Kinaumagahan, nagtungo na sina Simon at Isabelle sa condo ni Jace. Dederetso sila sa Tagaytay upang alamin kung naandon si Clary.
"Sana doon nagstay si Clary." Ani ni Jace
"Sana nga."tugon ni Isabelle
Hindi pa nakakalayo sina Jace, nakatanggap naman siya ng tawag mula kay Cassandra.
Rrrrriiiinnnggggg.....
"Cassy?"
-Jace
"Nasan ka? Nagdodorbell ako. May dala akong breakfast."
-Cassandra
"Nako! Wala ako sa bahay. Maaga akong umalis."
"Again? Napapadalas na ata ang pag-alis mo? May pasok mamaya papasok ka ba?"
"Hindi ko pa alam. Bahala na mamaya busy pa ako sige na Cassy baka malobat na cellphone ko."
"Mag-iingat ka... ilove you.."
🖤 END CALL 🖤
Hindi nagbalik ng I love you si Jace. Samantala habang tumatagal naman, nafafall na si Cassandra para kay Jace. Unti-unti na rin nagbabago ang kanyang pagtingin at pagmamahal kay Raphael.
Umalis na si Cassandra, hindi niya nabatid na nakasunod sa kanya si Edward. Nagtungo siya sa bahay ni Raphael upang tapusin na ang namamagitan sa kanilang dalawa.
"Cassy...buti naman naalala mo pa ako." Ani ni Raphael
"Raphael pwede ba tayong mag-usap?" Tugon ni Cassandra
"Sure! Para saan?" Ani ni Raphael
"Tungkol sa relasyon nating dalawa." Tugon ni Cassandra
"Oh bakit?? Hindi ka na ba nageenjoy? Oh baka naman may bago ka ng nilalaro?" Ani ni Raphael
Nabatid ni Cassandra na tila wala lamang kay Raphael ang mga sinasabi niya.
"What do you mean?" Ani ni Cassandra
"Sus! Maang-maangan!" Tugon ni Raphael
Kinabahan si Cassandra na tila may nalalaman na si Raphael.
"Wala akong alam sa pinagsasasabi mo." Ani ni Cassandra
Bigla namang pumasok si Edward
"Bakit mo tinatanggi? Hindi ka ba nasarapan sa paglalaro ko?" Ani ni Edward
Nanlaki ang mga mata ni Cassandra sa biglaang pagsulpot ni Edward.
"Edward!" Ani ni Cassandra
"Ako nga! Kumusta ka Cassy.." tugon ni Edward
Hinaplos ni Edward ang mga pisngi ni Cassandra. Subalit Isang sampal naman ang binigay ni Cassandra para kay Edward.
"Hayop ka! Nag-usap na tayo diba! Pero sinabi mo pa din!" Ani ni Cassandra
Ngumiti si Edward sa reaksyong ito ni Cassandra. Nagsalita naman si Raphael matapos marinig sa bibig ni Cassandra ang nais niya.
"Totoo nga pala ang kasabihan.. nahuhuli ang isda sa mismong bibig niya" ani ni Raphael
"Wala pa siyang alam Cassandra! Masyado ka kasing over protective sa mga baho mo." Tugon ni Edward
"Pinaglalaruan niyo ba ako?" Ani ni Cassandra
"Ikaw ata ang naglalaro.. pati si Clary dinamay mo!" Tugon ni Raphael
"Ginawa ko iyon para maiparamdam sa kanya ang sakit na nararamdaman ko habang pinagsisiksikan ko ang sarili ko sayo na mahalin mo ako!" Ani ni Cassandra
Bumagsak ang luha ni Cassandra.
"Sa ginawa mo bang iyon, sa palagay mo mamahalin kita? Isa pa nakipaglaro ka pa sa bestfriend ko.. so paano pa kita matutunang mahalin?" Ani ni Raphael
Nagpaliwanag naman si Cassandra sa naging kasunduan nila ni Edward.
"Plano ko yan! Sinabi na rin sa akin ni Edward ang tungkol kay Jace." Ani ni Raphael
"So pinaglaruan mo lang ako?" Tugon ni Cassandra
"Hindi ka kasi marunong maghintay. Gusto mo palagi isang click makukuha mo. Alam mo naman na si Clary pa din ang mahal ko.." ani ni Raphael
"Alam ko yan! Si Clary! Si Clary! Putang ina! Bakit ba kayong lahat si Clary na lang ang bukang bibig!" Tugon ni Cassandra
"Kasi iba si Clary kesa sayo! Si Clary marunong makuntento sa kung anong kayang ibigay sa kanya!" Ani ni Raphael
Wala ng nasabi pa si Cassandra.
"Tapos na tayo Cassandra! Kung tutuusin nga wala namang tayo!" Ani ni Raphael
"Wala kang kwenta! Hindi ka marunong magmahal!" Tugon ni Cassandra
Nayamot na sa kakasumbat si Raphael.
"Umalis ka na sa pamamahay ko! Kahit kailan hindi ako magmamahal ng isang babaeng kagaya mo!" Tugon ni Raphael
Humagulhol ng iyak si Cassandra palabas ng bahay ni Raphael.
"Salamat bro! Dahil sayo natapos na ang meron sa amin ni Cassandra." Ani ni Raphael
"Alam kong minahal mo siya.. ayaw ko lang na makita na niloloko ka ng babae." Tugon ni Edward
"Hindi talaga maialis sa isip at puso ko si Clary. Iba talaga kapag si Clary ang nagmahal." Ani ni Raphael
"So anong plano mo? Babalikan mo ba si Clary?" Tugon ni Edward
"Hindi ko pa alam... baka mas piliin ko na lang na hayaan siya sa kung saan siya masaya. Ayaw ko na din kasing makitang nasasaktan si Clary ng dahil sa akin." Ani ni Raphael
"Kung sa bagay may tama ka. So pare aalis na ako.. may lalakarin pa ako." Tugon ni Edward
"Sige pare, mag-iingat ka." Ani ni Raphael
Nagtungo naman si Brian sa Baguio upang mas paniwalaan siya ng kanyang pinsan. Pagkarating niya doon, kinunan niya ng litrato ang loob ng bahay upang sabihing walang dumating doon kahit sino.
"Nagpadala ng photos si Kuya Brian,, wala sa Baguio si Clary." Ani ni Isabelle
Nadismaya naman ang tatlo sa balitang ito ni Brian.
"Haysss... sana magpakita ka na Clary.." ani ni Jace
"Huwag kang mag-alala bro, may apat pa tayong pupuntahan malay mo nandoon si Clary. Tugon ni Simon
"Salamat talaga sa inyo.. lalo na sa malaking abala. Kung tutuusin ako lang dapat ang maghanap kay Clary, kasi ako lang naman ang may kasalanan kung bakit siya biglang lumayo." Ani ni Jace
"Ano ka ba! Andiyan na tayo sa point na yan! Wag mo ng pakasisihin ang sarili mo! Nangyari na.. tapos na!" Tugon ni Isabelle
Hindi pa din maiwasan ni Isabelle na mainis kay Jace sa kabila ng nangyari.
"Pasesnya na Isabelle.." tugon ni Jace
Hindi na sumagot pa si Isabelle, naglagay ito ng earphone at nakinig ng musika.
Pagkagaling ni Brian sa Baguio, dumeretso ito sa mall upang magshopping ng mga kakailanganin ni Clary. Habang nagtutulak ng push Cart, nakasalubong niya si Alec.
"Hey Alec!" Ani ni Brian
"Brian.. long time no see.. kumusta ka.." tugon ni Alec
"Heto.. ayos lang..." ani ni Brian
"Ang dami niyan ah! Mukhang may pagdadalhan ka." Tugon ni Alec
"Ah wala naman.. mahilig lang talaga kami mag stock ni Isabelle.." ani ni Brian
"Uhm.. sabagay mas ok na din iyon..." tugon ni Alec
"Ano palang balita sa kaibigan mo?" Ani ni Brian
Nagtaka si Alec kung bakit biglang naisipang itanong ni Brian si Jace.
"Bakit?? Anong nangyari sa kanya." Tugon ni Alec
"Ah hindi mo pa pala alam.. buntis si Clary... nalaman niyang naging si Cassandra at Jace kaya ng masaktan ito lumayo at kahit sino walang nakakaalam kung nasaan siya."ani ni Brian
"What! Fuck! Hindi pa nasasabi sa akin ni Jace." Tugon ni Alec.
Naudlot ang usapan nila ng si Brian na ang susunod sa kahera. Sinubukan namang tawagan ni Alec si Jace upang komprontahin ito.
"Sinasabi ko na sayo Jace!" Sambit ni Alec sa kanyang sarili
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.