3 2. Solana University

Raidens POV:

Ako si Raiden. Raiden Villafuerte.

Ako ang lalaking nakausap ni Aimie., Ako rin iyong lalaki na nasa larawan. Oo, tama kayo ng nabasa, iyong lalaki na nasa larawan at ako ay iisa. Paano nangyari iyon?

Marahil nagtataka rin kayo. Hindi ko muna sasabihin kung paano nangyari iyon .

Solana University ang pangalan ng aming Unibersidad.

Hindi ako madalas lumabas kaya madalang lang akong makita ni Aimie sa school na ito, nasa rooftop lamang ako palagi. Doon ay nagbabasa ako ng libro, libro ng university na ito, sa libro na ito mababasa ang nakaraan ng Unibersidad na ito. Ako lamang ang nakaka-alam tungkol sa librong ito, maski ang mga madre at pari na namamahala sa Unibersidad na ito ay hindi pa nabubuklat ang librong ito.

Maganda si Aimie, simpleng babae at halatang lumaki sa probinsiya.

Anong naisipan niya at dito niya napiling pumasok sa Unibersidad na ito? Nababaliw ba siya? Andaming pwedeng pasukan na magandang Unibersidad dito sa Manila. Ngunit bakit itong Unibersidad na ito ang kaniyang napili?

Hindi ba niya alam na hindi na ito nag-eexist sa panahon ngayon? Tsk. Marahil ay hindi niya pa alam.

Wala siyang kaalam-alam. Sana'y hindi siya magsisi sa kanyang naging desisyon.

Aimie's POV:

Umagang-umaga ay nagchi-chismisan na naman itong mga babaeng ito.

Andito ako sa may corridor ng 603 Building. Naglalakad patungo sa aking silid.

Pang-apat na araw ko na ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagiging kaibigan dito.

Nakita ko iyong lalaki na nakausap ko kahapon. Himala at maaga siyang pumasok ngayon.

Nagpunta na ako sa silid.

Kausapin ko kaya siya total parang wala din naman siyang kaibigan.

"Hi" bati ko sakanya.

Halatang gulat siya.

" Hello" cold na tugon niya sa akin.

" Bakit, mag-isa ka lang?" Wala ka bang kaibigan dito? Tanong ko sakanya..

" Wala" maikling tugon niya sa akin.

Hindi na ako muling umimik dahil halatang ayaw niya akong kausapin.

Nilibang ko na lamang ang aking sarili, naglaro na lamang ako sa aking cellphone.

Napatingin ako kay ano nga palang pangalan nito. Nakalimutan kong tanungin. Mamaya na lang.

Tila ba nagtaka ako dahil kanina pa pala sits nakatingin sa hawak ko. Ang cellphone, bakit parang nagtataka siya kung ano itong hawak ko.

Wala ba siyang cellphone? Mukha naman siyang mayaman. Wala sa itsura niya ang pagiging mahirap.

"Pst" tawag ko sakanya.

Agad naman siyang tumingin sa akin at agad din niya itong iniwas.

Hmmmm. Weird

Natapos ang Isang araw na Wala na namang nangyari, nagklase kami ngunit wala akong maintindihan sa mga itinuturo nila. Kakaiba pati ang mga libro nila, pati ang way ng pagtuturo ng mga madre at pari doon. Kakaiba.

Hindi ko ma-explain, pero hayaan na. Magseself-study na lamang ako.

Andito ako ngayon sa aking kwarto, nagpapatugtog lamang ako. Wala din naman akong assignment or research assignment na gagawin.

Hindi yata uso sa Unibersidad na iyon ang salitang assignment. Pero ayos na rin iyon para bawas sa gagawin.

Muli na namang sumagi sa isip ko iyong lalaki kanina. Guwapo, mahinahon ang kanyang boses, malalim, mapungay ang mga mata at matangos ang kanyang ilong.

Argghhh!!! Ano ba Aimie. Napaka weird nga ng lalaking iyon. Haha

Hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya. Panigurado bagay sa mukha niya ang pangalan niya.

Ayos lang naman siguro kung magka crush ako sakanya. Paghanga lang naman saka isa pa, ngayon lang ako magkakacrush. Mukhang mabait naman siya eh kahit weird.

avataravatar