Lesen Sie den Roman THE DEMON LORD'S DAUGHTER des Autors LEMONEE_AVA4332, veröffentlicht auf WebNovel.Si Llala Daemond Belial ay isang mangkukulam bago siya mamatay. Hindi siya tinanggap sa langit dulot ng kaniyang kasamaan kaya naman muli siyang ibabalik sa lupa upang gumawa ng kabutihan. Iyan ang na...
Si Llala Daemond Belial ay isang mangkukulam bago siya mamatay. Hindi siya tinanggap sa langit dulot ng kaniyang kasamaan kaya naman muli siyang ibabalik sa lupa upang gumawa ng kabutihan. Iyan ang naging kasunduan niya sa Panginoon. Oras na maggawa niya iyon ay saka lamang siya tatanggapin sa kalangitan. Tinanggap niya ito bilang kaparusahan sa kaniya kaya naman sumumpa siya na sa pagbaba niya sa langit ay ni isang kasalanan ay hindi niya gagawin. Magiging mabuting tao siya't gagawa ng purong kabutihan lamang sa sarili pati na sa kapwa. Ngunit sa pagbaba niya sa kalupaan, ibang mundo ang humarap sa kaniya at ibang katauhan rin ang pinaglagyan ng kaniyang kaluluwa. Bumalik siya sa pagiging isang supling subalit hindi niya alam na anak pala siya ng Hari ng mga Demonyo. Kung ganoon, paano pa kaya siya magiging mabuti? Paano pa siya gagawa ng kabutihan? O mas pipiliin niyang maging masama na lang ulit dahil siguro tanggap na siya sa impyerno?