webnovel

Remembering

5 years ago...

"Shit malilate na ko sa interview ko!" sigaw ko sa isip ko habang tinitingnan ang haba ng pila sa mrt north ave. station.

Sinubukan kong kontakin si Botch, bestfriend ko na may motor at malapit lang sa area.

" Hello Gio?" sagot niya na mukhang kakagising pa lang.

"Botch favor naman hatid mo ko sa may ortigas extension tapos bayaran kita mamaya pagkauwi ko. "

" Ay sorry Gio nasa Pasay kasi ako ngayon diba sinabi ko sayo kagabi may gimik barkada kagabi ayun nagkanya-kanya ng chicks kaya heto nasa So Good." sagot ni Botch at dinig na dinig ko pa ang ungol ng babae niya.

"Sige pakasarap ka dyan Botch." sagot ko saka ko pinatay ang phone ko.

Sinubukan kong tumingin-tingin sa paligid pero mukhang mas magiging malala lalo na at may ina- announce ang guard.

"May sira po ang tren kaya mas matatagalan kayo. Kung gusto nyo mag p2p na lang kayo. " sabi ng guard kaya mas lalong nagkagulo.

Minabuti ko ng umalis sa pila at maghanap ng taxi. Madami namang dumadaan pero unahan din. Until may huminto na taxi sa harapan ko.

"Saan po kayo sir?" tanong ni kuya driver sakin.

" Emerald building sa may Ortigas." sabay na sagot namin ng babae na haggard na haggard.

" Teka lang miss nauna ako." sagot ko at tumingin siya sakin.

" Kanina pa ko dito kuya kaya mas nauna ako." sagot ng babae.

" Ah eh pareho naman po kayo ng pupuntahan so bakit hindi nyo na lang paghatian yung pamasahe? " suggestion ni kuyang driver.

" Fine. Sige ako na sa harap. Dito ka na sa likod Miss." sabi ko at sumunod naman siya.

Pagkadating ko sa Emerald Building. Agad akong dumiretso sa elevator kung saan kasabayan ko din si ateng haggard. Tingin siya ng tingin sa relo niya.

" Late ka na din ba sa work mo?" tanong ko.

" Ah hindi sa interview. " sagot niya.

" Ako din eh. Well Goodluck satin." Sagot ko at tumango lang siya.

Bumaba kami sa iisang floor. Dumiretso ata sa cr si ateng haggard at ako naman sa hr department kung saan doon ko ginawa ang exams and interview ko.

"Sir after lunch pa po dadating si Boss Gina. Siya na po yung huling mag iinterview sa inyo. Since lunch break naman po kain muna kayo." sabi ng Hr staff at sinunod ko naman siya.

Pagkababa ko ng building madaming mga fastfood chain sa kabilang kanto pero mas pinili kong magstay sa isang convenience store at bumili ng hindi mabigat sa tyan na pagkain. Habang nagfi-facebook ako may isang babae na nasa harapan ko.

"Excuse me? Pwede makiupo? puno na kasi eh." sabi ng babae at tumango lang ako.

"Sure." sagot ko at hindi tinatangal ang mga mata ko sa facebook.

I stay there for one hour until I decide to go back. Si ate na nakiupo mas nauna na sa akin.

Pagbalik ko sa itaas pinadiretso ako sa conference room.Kung saan pagdating ko ay may isang babae na nakaupo. Base on her appearance applicant din siya. Tinitigan ko siyang mabuti at doon ko napagtanto na siya yung ateng haggard kanina sa taxi.

"Oh wag mong titigan baka matunaw yan." Bungad ng isang babae na malakas ang aura at halatang boss na boss.

"S-sorry po." sagot ko.

Umupo siya sa upuan na nasa harapan namin ng babae at tumingin sa amin.

"I am Gina Alvarez. The head of the engineering department."

Huminto siya at tumingin sa dala niyang mga papers.

"Tatapatin ko na kayo. Isa lang kukunin namin na Architect pero dahil pareho kayong magaling base sa mga exams at interviewers nyo sa mga managers na nakipag usap sa inyo kanina. Then I will accept both of you pero this time I want both of you to be partner. Kaya kung anong palpak ng isa ay palpak din ng isa." paliwanag niya.

"Ah excuse po ma'am pero may possibility naman na sa future magkahiwalay kami as partners diba?" tanong ng babae.

" Oo naman pero depende sa performance ninyo. " sagot ni Boss Gina.

"You mean magko-compete kami sa position?" clarify ko.

"Yes and No. Yes pwede kayong magcompete at No kasi partner kayo so whatever the downfall of the other is also the downfall of his/her partner. You will work as a team. Ginagawa din namin yun to develop your teamplayer skills lalo na at base sa analysis ng mga nag interview sa inyo at sa hr kayong dalawa ay parehong mahina pagdating sa team play. Then I decided na instead i-drop kayo we will help you to enhance your skills in team play. So what do you think?" tanong ni Boss Gina.

Tumingin ako sa babae na nasa tabi ko.

" I understand ma'am. I accept the offer." mariing sagot niya at tumingin sila sa akin. Yung tingin na ramdam na ramdam ko ang pressure.

" And you?" tanong ni Boss Gina.

" Yes I accept the offer." sagot ko sabay tingin sa babeng nasa tabi ko.

Binigyan na kami ng job offer at binigyan na din kami ng date for orientation at requirements to be submitted.

Pagkalabas namin ng building. Naglakad na ko pa Sm Megamall since balak ko ng mag abang ng bus.

" Since magiging partner na tayo simula next next week. I want you to know my name. I am Phebymia Ditto." sabi ni ateng haggard kanina.

Napahinto ako at tumingin sa kanya.

" Just call me Mia." sagot niya sabay ngiti at ang ngiti niya ang biglang nagpatigil ng mundo ko.

"Shit ang cute niya." sabi ko at agad akong napatakip ng bibig ko. Napalakas yung sinabi ko kaya for sure nadinig niya.

"Ikaw kuya anong pangalan mo?" tanong niya na nasa likod ko na agad.

" Ah eh G-gio Salvador." sagot ko at kinuha niya ang kamay ko sabay shake hands.

" Nice to meet you Gio. Looking forward to be your partner. I hope to learn a lot from you." sabi niya at tumango lang ako.

Hindi ko pa namalayan na umalis na pala siya kung hindi pa tumunog ang phone ko at tumawag si Botch.

"Hello Botch?" tanong ko

" Pre ortigas na ako sabay ka ba pauwi? May extra helmet naman akong dala." sabi niya.

"Botch tinamaan ata ako." sagot ko.

"Ha? Anyare sayo? Nabaliw ka na sa interview mo?" sunod-sunod na tanong niya sakin.

-Present-

"Hoy!" sigaw ni Mia habang kumakain kami sa isang fishball stand.

" Oh bakit?" tanong ko sa kanya na naniningkit ang mga mata.

" Kanina ka pa ngumingiti dyan. Mukha ka tuloy tanga. "sabi ni Mia.

"Ah eh wala may naalala lang ako." sagot ko at mas lalong sumingkit ang mga mata ni Mia.

" Naku siguro porn yan noh." sabi niya.

" Hala hindi noh at saka bakit porn?" tanong ko sa kanya.

" Naku ma'am hindi ganun ang ngiti kapag porn. Yung ngiti ni sir kanina ngiti ng in love yun. Ibig sabihin si sir In-love na in-love sayo ma'am" singit ni kuya na tindero ng fishball stand.

" Galing ni kuya!" sagot ko at tumingin kay Mia.

" Eww kadiri Gio. Hindi ko talaga maimagine na magpapakasal ako sayo. Eww!" sagot ni Mia na kala mo diring-diri sakin.

" Excuse me? Gio?" singit ng isang babae na naka red top at jeans.

"Ah yes you are?"tanong ko.

"Iris remember yung instructor nyo way back on college?" pakilala niya.

" Ah hello po ma'am Iris."

Tumingin siya kay Mia at nagliwanag ang mukha niya. " Ito ba yung asawa mo? Ang ganda niya pala sa personal." sabi ni Ma'am Iris.

"Asawa? anong sinasabi mo? Si Gio asawa ko?" tanong ni Mia na naguguluhan.

"Oo ikaw yung nakita ko sa fb post ni Gio 3 years ago. Yung araw ng kasal nyo ang ganda mo nga doon eh." dagdag niya pa.

"Gio totoo ba yun? Kinasal tayo at asawa mo ko?" tanong ni Mia sa akin ng seryoso.

"Oo pero-"

"Akala ko bestfriend kita pero pareho lang pala kayong mga sinungaling." sabi ni Mia bago ako iniwan mag-isa.

"Opps did I say something wrong?" tanong ni Iris.

Malalim na buntong hininga na lang ang nilabas ko. Siguro nga tama lang na malaman na rin ni Mia ang lahat. Sana lang bumalik pa kami sa dati.