

wait

"wait sya yung fiancee ko diba?"

"huh? wey? fian.. fian ano ulit yun binibini?" naguguluhang usal ni Bing'er na ikinangiwi ko

" wala ang ibig kong sabihin sya yung prinsepeng naka takda kong pakasalan tama ba?" sabi ko tumango naman si Bing'er

"Pero plano na nyang putulin ang napag kasunduan ngayon" nag aalalang sabi nito

"hayaan mo sya" usal ko

"pero binibini"

gusto ko lang ng tahimik na buhay... ayaw ko ng gulo... ayaw ko ng away, sa ngayon syempre magandang alamin muna kung gano kalakas ang apoy bago puksain

"tara na tulungan mo akong mag ayos hindi ko alam pano suotin yang mga kasuotan nyo.. ko pala. Ikaw na ang bahala sa akin" sabi ko dito inalalayan naman nila ako para maligo sa barrel kagaya kahapon

pag tapos ay binihisan na

napa upo naman ako sa upuan sa harapan ng salamin

myghad ang ganda ko!

tuwing makikita ko ang sarili ko sa salamin ay di ko maiwasang di ma mangha

ang ganda ko bongga

sasabihin ko sana wag ako pagandahin pero wala pang ginagawa sakin maganda na ko geeeezzz

napatingin naman ako sa salamin naka half bun lang ako tas may red butterfly na headwear sa buhok ko naka red flowerly kimono ako habang may red butterfly brooch na naka dikit dito simple lang ang make up pero dahil maganda na ko eh kerry lang

"Binibini tandaan mo, Ang binibini ay dapat na maging mabini" naka ngiting usal nito kaya napangiti ako

mabini naman ako kaya no worries hehe

I took a deep breath and relax my face I am sick right now and have an amnesia

I know no one except Duke Ahn Xiao Fen

Hui Liang and De Ming guide us

"Dumating na ang ika apat na binibini" rinig kong usal ng isang katulong kasabay ng pag bukas ng pintuan kasama kong pumasok ang tatlo

"Sinong nag sabing pedeng pumasok ang kawal?" rinig kong usal ng isang babae base sa alalang na aalala ko sya si Ahn Feng Fang adopted daughter ng duke sya din ang 2nd lady ng mansion

"A-ama" turan ko bago lumuhod "ipag paumanhin ninyo ang kalapastanganan ng binibini ngunit ang binibining ito ay natatakot sa mga hindi pamilyar na mukhang kanyang nakikita kung mamarapatin ninyo nais kong isama sa tabi ko ang mga kawal na ibinigay ninyo"usal ko

"pribado ang pag uusap natin-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Mei Feng yung 6th Lady na nasa pangit na manor na ngayon pfft

"sila ay personal na pinili ni Ama upang pangalagaan ako. Naniniwala ako kay Ama" usal ko

"tahimik! maupo kana anak hindi maganda para sa pag papa galing mo ang matagal na pag luhod"

panalo na naman ako hohoho

ano ba naman yan puro easy wala bang hard dyan?

dahan dahan naman akong tumayo kunware fragile

inalalayan din ako ni Bing'er sa pag tayo kaya napadali ang buhay ko

naupo naman ako bago napatingin sa lalakeng naka upo sa tabi ng duke... Zhou Xiao Dan I feel a glimpse of pain

maybe from the emotion of the former owner of this body

Sorry Mei Xin gusto ko lang ng tahimik na buhay ikaw naman may gusto sa kanya di naman ako

kaya di ko na sya aagawin sayo

maliit kong nginitian ang prinsepe bago ng bow ng konte

"Hindi ko na papatagalin pa ang usapang ito" pag sisimula ng prinsepe

wala namang nag sasalita kanina? pano nag karoon ng usapan? ahh baka nag usap na sila kanina

tahimik lang akong nanonood sa mga ganap

free access sa chismis din to sayang diko nalaman anong nangyare dun sa huling chismis sa pinas pati diko man lang naabutan yung pangalawang anak ni Chen baka lalake yun pwede ng soulmate haist

"narito ako para putulin ang napag kasunduang kasalan sa pagitan namin ng ikaapat na binibini ng duke manor, Binibining Ahn Mei Xin" dugtong pa nito habang nakatingin sakin na paki wari ko ay pinag mamasdan ang ano mang magiging reaction ko

"ika apat na binibini ngayong wala ka ng na aalala mas madali na para sayo tanggapin ang alok ng prinsepe kahit alam kong masakit parin yan dahil sa pag mamahal mo sa prinsepe pero wala na tayong magagawa kundi tanggapin na lang ito" naka ngising ani ni Hua Ling 3rd lady

napabuntong hininga naman ako bago maliit na ngumiti

"walang tutol kong itinatanggap ang alok na ito" pag uumpisa ko habang naka tingin sa mga mata mismo ng prinsepe para ipa alam sa kanya na WALA AKONG PAKE

"Ang binibining ito ay walang maalala kahit na anong ala ala mula sa prinsepe kaya ipag pa umanhin ninyo ako kung mali na makita kong tamang desisyon ito una sa lahat ang prinsepe ay natali sa binibining hindi nya iniibig habang ang binibining ito ay wala ng maalalang kahit ano mula sa prinsepeng sinasabi ninyong iniibig ko" tumayo ako bago ng 90 degree bow habang naka pabilog yung kamay ko sa harapan ko

dzuuuh I love reading comics kaya alam ko yung simpleng house rules gaya nito

"idinadalangin ko ang masayang paghihiwalay ng ating landas prinsepe naway mahanap mo ang babaeng totoo mong iibigin at naway maka gawa ako ng bagong ala ala kasama ang lalakeng hindi ko lang iibigin, kundi lalakeng iibigin din ako" pag tapos kong sabihin yun natumba ako kunware weak

*cough* *cough*

"ipag paumanhin ninyo ang pagiging mahina ng binibining ito" nauubong sabi ko

"Maaari ka ng bumalik sa iyong manor upang mag pahinga" usal ng duke

"Salamat Ama" sabi ko bago hinayaan si Bing'er na alalayan ako

similay ako sa prinsepe bago maliit na nginitian to na nag mukhang ngisi kasi diko mahide yung saya ko HAHAHAHA

this meeting de abanse is

boring~~

except sa reaction ng prinsepe hindi siguro kaya ng pride nya yung mga sinabi ko

hahahahaha

hindi pa kami tuluyang nakaka layo ng may tumawag sa pangalan ko

"Anong maipag lilingkod ng binibining ito?" gulat kong tanong ng malamang ang 1st son ng duke manor ang tumawag sakin

Ahn Biming...

He used to bully me

full blood sibling sila ni Ahn Mei feng so sapakiwari ko hindi maganda yung hanging nag dala sa kanya dito

nagulat ko ng tutukan ako ni Biming ng espada na agad sinangga nina De Ming

"Ginoo ipag paumanhin ninyo ang kalapas tanganan ng aliping ito ngunit ipinag utos ng Duke ang kaligtasan ng ika apat na binibini" usal ni Hui Liang

"Ahn Mei Xin!" inis na usal ni Biming gusto kong matawa kasi parang natatae sya pero ayaw ko baka pag ka malan akong baliw tas magalit sya lalo tas pahirapan ako dyusme

"Hindi ko hahayaang saktan mo muli si Mei Feng!" inis na usal nito bago umalis

aalis na dapat ako ng may tumawag ulit sakin

"prinsepe" tawag ko rin pabalik bago nag bigay galang

"Hindi mo na nga talaga ako maalala" may bahid ng lungkot na usal nito pero bumawi sya at ngumisi

"Pero hindi ako papayag " sabi nya bago umalis

may saltik bayun?

akala ko ba ayaw nun sakin?

ang ugulo ahh?

pati yung albino kemerot na yun di na nagpakita aba

sana ok pa sya?

kasi ako

nararamdaman kong hindi na

i already drop this book the 1st month I wrote it kasi akala ko walang mag babasa

ang cute ng taste nyo pano nyo napag t-tyagaan story ko?

jelly314creators' thoughts