webnovel

The Cursed Demon

"From today, tomorrow and in the rest of your life, you are mine Amber Dela Fuente. Only mine" the demon said in a husky tone before he leaned in and kissed me.

ILoveHR · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
7 Chs

DEMON 1

First Encounter

"Ohhh...oh baby...ahh..faster please!...I'm...I'm coming...ahhhhh"

Agad na nilagay ng lalaki ang kamay niya sa kanyang noo nang tumabi siya sa gilid ng magandang babae.

Hinahabol ang hininga habang nakapikit ang mga mata.

"Ang galing mo..." sambit ng magandang babae at idinikit ang hubad na katawan sa lalaki.

Agad na idinilat ng lalaki ang kanyang mata at nakangising tumingin sa magandang babae.

"I know, babe" saka sabay inalis ang nakadantay na kamay ng babae sa kanyang katawan bago tumayo at magbihis ng hinubad na kasuotan.

"Where are you going?"

"Obviously, I'm done here" habang sinusuot ang kanyang pang-itaas na damit at nakangisi pa rin sa magandang babae.

"But we're not yet done!"

Saka tumayo ang magandang babae habang nakabalandara ang kanyang kahubaran.

Lumapit ito sa lalaki at inilagay ang kanyang dalawang braso sa balikat nito.

"Are you sure you want to leave? I'm so...aroused...right now..."

At lalo pang idinikit ang hubad na katawan sa lalaki.

Ngumisi ang huli at inilagay ang kamay sa beywang ng magandang babae bago niya idikit ang labi sa tainga nito.

"Believe me, when I said I'm done. I'm done, babe"

At saka isinaksak ang patalim na hawak sa hubad na likuran ng magandang babae.

Lumabas ang dugo mula sa bibig ng babae habang nakatingin sa lalaki ng may nanglalaking mata.

Ang kaninang maamo at napakagwapong mukha ng lalaki ay nagmistulang halimaw nang maging pula ang asul nitong mga mata at humaba ang kuko nito sa kanyang mga daliri.

Marahas ng itinulak ng lalaki ang ngayong walang buhay na babae palayo sa kanya.

Disgusto niyang tinignan ang kasuotan na ngayon ay may bahid na ng dugo.

Bago yumuko at hawakan ang bangkay ng magandang babae upang ito'y maglaho.

"Bitch"

Matapos ay agad niyang sinuot ang kanyang itim na dyaket at agad na sinagot ang tumutunog na telepono sa bulsa ng kanyang pantalon.

"What?" bungad niya sa kabilang linya.

Ang kanyang kaninang pulang mga mata at mahahabang mga kuko ay agad na bumalik sa dati nitong anyo.

[Where are you Ava?]

"Nowhere. What do you want?"

[We need you here. Bella's having tantrums again. Gusto kang makita]

Napahawak ang lalaki sa kanyang sentido at huminga ng malalim bago sumagot sa kabilang linya.

"Fine"

Saka pinatay ang kanyang telepono at tuluyan ng lumabas ng kwartong 'yon.

---

"Mommy...Daddy..." umiiyak na hinahanap ng batang babae ang kanyang mga magulang sa hallway ng isang hotel kung saan sila nagcheck-in.

Nawala ang bata ng sundan nito ang napakagandang kulay pulang paro-paro na dumaan sa kanyang harapan.

At nang tumingin siya sa kanyang likuran, nakita na lamang nito na wala ang kanyang mga magulang at siya'y nawawala.

Madilim kung saan siya naroroon. Nakapatay ang mga ilaw at ang lamig ng paligid kaya humihigpit ang hawak ng batang babae sa kanyang dalawang braso.

"M-mommy...D-Daddy..."

Biglang napatigil sa pagluha ang bata nang makarinig siya ng mga yabag.

Nagkaroon ng pag-asa upang makita ang kanyang mga magulang.

Agad niyang pinuntahan kung saan nanggagaling ang yabag kahit na nakakaramdam pa rin siya ng takot sa kadiliman ng lugar na 'yon.

Dahan-dahan siyang naglalakad at palakas ng palakas ang yabag ng nagmamay-ari nito.

Hanggang sa naramdaman na lamang niya na bumangga siya sa isang matigas na pader at napaupo sa sahig.

Naiiyak niyang hinawakan ang kanyang pwetan. At tiningala ang nabunggong pader.

Nanglalaking matang tinignan ito ng batang babae. Malakas ang pagkabog ng puso niya dahil roon.

Hindi isang pader ang kanyang nabunggo. Kung hindi isang tao. Lalaking may asul na mga mata.

Nakatingin ito sa kanya ngayon. Walang emosyon ang ipinapakita. Kaya lalong natakot ang batang babae at agad na tumayo upang lumayo sa lalaki.

Ngunit hindi siya nagtagumpay ng hawakan ng lalaki ang kanyang maliit na braso at muli siyang iharap nito.

Naluluha niyang tinignan ang lalaki. Pilit tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kanya.

Nakita niya na pumantay sa kanyang tangkad ang lalaki at tinignan siya ng mataimtim.

Iniiwas ng batang babae ang kanyang tingin sa lalaki at patuloy pa ring tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Hey little girl. Are you lost?"

Naramdaman ng batang babae ang pagtindig ng kanyang balahibo ng marinig ang boses ng lalaki.

Kaya muli siyang napatingin rito at agad na napatakip ng kanyang bibig ng makita ng tuluyan ang itsura ng lalaki.

Maaaring sampung taon gulang pa lamang siya, ngunit marunong pa rin siyang humanga sa isang tao. Lalong-lalo na't kung ito'y napakagwapo katulad ng lalaking kanyang kaharap.

Tinitigan lamang ito ng batang babae na sinuklian naman ng lalaking may asul na mga mata.

Tug.

Tug.

Napahawak sa kanyang dibdib ang batang babae. Pakiramdaman niya kasi ay dinig ng lalaki ang lakas ng pagtibok ng kanyang puso.

Tug.

Tug.

"Little girl?"

Agad siyang napayuko. Iniiwasan na muling mapatingin sa asul nitong mga mata.

Umiiling-iling siya at muling nag-umpisa ang kanyang mga luha.

"N-nawawala po a-ako. H-hindi ko alam kung n-nasaan sila mommy at daddy"

Iniyukom ng batang babae ang kanyang dalawang kamay at agad na pinunasan ang mga tumulong luha.

Naramdaman niya ang daliri ng lalaki sa kanyang baba upang siya'y mapatingin muli rito.

Kung kanina ay nakakatakot ang itsura nito, ngayon ay nakangiti na ito sa kanya na nagpabilis ng tibok ng kanyang batang puso.

"Don't worry little girl. I'll help you. Come"

Hindi na siya lumaban pa at hinayaan na lamang ang lalaking may asul na mga mata na hilahin siya sa kung saan.

Nakayuko lamang siya ngunit nakikita niya ang pagliwanag ng paligid.

Naririnig na rin niya ang mga ingay kaya agad siyang napataas ng tingin.

At bumungad sa kanya ang lugar kung saan naroroon kanina ang kanyang mga magulang.

Nakaramdam siya ng tuwa. Patingin-tingin sa paligid upang hanapin ang kanyang mommy at daddy.

Nang makita niya ito ay agad siyang tumakbo palapit rito at iniwang mag-isa ang lalaki.

"Mommy! Daddy!" tawag ng batang babae sa kaniyang mga magulang na agad naman nilang narinig.

Maraming guards ang nakapalibot sa kanyang Mommy at Daddy. Mayroon ding mga staff ng hotel ang kinakausap nila.

"Amber! Where have you been?" sambit ng ina ng batang babae at agad siyang niyakap nito nang makalapit siya.

Naluluhang tinignan ng batang babae ang kanyang ina at nang bumungad sa kanya ang namamagang mga mata nito na tila kagagaling lamang sa pag-iyak, agad na tumulo ang kanyang mga luha.

Lumapit rin sa batang babae ang kanyang ama. Seryoso ang  mukha nito habang hinihintay ang paliwanag niya.

"S-sorry po m-mommy, daddy. H-hindi ko na po uulitin..." umiiyak niyang paliwanag habang nakayuko at hindi tumitingin sa kanila.

Naramdaman niya muli ang pagkayakap ng kanyang ina kaya mas lalo siyang napaiyak.

"It's okay Amber, baby. The important is you're here na, okay? Wag ka ng umiyak" pagtahan ng ina sa batang babae.

Sinunod naman ng batang babae ang kanyang ina at agad na pinunasan ang mga tumulong luha ng bitawan siya nito.

"How did you get here?" tanong sa malamig na tono ng kanyang ama.

Agad na nabaling ang tingin ng batang babae sa ama ng marinig niya iyon.

Ngunit agad ring iniiwas ng bata ang kanyang tingin dahil sa takot sa ama.

Nang sasagot na siya rito, may biglang sumabat sa usapan.

"Because I helped her"

Muling naramdaman ng batang babae ang pagtindig ng kanyang balahibo at ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso, nang marinig niya ang boses ng lalaking may asul na mga mata.

Nakita niya ang paglaki ng mata ng kanyang ina at ang pagkunot ng noo ng ama sa lalaki.

Agad na humarap ang batang babae sa lalaki at ganoon na lang rin siyang muling napahawak sa kanyang bibig nang makita ng mas maliwanag ang itsura nito.

Napansin rin ng batang babae ang pagtingin ng mga taong naririto sa lalaki lalong-lalo na ang mga kababaihan.

Napakagwapong lalaki kasi ang nasa kanilang harapan. Kitang-kitang ang napakaganda nitong asul na mga mata.

Napakamatipuno rin ng katawan na lalong nagpahanga sa mga kababaihan.

"Be thankful that your daughter is here...If I had not...whatever. I'm out here"

Sumulyap muna ang lalaking may asul na mga mata sa batang babae bago ito tuluyang tumalikod sa kanila at naglakad palayo.

Agad na napahawak sa kanyang dibdib ang batang babae.

Tug.

Tug.

Naririyan na naman ang paglakas ng tibok ng kanyang batang puso.

Muli siyang napatingin sa lalaking palayo ng palayo sa kanila.

Tug.

Tug.

Doon lang niya naalala na hindi siya nakapagpasalamat sa lalaking may asul na mga mata at lalong-lalong hindi niya naitanong ang pangalan nito.

Hahabulin niya na sana ito ngunit agad rin siyang napatigil nang makitang niyang nawala ng parang bula ang lalaki sa nilalakaran nito.

Lumingon-lingon sa paligid ang batang babae upang hanapin ang lalaking may asul na mata ngunit agad ring siyang nabigo ng hindi niya na ito makita.

Napabuntong hininga siya at haharap na sana sa kanyang mga magulang nang biglang may mahagip ang kanyang mga mata.

Agad niya itong nilapitan.

Napangiti siya ng makita ito at walang-alinlangang itong kinuha.

'Be safe little girl, 'til we meet again'