webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Urban
Zu wenig Bewertungen
126 Chs

Chapter Twenty-Four

Mabilis akong lumakad pabalik sa covered court. Actually mukha syang malaking gymnasium. Sino naman kaya ang nagpagawa nito at dito pa sa malayo sa kabihasnan? Nag-hiyawan na sa loob at nakita ko si Sweety na balik na naman sa kanyang cheer dance.

"WOOHOOO!! GO GO GO TIMOTHY!!" sigaw nya.

Napatingin ako sa mga naglalaro at napansin na balik na ulit sa game si TOP. Nakakapag-shoot na ulit sya. Biglang bumagsak ang balikat ko. Mukhang alam ko na kung bakit ako pinalabas ni Sweety para bumili. Mukhang galit talaga si TOP sa'kin. Ano ba ang nagawa ko sa kanya? Eeesh! Ang hirap intindihin ng mga lalaki!

"WAY TO GO TIMOTHY!"

Naipasok ni TOP ang three point shot kaya naman nanalo ang team nila. Nag-cheer ang mga tao. Sila parin ang champion. Napa-buntong hininga nalang ako. Bakit pa ba ako nandito? Pinuntahan ko si Sweety sa pwesto nya. Masayang masaya sya sa result ng game.

"Hey, Sis! Nakita mo ba yun? Ang galing talaga nya hindi ba?" excited na kwento nya.

"Yeah, uh Sweety, kailangan ko nang umalis. Baka kasi nag-aalala na sa'kin ang mga kasama ko sa bahay eh," paliwanag ko.

"Pero hindi ka ba sasama sa celebration ng team? I'm sure—"

"Naku hindi na. Kailangan ko na talagang umalis."

"Pero sis.."

"See ya!" tumakbo na ako palabas ng court bago pa nya ako mapigilan.

Haay. Bakit ba parang ang lungkot ko? Ang totoo nyan gusto ko syang makita pero... Eh?! Ano ka ba Samantha? Bakit ang weird mo ngayon? Hwag ka ngang emo. Eh ano naman kung galit sya sa'yo? Oo nga pala, bakit naman kaya sya galit sa'kin? Dahil ba inaway ko sya kagabi? Yun ba? Psh! Sya pa may ganang mag-tampo. Ako nga dapat yun eh!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pauwi sa village namin. Ano kayang oras na? Napatingin ako sa relo ko, 9pm. Nakupo lagot na ako nito! Siguradong lagot ako sa tatlong baliw na yun! Ano kayang sasabihin kong dahilan kung bakit gabi ako nakauwi?

"Psst!" may tumawag mula sa likod ko. "Psst! Sexy! Hahaha!"

May sumusunod sa akin!! Hindi ko pinansin at binilisan ko ang lakad ko.

"Hi Miss Sexy!" tawag ng lalaking nasa likuran ko. Tapos sumipol sya.

"Looking fiiiiine baby!" Kasunod nun may narinig akong tawanan.

HOLY SHIZ! Ang dami yata nila. Kinakabahan ako at hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman mas binilisan ko lang ang lakad.

"Damn slut, stop playing hard to get—AHHH!" sumigaw yung lalaki. Then may narinig akong tunog na parang may natumba.

Nang lingunin ko. Nakita ko nalang na nakahiga na sa sahig ang tatlong lalaki at namimilipit sa sakit. Tapos nakita ko sya. Ano'ng ginagawa nya rito?

*LUB.DUB.LUB.DUB* WAAH! Ano'ng ginagawa nya rito? Bigla syang lumapit sa'kin.

"How.." Umiwas ako ng tingin kay TOP. Yung tingin nya kasi. Ewan ko ba, biglang may nagbago sa amin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya naman, naglakad na lang ulit ako.

"I'll walk you home," narinig kong sabi nya.

"You dont have to," sabi ko at naglakad na ulit. Ano ba ang sinasabi nya? Akala ko ba war kami?

"I'm not asking for your permission. I'll walk you home whether you like it or not," he started walking in front of me. Psh!

Stupid Bipolar Gangster!

(<__<") tingin sa kanan

(">__>) tingin sa kaliwa

(>__<) ayoko syang tingnan!

PERO!! Ang sexy ng likod nya! At ang sexy ng lakad nya. Pang model!

Ugh! Sa loob ng mahabang oras walang imikan na naganap sa pagitan namin. Hindi naman awkward kasi buong oras nakatingin lang ako sa likod nya. Hindi ko sya pinagnanasahan! Ina-admire ko lang sya! Hindi ako guilty! Maganda lang talaga porma nya! Sobrang makisig lang talaga sya. Bigla syang tumigil at bigla akong nabunggo sa likod nya.

"Oomph!" napahawak ako sa ilong ko at bahagyang umatras.

Nakatingin lang sya sakin. Napatingin ako sa tinigilan namin. HUH? Nasa bahay na pala kami! Ang bilis naman yata! Bakit nandito kaagad kami?

"Uhh. Nandito na pala tayo," sabi ko. Hindi parin sya umaalis. Nakatingin lang sa bahay namin. "Sige.. thanks!" sabi ko at tinignan lang nya ako pero hindi nagsalita.

Owkay. Binuksan ko yung gate nang bigla syang magsalita.

"I'm sorry!" he said.

Mabilis akong napalingon sa kanya. Shocked.

"W-What did you just say?" gulat na sabi ko. Totoo ba to? Nagso-sorry sya?

"Damn it, don't make me say it again!" he said frowning.

Tinignan ko lang sya. Bahala ka na nga dyan. Binuksan ko ulit yung gate.

"Ah f*ck it! I said I'm sorry!" he yelled. "I'm sorry for being a jerk yesterday! I'm sorry for yelling at you! And I'm sorry for calling you a b*tch! You're not a b*tch, I take it back. Sorry."

Namumula yung mukha nya. Hindi sya makatingin sa akin. Sa ikinikilos nya ngayon parang kinakabahan sya, hindi sya komportable. Lihim akong napangiti.

"There! I f*ckin said it!" sabi nya at huminga sya ng malalim. Ganon ba talaga kahirap magsabi ng sorry?

"So you finally admit that you're a jerk?"

"When did I ever say that? I said yesterday I was, but I'm not a jerk! Ah f*ckin, dummy."

And you're denying that you're a jerk when you act like one?

"Yes, you are!" sabi ko.

"ARE NOT!"

"ARE TOO!"

"ARE NOT!"

"ARE TOO!"

"SHUT THE F*CK UP!"

"You can't make me shut—mmph!"

Something soft and warm covered my lips. Nanlaki ang mga mata ko. Halos tumigil ang tibok ng puso ko nang makita ang sobrang lapit na mukha ni TOP. Nakahawak ang isa nyang kamay sa likod ng ulo ko at ang isa ay sa waist ko. Magkadikit ang mga labi namin. Hindi ako nakagalaw. Hindi ako makahinga. Ano ba ang dapat kong gawin? Nablangko ang isip ko. Ang lambot ng labi nya. Amoy mint ang bibig nya. Nakapikit sya. Ang haba ng pilikmata nya. Ang init. Ang init ng mukha ko.

"There! See? I told you I can make you shut up," he smirked triumphantly. Hawak nya ang labi nya.

Hinalikan nya ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang first kiss ko. Ang first kiss ko....ay hindi si Lee Minho! WAAAAAAAAAAHHHHH!

SLAAAAP!!!

Sinampal ko sya ng pagkalakas-lakas na pati kamay ko sumakit. Mas malakas ito sa unang sampal ko sa kanya noon.

"Retard! What's that for?!" galit at gulat na tanong nya habang nakahawak sa pisngi nyang namumula.

GRRR!! Tinawag na naman nya akong retard! Itinaas ko ulit ang kamay ko para sampalin sya pero sa kasamaang palad mabilis niya itong nahuli. His grin turned even more malicious. He pushed me back on the brick wall and like a wild beast he stole my lips. Sa pangalawang pagkakataon ngayon, ninakawan nya ako ng halik. My second kiss!

"One slap, one kiss," he said after a minute of kissing. He smiled mischievously.

WHAT THE HELL JUST HAPPENED?

"One kiss for every slap," sabi nya at nilagay nya ang thumb nya sa labi ko at hinawakan nya naman ang labi nya. Tapos nakita ko syang ngumiti.

Parang... nakarinig ako ng anghel na kumakanta. Naging blangko ang isip ko dahil sa ginawa nya. Hinawakan ko ang labi ko. He kissed me! Oh my God! He kissed me! This annoying, arrogant, self-centered juvenile delinquent gangster who likes strawberries freakin kissed me! He stole my precious first kiss! Ang my second! OH MY GOD!! OH MY GOD!!

"Well? Say something," he snapped his fingers in front of me.

"Something." Still out of it. (´・_・`)

"Are you trying to be funny?"

"You... You... Just... Kiss."

"That was your first kiss right?" he was smiling.

*nods absentmindedly*

"Okay, I'll take full resposibility," he said it like it was nothing.

Ano? Responsibility? Can you believe this guy? Akala ba nya lokohan lang ang lahat? Importante sa'kin ang halik na 'yun! Pero sa lalaking ito parang...Ugh!! Kainis!! Gusto ko syang sabunutan!

(__ ___") napayuko nalang ako. Wala na akong magagawa. Nakuha na nya.

"Ah shit! Are you ignoring me?"

Umiyak ako.

"Are-Are you crying?! What the hell are you crying for?!"

"WAAAAAAHHH!! I HATE YOU!!" I cried.

"Ah shit! I said I'll take responsibility! Stop crying!"

Di ko sya pinansin, umiyak lang ako. Wala na. Lee Minho I'm so sorry! WAAH!! *pokes* He keeps on poking my head but I still refused to look at him. *still poking*

"STOP POKING ME AND STOP PLAYING WITH ME I'M NOT YOUR F*CKING TOY!" nakapag-cuss pa ako ng wala sa oras. Nahahawa na rin yata ako sa lalaking 'to!

He brings out the worst in me. Gusto talaga nyang maging monster ako kagaya nya! Tinitigan nya ako sa mata at sinabi ang mga salita na hindi ko akalain na sasabihin nya.

"I like you," diretsong sabi nya sa akin.

"Hwag mo sabi akong pag-laruan eh! Ano na naman ba ngayon? Kailangan mo ng babaeng ipapakilala sa parents mo kaya mo ako hinalikan?! Pwede ba TOP, humanap ka ng ibang pwedeng magpaloko sayo!"

Isinuklay nya sa buhok nya ang kanyang kamay at tumingin sa akin ng diretso. Unti-unti na naman syang lumapit at hinawakan ako sa mag-kabilang balikat. Ibinaba nya ang mukha nya para ka-level ng sa akin. Ito na naman ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang soft na ngayon ng mga mata nya habang nakatingin sa akin. Napaka-sincere at tila nanghihigop.

"I'm not...really good at this. I'm not good at explaining and showing my feelings but what I said about me liking you Miracle, it's true! I f*ckin' like you! I really do!" puno ng sincerity ang mga mata nya pati na rin ang boses nya.

Nagulat ako sa sinabi nya. Sa lahat ng sinabi nya sakin simula nang magkakilala kami, ito na ang masasabi kong sweetest kahit na may kasamang mura. Pero hindi na 'yon importante. Gusto nya ako. Oh my gosh! May gusto nga sya sa'kin!

"W-What? Why? What do you even like about me?" Sa dami ng emosyon na pumasok sa akin iyon lang ang tanging nasabi ko.

"I don't know. I just like the way you talk or shout, the smell of your hair, your eyes, your voice, your laugh, the way you treat me, your soft lips. I like everything about you. And I think... I think... Ah! F*ck! This is really gay."

"A-And what?"

"I think... I like you more and more. I really like you, Miracle."

Natulala lang ako sa sinabi nya. Nagulat ako sa mga narinig ko. Pero bakit nya ako gusto? Hindi naman ako nag-effort para magustuhan nya ako ah! Hindi ako mahinhin sa harap nya, inaaway ko sya, sinisigawan ko sya, naglasing pa nga ako sa harap nya, palagi nya akong sinasabihan ng retarded, palaging stupid ang tingin nya sa'kin. Bakit nya ako gusto?! Hindi ko maintindihan!

"Wow." Wala akong masabi sa dami ng sinabi nya. At sa dami ng emosyon na bumalot sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

"Yeah, well. Just. Uhh! F*ck it! Just forget it! It's getting really late, get in and rest," and with that he walked away.

Dapat ba akong maniwala? Dapat ko bang pagkatiwalaan ang mga sinabi nya sa'kin? Si TOP na leader ng isang gang, isang cuss machine, basagulero at palagi akong sinisigawan ay interesado sa isang katulad ko? Si TOP na magaling magluto? Si TOP na mahilig sa strawberries? Si TOP na palaging nandyan kapag kailangan ko ng tulong? Si TOP na gwapo at arogante? Si TOP na isang good kisser? Teka! Paano nasama 'yun?! WAAAAH!! Ano ba ang dapat kong gawin?