Pagkatapos magsalita ni Clary, lumapit ito kay Cassandra at binati. Hindi naman nagustuhan ni Cassandra ang paglapit na ito ni Clary.
"Hey Cassandra.." ani ni Clary
"Yes?" Ani ni Cassandra
Napansin ni Clary ang pasa.
"Oopps! Masakit ba?" Nakangiting ani ni Clary
"Hindi pa tayo tapos! Babawi ako sayo!" Tugon ni Cassandra
"Ok... sa susunod kabila naman. Kaya kung ako sayo pumili ka ng kakabanggain mo." Ani ni Clary
"Napakayabang mo! Akala mo kung sino ka!" Tugon ni Cassandra
"Cassandra.. always remember i am Clary.. ok?" Ani ni Clary
Napansin ni Jace at Alec na tila nagkakainitan ang dalawa kaya siniko ni Alec si Jace at bumulong.
"Jace! Yung dalawa mukhang nagkakainitan." Ani ni Alec
"Wait! Ikaw muna ang bahala dito pupuntahan ko muna sila." Tugon ni Jace
"Sige bilisan mo at baka magumpisa pa ng gulo ang dalawang iyan" ani ni Alec
Agad na nagtungo si Jace sa dalawa upang pumagitna.
"Clary! Cassandra! Ok lang ba kayo?" Ani ni Jace
"Uhm yeah Jace ok lang kami. Diba Cassandra?" Tugon ni Clary
Bakas sa mukha ni Cassandra ang yamot kay Clary.
Hindi ito sumagot bagkos ay tumalikod na siya at kinuha ang kanyang mga gamit.
Ilang sandali naman ay dumating na ang kasama ni Clary dala ang kanilang mga gamit. Samantala tingin tingin naman si Jace dito.
"Clary.. heto na ang mga gamit natin" ani ni Brian
"Thanks Brian! Uhm.. anyways this is Jace." Tugon ni Clary
"Hi Pare! Brian nga pala pero pwede mo din akong tawaging Bry" Ani ni Brian
Iniabot ni Brian ang kanyang kamay kay Jace, nakailang segundo pa bago pa man siya kamayan ni Jace.
"I'm Jace. Nice to meet you" tugon ni Jace
Napansin ni Clary na may katanungan sa isipan ni Jace kung sino ba si Brian sa kanyang buhay. Kaya naman humingi siya ng ilang minuto kay Brian para makapag usap sila.
"Brian, pwede bang iwan mo muna kami. Susunod na lang ako." Ani ni Clary
"No problem. Hihintayin kita dito sa isang tabi sabay na tayo pumasok mamaya." Tugon ni Brian
Pumunta si Brian sa isang kiosk upang doon hintayin si Clary. Pagkaalis niya kaagad na nagtanong si Jace
"Sino siya?" Ani ni Jace
"Si Brian. Diba nagpakilala na siya sayo?" Tugon ni Clary
"Alam ko. Pero bakit kasama mo siya?" Ani ni Jace
Bakas sa mukha ni Jace ang kaunting pagkadismaya na may halong pagseselos.
"Si Brian kapatid ni Isabelle. Dapat kasama ko si Isabelle kaso hindi siya pwede so kaya si Brian ang pinasama niya sa akin." Tugon ni Clary
"Ah ok." Ani ni Jace
Pasimpleng sumilip si Jace sa kinatatayuan ni Brian.
"Bakit mo pala tinatanong kung sino siya?" Ani ni Clary
"Ah wala. Sige pasok na tayo sa loob." Tugon ni Jace
Napangiti si Clary sa naging reaksyon na ito ni Jace. Batid niya na medyo hindi ok kay Jace na may kasama siyang lalaki. Lumapit si Clary kay Brian at humawak sa braso nito habang naglalakad.
Patungo ang grupo sa gitna ng gubat. Sinusundan nila ang tour guide para sa mas mabilis silang makarating. Subalit biglang bumuhos ang malakas na ulan. Huminto sila sa lilim ng puno, medyo lumamig ang simoy ng hangin.
"Ok ka lang?" Ani ni Brian
"Oo ok lang, medyo malamig. Naiwan ko ang jacket ko sa kotse mo." Tugon ni Clary
"Wait." Ani ni Brian
Binaba ni Brian ang dala niyang camping bag at Hinubad niya ang suot niyang jacket at saka isinuot kay Clary.
"Thanks Bry.." ani ni Clary
"It's nothing..." tugon ni Brian
Nakita ng lahat ang ginawang ito ni Brian. Kinilig ang iba at ang iba naman ay natuwa. Samantala, umirap lamang si Cassandra. Nakatingin naman si Alec kay Jace na nakamasid sa dalawa.
"Paano ba yan Bro.." ani ni Alec
"Anong paano? Ikaw talaga. Ayan tila na ang ulan tara na uli maglakad" tugon ni Jace
Humudyat si Alec sa tour guide at nag-umpisa na silang maglakad muli. Paakyat ng kaunti ang bundok at medyo madulas ang daan. Nakahawak sa kamay ni Brian si Clary habang naglalakad.
"Magkaibigan lang ba sila?" Pabulong ni Alec kay Jace
"Ano ba bro! Mamaya marinig ka.." tugon ni Jace
Tumigil si Alec sa pangyayamot kay Jace, medyo nakakahalata na siya na mabilis na mag init ang ulo nito. Ito ang palatandaan ni Alec kapag nag seselos ang kanyang bestfriend.
"Aww!" Sigaw ni Clary
"Ano yun? Si Clary yun ah!" Ani ni Jace
Nagmadaling pumunta si Jace sa kinaroroonan ni Clary. Pagdating niya doon nadulas pala si Clary at hirap itong maglakad. Itinayo siya no Brian subalit hindi nito maihakbang ang kanyang kanang paa.
Hindi mabubuhat ni Brian si Clary sapagkat marami siyang dala, kaya naman lumapit si Jace at nagpresenta.
"Halika na, bubuhatin na kita" ani ni Jace
"Wag na.. kaya ko.." tugon ni Clary
Pumwesto si Jace sa likurang bahagi ni Clary at bigla niya itong binuhat. Nagulat si Clary kaya napatili ito. Napailing na lamang si Alec sa ginawang ito ni Jace.
Dahil sa nangyari naglakad sila hanggang sa makarating sila sa gitna ng gubat. Masama naman ang tingin ni Cassandra kay Clary habang pasan-pasan ni Jace.
"Kunwari lang nasaktan!" Sambit ni Cassandra sa kanyang sarili
Makalipas ang tatlumpong minutong paglalakad, nakarating na sila sa gitna ng gubat kung saan sila mananatili sa loob ng tatlong araw.
"Ok guys. Get your partner at magbubuo na tayo ng ating tent." Ani ni Alec
Sa normal na grupo si Cassandra at Jace ang magpartner at dahil guest si Clary wala siyang makuhang partner maliban kay Brian.
"Umupo ka lang jan ako na ang bahalang gumawa nito" ani ni Brian
"Pero kaya ko namang tumulong." Tugon ni Clary
"Clary... ako na.." ani ni Brian
Kinuha ni Jace ang kanyang tent at doon nagbukad malapit kina Clary. Lumapit naman si Cassandra dala ang kanyang tent at nagtanong.
"TL bakit dito? Napakalawak naman ng space." Ani ni Cassandra
"Gusto ko malapit ako sa lahat. Kaya sige na magsimula na tayong mag ayos malapit ng dumilim." Tugon ni Jace
Nakasimangot si Cassandra habang nagbubukad ng kanyang tent. Hindi niya ito alam gawin kaya humingi siya ng tulong kay Jace.
"TL can you help me please?" Ani ni Cassandra
"Sure! Wait lang patapos na ako." Tugon ni Jace
Nakita ni Cassandra na nanonood si Clary habang nag gagawa ng tent si Jace kaya naglakas loob siyang magpatulong kay Jace. Nagtagumpay naman si Cassandra at nakuha ang tulong ni Jace. Sa madaling salita, si Jace na ang gumawa ng tent para kay Cassandra.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.