webnovel

The Day you love me. I die

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging nanjan para sa atin subalit hindi natin siya nakikita... Kelan ba tayo magmamahal kapag huli na ang lahat? Kapag tapos na ang mundo? O kapag pagod na ang puso... Kaya mo ba ang maghintay ng panahon o taon para sa mahal mo kahit walang kasiguraduhan na magiging kayo hanggang dulo? At higit sa lahat ang pinakatanong HANGGANG KAILAN MO KAYANG MAGMAHAL??? Abangan sina Jace ang lalaking minamahal subalit hindi niya kayang magmahal ng pabalik Clarry Ang babaeng handang gawin at ibigay ang lahat para sa kanyang taong mahal...

Loveisjustashow · Urban
Zu wenig Bewertungen
51 Chs

Chapter 33

Niyaya ni Jace si Cassandra para sa isang lunch date. Nagkita sila sa restaurant kung saan naghihintay na si Jace.

"Sorry im late.." ani ni Cassandra

"Sabi ko naman sayo susunduin kita." Tugon ni Jace

"May dinaanan pa kasi ako.. sorry uli at naghintay ka" ani ni Cassandra

"Ok lang... kaya ko namang maghintay." Tugon ni Jace

Masayang pumasok ang dalawa. Hindi nila napansin na sa restaurant na pinasukan nila ay naroon pala sina Simon at Isabelle.

"Diba si Jace iyon?" Ani ni Simon

Tumingin si Isabelle

"Sssshh... huwag kang maingay." Tugon ni Isabelle

Nagtaka naman si Simon

"Basta! Huwag mo na lang batiin.." ani pa ni Isabelle

"Ok.. hindi ko matandaan pero parang nakita ko na yung babae." Tugon ni Simon

Bumulong si Isabelle kay Simon

"Si Cassandra yan... siya yung babaeng kasama ni Jace sa bar.." ani ni Isabelle

"Ah! Oo tanda ko na.. sila ba?" Tugon ni Simon

Nahiwagaan ang dalawa sa relasyong mayroon sina Jace at Cassandra.

"Order ka na ng gusto mo.." ani ni Jace

"Ikaw.." tugon ni Cassandra

"Ako?? Pero bakit ako.." ani ni Jace

"I mean ikaw na ang mag order ng kakainin natin." Tugon ni Cassandra

"Aaah! Ok sige ako na.." ani ni Jace

Nang matapos magorder, tumingin si Jace kay Cassandra at hinawakan nito ang kamay niya.

"Are you happy?" Ani ni Jace

"Oo naman.. masaya ako..." tugon ni Cassandra

"Good! hintayin lang natin ang order natin. Pagkatapos natin dito, saan mo gustong pumunta?" Ani ni Jace

"Hindi ko alam.. ikaw saan mo ba gusto?" Tugon ni Cassandra

Nag-isip si Jace kung saan niya pwedeng dalhin si Cassandra. Samantala patuloy lamang sa pakikinig si Isabelle.

Hindi nagtagal ay nagyaya ng umalis si Isabelle. Pumayag naman si Simon sa kagustuhan ni Isabelle.

"Ok ka lang ba?"ani ni Simon

"Hindi ako ok! Nasasaktan ako para sa kaibigan ko." Tugon ni Isabelle

"So ano ang plano mo?" Ani ni Simon

"Hindi ko alam... siguro baka ilihim ko na lamang ito kay Clary hanggang sa wala pa akong hawak na ebedensiya sa kung anong meron silang dalawa." Tugon ni Isabelle

Hinaplos ni Simon ang likuran ni Isabelle. Napatungo naman si Isabelle sa balikat ni Simon.

"Magiging ok din ang lahat... huwag kang mag-alala" ani ni Simon

"Sana nga.... sana...." tugon ni Isabelle

Walang ano-ano ay biglang tumawag si Clary sa kanya.

"Si Clary tumatawag..." ani ni Isabelle

"Sagutin mo... act normal.." tugon ni Simon

Sinagot ni Isabelle ang tawag ni Clary..

🖤+ CONVERSATION +🖤

🖤+ CLARY & ISABELLE +🖤

"Clary...""

-Isabelle

"Nasan ka? Pwede ba tayong magkita?"

-Clary

"Nasa park kami ni Simon. Gusto mo bang pumunta dito? Hihintayin ka namin."

"Hindi ba nakakahiya kay Simon?  Gusto ko lang talaga ng kausap"

"Hindi ok lang... halika na pumunta ka na dito o kung gusto mo magkita na lang tayo sa bahay mo."

"Sige doon na lang tayo magkita, kung gusto ninyo food trip tayo.. sige na kita kits.."

"Ok pupunta na kami ni Simon"

🖤+ END CALL +🖤

Pagkatapos ng kanilang usapan, kaagad na nagpunta sina Simon at Isabelle sa bahay ni Clary.

"Kinakabahan ka ano?" Ani ni Simon

"Oo wrong timing kasi, bakit ngayon pa niya gustong makipagkita." Tugon ni Isabelle

"Kaya mo yan... basta think before you answer.." ani ni Simon

"Salamat Simon ha... kahit sa kaibigan ko nagiging supportive ka din.." tugon ni Isabelle

Habang kumakain sina Jace at Cassandra, dumating naman si Alec kasama ang isang lalaki.

"Jace?" Ani ni Alec

"Alec... ano ginagawa mo dito?" Tugon ni Jace

"Ah.. ano kasi mag lulunch kami ng kasama ko.." ani ni Alec

Napatingin si Alec kay Cassandra.

"Uhm! Alec si Cassandra nga pala.." ani ni Jace

"Oo kilala ko siya... anyways si Magnus nga pala boyfriend ko." Tugon ni Alec

Nabigla si Jace sa kanyang nalaman. Hindi niya lubos isipin na ang kaibigan niyang Macho ay may kalambutan palang itinatago.

"Really... ??? hi Magnus.." ani ni Jace

"Hello Jace! Nice to meet you.." tugon ni Magnus

Kumuha na ng table sina Alec at Magnus.

Pagdating naman nina Simon at Isabelle sa bahay ni Clary. Isang akap kaagad ang isinalubong ni Clary kay Isabelle.

"Para saan ito??" Ani ni Isabelle

"Wala lang... hindi ko masabi kung bakit..." tugon ni Clary

"Hmm... gusto mo ng kausap... halika makikinig kami ni Simon." Ani ni Isabelle

"Uhm! Wait! Order muna tayo ng food.." tugon ni Clary

Sumingit bigla si Simon.

"Clary wag na.. ituro mo na lang sa akin ang kusina at kung anong meron sa ref mo iyon na lamang ang lulutuin ko.." ani ni Simon

"Seryoso ka? Magluluto ka para sa amin ni Isabelle? Pwede naman tayong mag order na lang." Tugon ni Clary

"Ok lang sa akin... sige na mag-usap na lang muna kayo ni Isabelle sa salas at ako na ang bahala dito sa kusina." Ani ni Simon

Iniwan ni Clary si Simon sa kusina. Pagbalik niya sa salas kaagad siyang nagkwento kay Isabelle.

"Masaya ako na hindi ko maipaliwanag." Ani ni Clary

"Bakit?" Tugon ni Isabelle

"Masaya lang ako sa kung anong meron kami ni Jace."ani ni Clary

"Ano na ba ang status ninyong dalawa?" Tugon ni Isabelle

"Ayun.. feeling ko kami na ni Jace... hindi ko alam kung paano pero iyon ang nararamdaman ko." Ani ni Clary

Napalunok si Isabelle, bigla niyang naalala ang nakita niya sa restaurant.

"Nakikinig ka ba?" Ani ni Clary

"Oo naman.. dapat kasi nililinaw mo muna kung ano ang meron kayo. Hindi naman sapat na panghawakan ang nararamdaman mo." Tugon ni Isabelle

"Pakiramdam ko mahal ako ni Jace. He kissed me last night again.. then maalaga siya kapag magkasama kami.. tapos masaya ako, masaya kami kapag magkasama kami." Ani ni Clary

Naaawa si Isabelle sa kanyang kaibigan. Subalit hindi niya kayang sabihin ang kanyang nakita sa kanyang kaibigan.

"Eto ha payong kaibigan... alamin mo muna ang kung ano ang meron kayo... tapos pag kayo talaga doon mo na lang ibuhos ang lahat ng nararamdaman mo para sa kanya" Ani ni Isabelle

"Bakit? Hinihintay ko na lang naman is manligaw si Jace." Tugon ni Clary

"Clary... yung emotions mo mas mataas... ipantay mo lang sa feelings mo.." ani ni Isabelle

Gustong gusto nang sabihin ni Isabelle ang kanyang nalalaman, subalit biglang sumingit si Simon.

"Ok here's our pick a pick! Tacos a la Simon!" Ani ni Simon

Bumulong si Isabelle kay Simon

"Thank you.... dumating ka..." ani ni Simon

Hinawakan ni Simon ang ilong ni Isabelle.

"You're so cute!" Tugon ni Simon

Natuwa naman si Clary ng makita ang dalawa. Mas lalo pa siyang natuwa ng makita ang sarili nila ni Jace sa dalawa habang naglalambingan. Isang malaking pag-asa ang pinanghahawakan ni Clary para sa kanila ni Jace.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts