webnovel

BLANK BEGIN

"Stuck on you

I've got this feeling down deep in my soul that I just can't lose"

Pinagmasdan ko ang daanan na tinatahak namin. Malapit ng dumilim ngunit hanggang ngayon binabaybay pa rin namin ang napakahabang kalsada na ito. Wala akong makitang bahay dahil napapalibutan ng bundok, matataas na talahib at nagsisilakihang puno ang paligid, ganito ang itsura ng Probinsya.

Hindi familiar sa'kin kung saang lugar ito. Ang tanging alam ko ay papunta kami sa syudad kung saan nakatira ang Tito ko.

"Guess I'm on my way"

I sighed. "Kaith, are you alright? ------ Do you need something?" she asked genuinely to me. Napatingin ako sa rear view mirror, I stared at her blankly.

"Needed a friend"

Umiling ako. "I'm fine" maybe I should trust her. Besides she's wife of my Tito, Tita Lizineth.

"And the way I feel now I guess I'll be with you 'til the end"

I check the time on my watch 5:46pm magaanim na oras na kaming bumabyahe. Napapikit ako at sumandal. Tumingin ako sa labas ng bintana, nakikita ko sa di kalayuan ang tulay papunta sa syudad at paunti-unting pagdami ng mga ilaw sa mga gusali.

"Guess I'm on my way,

Mighty glad you stayed"

I think this is going to be a long day, I'm coming Manila.

"Hey, wake up kaith. We're already here" someone tapped me on my shoulder. Nakatulog pala ako, anong oras na ba? Ba't ang haba yata ng tulog ko. I look at my watch, It's 9:30pm "Late na tayo nakarating, sobrang traffic kasi" sabi niya habang inaalis yung seatbelt sa kanya.

"I'm sorry Tita, nakatulog ako" she paused at bumaling sa'kin at ngumiti. "It's okay kaith... Tara na sigurado akong pagod kana at kailangan mo ng magpahinga" I nodded.

Nauna siyang lumabas sa kotse, sumunod na rin ako. Binuksan niya ang luggage compartment, "Ahmmm leave it there Tita, I can handle it" pagpigil ko sa kanya. "Are you sure?" tanong niya. "Yeah" maikili kong sagot.

"Okay then...mauna na ako sa'yo sa loob. Sumunod kana lang" tumango ako bilang sagot. Sinundan ko siya ng tingin papasok sa loob ng maliit na luma, kumukupas na pintorang green at kalawangin na gate.

Kinuha ko na at inayos ang mga gamit ko. Isang box, travel bag and bagpack. When I'm done checking my things I closed the luggage compartment at sumunod na kay Tita. Nang makalapit na ako sa wicket gate I didn't know na kailangan ko pang yumuko para lang makapasok., ang liit nito. And when I reached there one thing that I realized, it's a compound residence.

Hindi ko masasabing pang-mayaman na compound ito, dikit-dikit na nagsisilakihang bahay. Semi na gawa sa kahoy, semi na gawa sa semento. Simple but classic... Nice

Ngayon ko lang napagtanto, saan dito ang bahay nila Tita? Hindi ko na kasi pa nakita si Tita at medyo madilim na rin. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa may nakita akong bahay na nakabukas ang ilaw, pinuntahan ko ito. Binuksan ko ang pintuan na de-spring nito at pumasok ng walang alinlangan.

Nilibot ko ang aking paningin, Wow . I don't know how to describe this but as what I can see right now. Masasabi ko na nasa living room ako, na nasa kitchen at nasa dining area na rin. There's a mono-block chair na pahaba na nasa right side ko kasunod nito ay refrigerator at yung t.v naman nasa hagdan banda katabi nito yung refrigerator din. Habang nasa harapan ko naman yung lamesa na sa tingin ko na kung saan sila kumakain, nakadikit ito sa pader kasunod naman nito ay yung mga lagayan ng pinggan at sunod nun ay pintuan na ng c.r. . And then yung lutuan at lababo na hugasan ng plato nasa likod na ibaba ng hagdan. Cool

Inilapag ko yung backpack ko sa mono-block chair at itinabi ang gamit ko, hinubad ko ang sapatos ko at nilagay ito sa ilalim ng mono-block chair. Kahit na maliit ang bahay nila, maayos at malinis naman ito tingnan. Binuksan ko ang ref at kinuha ang pitchel, kumuha na rin ako ng baso at nagsalin ng tubig. Pagkatapos kong uminom ay ibinalik ko ang pitchel sa ref at hinugasan ang baso.

Napaupo ako, at dun ako biglang nakaramdaman ng sobrang pagod. Napagdesisyonan ko ng umakyat. Kahit sa hagdan masikip at maliit, napakataas pa ng mga hahakbangin. Pagkarating ko sa taas kaharap ko na yung pader and there are only two doors na makikita, sa left side na nakasarado at right side na nakahalf-open. So I decided na sa right side na pintuan ako papasok.

Again... nilibot ng paningin ko ang kwarto. May malaking double-deck bed, isang cabinet at maliit na study table... nahagilap ng mata ko yung picture frame na nakapatong dito, kinuha ko ito. They're look perfect. Ibinalik ko na ito at napagisipan na magpalit ng damit.

Here we go again... Insomnia

Kanina pa ako dito nakahiga at nakipagtitigan sa kisame pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Pinili kong matulog dito sa taas ng higaan baka kasi may natutulog sa baba, mukang wala naman natutulog dito dahil puro tambak na gamit ang nandidito. Kaya niligpit ko muna ang mga ito at itinabi lahat sa gilid.

"I gotta feeling, that tonight's gonna be a good night

That tonight's gonna be a good night

That tonight's gonna be a good, good night"

"A feeling that tonight's gonna be a good night

That tonight's gonna be a good night

That tonight's gonna be a good, good night"

Kinapa-kapa ko yung cellphone ko at tiningnan kung anong oras na dito 6:00am . Napadilat ako. Seryoso? Sinong may sayad ang magpapatugtog ng napakalakas-lakas ng ganitong oras?! Tinakpan ko ng unan ang mukha ko, Annoying

I don't have a choice kundi bumangon. As if na makakatulog pa ako, eh balak pa yata magpa disco ng kung sino mang may sayad na nagpapatugtog dyan. Palakas ng palakas ang tugtog nang bumaba ako. Fiesta ba? Tch! Bumaba na ako.

"A feeling....

"Wooohooooo~" pang-gagaya pa nilang dalawa at nagsitawanan na parang... Baliw

Nagsitigilan naman sila ng makita ako, "Oh, gising kana pala Kaith. Kamusta tulog mo? Nakatulog ka ba ng maayos" biglang sulpot ni Tita na may hawak na sandok habang nakaharap sa lutuan. Well thanks to them sinira nila ang mahimbing kong tulog. "Opo, maayos naman po" tipid kong sagot. "Pagpasensiyahan mo na itong dalawang pinsan mo ha, binulabog pa nila tulog mo"

right...They are my cousins

"Okay lang po" I said. "Sige umupo kana at mag-almusal. Dahil pupunta tayo ngayon sa bagong school na papasukan mo" tumango lang ako bilang sagot. I sighed.

I hope that everything will be alright.

Nächstes Kapitel