webnovel

Chapter 155

Mga kalahating oras din ang layo ng bahay ni Fumika.  By the time na nakarating sila, si Ashley ay naka-idlip na sa sobrang pagod.  Kaya naman hindi na nagpaalam si Fumika ng bumaba, kundi kay Tiny na lang siya nag pasalamat. 

"Sir Tiny, pakisabi na lang po kay ma'am Ashley na maraming salamat sa paghatid ninyo.  Kung hindi ay late na naman akong makakarating."  Sabay sarado niya ng pintuan.

Si Tiny naman ay lumingon upang tingnan si Ashley na nakaidlip.  Tiningan niya ang oras, kung sa mansion sila uuwi, siguradong mahigit isang oras bago sila makarating.  Naisip ni Tiny na sa condo na lang dalhin si Ashley upang makapag-pahinga ng maaga.

Habang nagmamaneho siya ay tinawagan niya si manong Ruffy upang ipaalam dito ang balak niya.

"Sige!  Pupunta na lang ako at dadalhan ko ng hapunan si ma'am.  Pati na rin damit na isusuot niya para bukas." Aniya ni manong Ruffy.  Bago tinawag niya si Inday upang magpahanda ng gamit ni Ashley.

Gesperrtes Kapitel

Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com

Nächstes Kapitel