Matapos ang buong gabing iyon, nagkamalay na si Clary, nagising siya sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mga mata.
Kumatok naman ang isang nurse, dala-dala si Baby Clarace. Itinaas ng nurse ang hospital bed at isinandal si Clary, saka niya iniabot ang bata.
"Hello sweetie... welcome to the world..." ani ni Clary
Lumapit si Brian sa tabi ni Clary at pinagmasdan ang mag-ina.
"Ang cute ninyong dalawa... hello baby... im Tito Brian.. your mom bestfriend." Ani ni Brian
Iniharap ni Clary si Clarace sa kanyang Tito Brian. Dahan-dahan namang kinuha ni Brian ang sanggol at kanya itong kinarga.
"Ang sweet tingnan ng batang ito.. kagigiliwan talaga ng kahit sino." Ani ni Brian
"Thank you Bry... thanks for everything..." tugon ni Clary
"Thank you saan??" Ani ni Brian
"Thank you for being there for us... hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka.. basta salamat at hindi mo kami iniwan hanggang sa lumabas si baby." Tugon ni Clary
"Sus! Wala iyon.. ano ka ba. Sandali umiingit na si Baby baka nagugutom na." Ani ni Brian
"Akin na.. magpahinga ka na muna kaya ko na ito."tugon ni Clary
Nagpahinga si Brian sa isang sofa sa loob ng kwarto. Samantala, abala naman si Clary sa pagpapadede sa kanyang anak.
Naalala ni Isabelle na kabuwanan na ng panganganak ni Clary kaya naman dumaan sila ni Simon sa simbahan upang magtirik ng kandila para sa kaligtasan ng mag ina.
"Sayang.. nakarga ko na sana si baby.. kaso wala eh.. hindi natin alam kung nasaan sila." Ani ni Isabelle
"Magtiwala ka lang sa kanya... makikita natin sila.." tugon ni Simon
Humilig si Isabelle kay Simon, pagkatapos ay lumabas na sila sa simbahan. Dumeretso naman sila sa Gym upang buksan ito. Pagdating nila doon, natanaw kaagad ni Isabelle ang motor ni Jace.
"Ano kayang ginagawa ng lalaking yan dito!" Ani ni Isabelle
"Love.. baka naman pwede mo kausapin ng ayos.. alalahanin mo may pinagdadaanan din siya." Tugon ni Simon
Lumapit silang dalawa kay Jace. Nakita nilang nakabenda ang dalawang kamay nito.
"Jace! Anong nangyari sayo!!"ani ni Isabelle
Yumakap na lamang si Jace kay Isabelle at humingi ng kapatawaran.
"Im sorry... im sorry sa lahat..." ani ni Jace
Damang-dama ni Isabelle ang bigat at lungkot na bumabalot sa loob ni Jace. Kaya naman ibinigay na niya ang kanyang kapatawaran kay Jace.
"Ok na... wala namang dapat sisihin.. isa pa parehas lang nating mahal si Clary.." tugon ni Isabelle
Ng mga oras na iyon, inilahad ni Jace ang lahat ng katotohananang nalaman niya tungkol kay Cassandra. Hindi ito nagustuhan ni Isabelle subalit wala siyang ibang magawa kung hindi ang hayaan na lamang si Cassandra.
"Im sorry Jace.. im sorry hindi ko sinabi ng gabing iyon na nakitaan ko ng chikinini si Cassandra, at naamoy lalaki ko siya." Ani ni Isabelle
"Tama nga pala na noon pa niya ako pinaglalaruan. Ano ka ba huwag kang humingi ng sorry ako itong nagpabulag sa kanya." Tugon ni Jace
Lumipas ang ilang araw, nakalabas na ng ospital sina Clary. Bumalik na muli sila sa tinutuluyan nila, iniwan naman sila ni Brian upang magpunta sa bahay nila sa Manila at bumili ng ibang pangangailangan.
Habang nasa mall si Brian, aksidente siyang nakita ni Isabelle. Sinundan niya ito at hindi nagpakita.
"Baby section? Bakit?!" Tanong niya sa kanyang sarili
Sinundan pa niya ng sinundan si Brian hanggang sa hindi niya napansin ang isang babae kaya nabangga. Niya ito. Nawala sa kanyang paningin si Brian matapos nitong tulungan ang babae.
"Aaah! Kuya Brian! Ano ba ang tinatago mo!" Sambit niyang muli sa kanyang sarili
Umuwi na siya sa kanilang bahay at pagdating niya doon, nadatnan na niya si Brian.
"Kuya! Long time no see.. hindi ka na ata napapadalas umuwi dito?" Ani ni Isabelle
"Ah lagi kasi ako sa site, may malaki kaming projects." Tugon ni Brian
"Ok kuya.. pupunta na ako sa kwarto ko." Ani ni Isabelle
Habang naglalakad si Isabelle naisip niyang baka namalikmata lamang siya kanina sa mall. Samantala batid naman ni Brian na nagkakakutob na si Isabelle sa kanya. Kaya naman minabuti niyang huwag munang bumalik kaagad kina Clary.
"Alam kong sinusundan mo ako. Sa akin ka kumukuha ng kasagutan." Sambit ni Brian sa kanyang sarili
Makalipas ang isang linggo, babalik na si Brian sa kinaroroonan nina Clary. Bago pa man siya dumating, humarap si Clary sa salamin at tila napansin niya ang kanyang sarili na nagbabago.
"Bakit ang putla ko... bakit may mga pasa ako sa ibang parte ng katawan ko.?" Mga katanungan ni Clary sa kanyang isipan.
Kumatok si Brian at napukaw ang atensyon niya. Lumabas siya ng kwarto at kinuha ang mga pinabili niyang mga gamit at gamot ni baby Clarace.
"Thank you.." ani ni Clary
"Ilang beses ka ba mag ta-thank you? Pasensya na natagalan ako pagbalik, nagdududa na si Isabelle sa akin." Tugon ni Brian
"Ayos lang.. alam mo oras na din siguro para makita nila kaming mag-ina. Ayaw ko na ng nagtatago, kasi kahit nagtatago man ako, nasasaktan pa din ako." Ani ni Clary
"Kung iyan ang nais mo.. sige lang... sundin mo lang ang laman ng puso mo at sa kung saan ka magiging masaya." Tugon ni Brian
"Hindi ko na hangad ang kaligayahan ko. Ang nais ko na lamang ngayon ay ang kaligayahan ng anak ko. Gusto kong makilala na niya ng personal ang Daddy niya. Wala akong pakialam kung tanggapin man siya o hindi." Ani ni Clary
"Sa tingin ko tatanggapin ni Jace ang bata. Pursigido din siyang matunton kayo so, ibig sabihin noon may halaga kayo para sa kanya." Tugon ni Brian
Habang nag-uusap ang dalawa, unti-unti namang nanlalabo ang paningin ni Clary na tila umiibo ang lahat ng kanyang nakikita. Napakapit siya sa isang silya, pumikit at pag mulat niya ganoon pa din.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Brian
"Clary?? Kuya Brian??" Ani ni Isabelle
Hindi sumagot si Clary. Mayamaya ay biglang nawalan ng malay si Clary. Nasalo siya kaagad ni Brian bago pa man siya mapahiga sa sahig.
Tumakbo kaagad si Isabelle patungo kay Clary. Tinulungan niya si Brian na buhatin si Clary at dalhin sa kama niya.
"Anong ginagawa mo dito!" Ani ni Brian
"Kailan pa kuya! Kailan mo pa alam na nandito si Clary?" Tugon ni Isabelle
Hindi namalayan ni Brian na pasimple pala siyang sinundan ni Isabelle. Umarkila ito ng taxi upang hindi siya mahalata ni Brian.
"Matagal ko ng alam, ako ang nagdala dito kay Clary simula pa noong nagdesisyon siyang umalis." Ani ni Brian
"Kuya! Halos mabaliw na kami kakaisip kung nasaan siya. Tapos ikaw , may pagtulong ka pa! Yun pala alam mo naman kung nasaan si Clary."
Naagaw ang tensyon ng pag-uusap ng magpinsan ng biglang umiyak si Clarace. Nagalak si Isabelle at dali dali niya itong pinuntahan.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.