webnovel

STAR'S LOVE BOUND

Autor: MissKc_21
Urban
Laufend · 5.4K Ansichten
  • 4 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • N/A
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

This story tells about a girl named Catch. Siya ay isang happy-go-lucky na babae. She is talented and when it comes to financial status, wala siyang problema because she's the daughter of a billionaire. She can do whatever she wants and wala siyang balak na mamahala sa company ng kanilang daddy, lalong-lalo na ang sumunod sa yapak ng kanilang mommy sa showbiz. Ang tanging hobby niya lamang ay ang magpinta. Pero paano kung dumating sa point ng kanyang buhay na may makilala siyang tao na magtuturo sa kanyang magexplore ng bagong karanasan para makalimutan ang kanyang playboy na ex? At paano kung ang tatlong gwapong mga bodyguards na hinire ng kanyang kuya, ang mismong mag-enganyo sa kanyang sumabak sa isang top secret mission ng dahil lamang sa desisyong pinili niyang gawin? Kakayanin niya kaya ang adventure na kanyang tatahakin? Paano naman kung sa bagong landas na kanyang tatahakin ay matagpuan niya ang tunay na pagmamahal? Ang kaso lang, mahigpit pala na ipinagba-bawal. Ano kaya ang gagawin niya? Please support this story 'till the end. Salamat!

Chapter 1THE OFFER

PANIMULA

Mula sa nakabukas na bintana, matatanaw ang isang dalaga na nakaupo habang abala sa pagpipinta ng tanawin sa labas. Mapapansin ang pagalaw ng kanyang kaliwang kamay na tila nilalaru-laro lang ang paguhit sa papel mula sa direksyong pakaliwa patungong kanan. Napakaganda talagang pagmasdan ang mahahaba at mapayat niyang mga daliri at malaulap sa lambot na kamay habang sinasabayan ang pagsayaw ng mga kurtina dulot ng malakas na ihip ng hangin.

Nagniningning ang malaporselana niyang balat dahil sa sikat ng araw na malapit na ring takpan ng mga nagtatakbuhang ulap sa alapaap. Habang dinadama ng dalaga ang katahimikan sa paligid, sakto namang sumulpot sa kanyang likuran ang maingay na babaeng nagluwal sa kanya.

"Catch!!!! Ano ba? Babagyo na't pagpipinta pa rin ang inaatupag mo dyan. Asaan na ba kasi ang mga yaya dito?" iritang tanong ni Madame Cheska na kararating lang galing sa studio.

Sagana sa mga alahas at mamahaling palamuti ang kanyang ina. Ipinanganak kasi itong may ginto't pilak sa paligid niya dahil na rin sa trabaho na meroon ang kanyang mga magulang. At sa murang edad pa lamang ay pag-aartista na rin ang kanyang kinagisnan dahilan ng minsan lang na pag-uwi nito sa kanilang mansion.

Sobrang ganda rin naman kasi ng mommy niya na kahit may mga anak na siya't may edad na, marami pa rin ang gustong kumuha sa kanya sa larangan ng pag-arte.

Hindi rin naman maikakailang nagmana si Catch sa kanyang ina kaya gustung-gusto siyang kunin ng manager nito bilang bagong talent na ihahandle nila.

"Ano ba iyan mom, ratatat ka naman agad...eh kauuwi mo lang dito." saad nang dalaga habang nililigpit ang mga nilipad na papel sa paligid.

"Sino ba ang hindi magbubunganga sa'yo eh napupuno na nang dahon itong terrace. Ang lakas na ng hangin sa labas oh! May papikit-pikit ka pang nalalaman dyan" taas kilay nitong sagot sa dalaga.

"Hi mom! nabalitaan kong nakauwi ka na so maaga akong nag-out sa company ni dad." masaya namang bungad sa kanila ng nakakatandang kapatid ng dalaga.

Siya si Vin, ang kuya ni Cathy Chaimie aka Catch. Maputi siya, matangkad, maganda ang tindig, at may mala-anghel na mukha kaya bukod sa kilala ang kanyang kuya sa mga kababaihan, namamayagpag rin ito sa kanilang kumpanya dahil kahit sa murang edad pa lamang ay ipinagkatiwala na ng kanyang ama ang pagpapatakbo dito kaya naatasan siyang maging Presidente nito.

"So how's your taping mom?" nakangiting tanong ng binata sa kanyang ina.

"Well, it's gonna be hectic next week since we will be changing our location for some episodes ng project" sabi nito habang hinihimas ang kanyang sentido.

"Are you okay mom?" alala namang tanong ng dalaga ng mapansing tila stress na stress ang kanyang mommy.

Bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita.

"No I'm not, kailan mo ba kasi balak mag-audition? Alam mo bang kinukulit na ako ng aking manager patungkol sa project? And kapag hindi mo pa rin tinanggap ang offer nila, ibibigay na ito sa anak ni Julia na malapad ang noo."

Maraming beses na kasing tinanggihan ng dalaga ang alok ng manager ng kanyang ina. Ayaw niya talaga kasing subukan ang pagpasok sa showbiz kasi nga tanging pagpipinta lang ang kinagigiliwan niya ngayon.

"Mom, alam mo namang maarte lang ako pero hindi ako marunong umarte." sabi niya matapos tumabi sa ina.

"Hay naku Catch, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay? Ayaw mong magmanage ng business ng daddy mo, ayaw mo ring mag-artista. Ano, magiging palamunin ka na lang dito sa bahay?"

Napalunok naman ng di oras si Catch dahil sa narinig.

"Mom, hayaan mo na muna si Catch na ienjoy ang kanyang kabataan....saka mo na siya pagdesisyunin kapag handa na siya" kalma namang tugon ng kanyang kuya nang mapansing hindi na umiimik ang kanyang kapatid.

"Ilang taon na ba kasi ang babaitang iyan? di ba 25? kailan niya ba balak magtrabaho? Hay! kung ayaw mong tanggapin ang offer ng manager ko Catch, maghahanap na lang ako ng mayamang mapapangasawa mo nang sa ganoon, may maging ambag ka naman sa kumpanya ng daddy mo" sabi nito bago tuluyang umalis sa kinauupuan niya.

"M_mom...wait " sinubukan nitong kausapin pa ang tigre niyang ina ngunit dali na 'tong umalis.

Sinamahan muna ni Vin ang mommy nila kaya naiwan ang dalaga sa kanyang kwarto.

Napaupo na lang ito sa sofa at kinuha ang kanyang cellphone. Sinubukan niyang tawagan ang kanyang boyfriend ngunit hindi ito sumasagot.

Hanggang sa bumalik na ang kanyang kuya at kinausap siya.

"Why wouldn't you accept the offer again?" tanong nito habang binubuksan ang chicharon na dala na niya.

"Hay naku Kuya, kahit ano pang sabihin mo, hindi talaga ako papasok sa showbiz." saad niya habang nakatingin pa rin sa kanyang cellphone.

"Ganto na lang...How about, you'll work for our company?"

"Ayoko rin."

"But why?"

"Eh ang dami kasing bodyguards na laging nakabuntot sa inyo lalo na sa tuwing lalabas kayo ng bahay, hindi ko alam kong lider ba ng sindikato si daddy at andaming gustong tumarget sa kanya"

Nang sabihin iyon ng dalaga, napangisi naman ang binata.

"Sira, hindi sindikato si daddy"

"Eh ano, Mafia boss?"

"Kung anu-ano na lang iyang nai-imagine mo, sadya lang talagang marami ang gustong magtangka sa buhay natin. Lalo na't isa si dad sa pinakamayamang tao sa bansa natin" explain ng kanyang kapatid habang nginunguya ang malulutong na chicharon.

"I know but nagtataka lang kasi ako, hindi naman ata ganyan ang ibang kagaya ni dad di ba?"

"Kilala mo ba si Neil Uno?"

"Neil what? hindi..."

"Iyong no. 1 na pinakamayaman sa ating bansa.."

"Huh, how come I didn't know his name?"

"Well, its just that, siya kasi ang isa sa Founders ng Black Market. He has snipers everywhere but hindi lang natin alam kung saan sila nagkukubli"

"Ugh. even your story kuya doesn't make sense. Natural may magtatangka sa buhay ni Mr. Uno, eh sindikato iyon eh" bulalas ng dalaga.

"Its just the same concept my little sister." then he winked.

"That's why, you can never convince me to work for you" nagwink din ang dalaga bago bumalik ulit sa kanyang upuan para magpinta.

"What if I'll hire the "Most handsome bodyguards in our town?"

Das könnte Ihnen auch gefallen

Adik Sa’yo

Napagkamalang adik at na-inlove sa isang adik! Ito ang dilemma ni Nadia. Dahil sa inggit at galit ng kanyang stepmother matapos ipamana sa kanya ang malaking inheritance ng daddy niya, na-frame up si Nadia at pinasok sa Love and Hope Rehabilitation Center. Adik daw siya at lulong sa bisyo, susmaryosep! Ni yosi nga never niyang nahithit, bato ni Darna pa kaya? No choice si Nadia kung hindi makisama sa mga adik at sumunod sa mga patakaran upang makaalis siya after six months. Pero paano magiging at peace ang pamamalagi niya sa loob ng center kung may isang Jace Devenecia ang gumugulo ng sistema niya? Dahil utang na loob naman, si Jace nang pinakagwapo at pinakaseksing adik sa balat ng lupa! Pakitaan ba naman siya ng nagtitigasang abs. Eh, talaga naman kahit sinung babae ang mahuhulog sa katawan nito. Lalo na at ubod nang sarap lang naman nitong humalik; malululong ka na, mapapaungol ka pa! Hay... paano na? Marupok is real! “Ano ba ang pinatira mo sa’kin at bakit baliw na baliw ako sa’yo?” “Huwag mo nga akong pagbintangan dahil matagal ng may tama ‘yang utak mo!” “Oo, adik talaga ako, adik na adik sa’yo at hinding hindi kita pakakawalan hangga’t hindi ka nagiging akin, dahil Nadia mas matindi ka pa sa kahit anung droga natikman ko at wala ng gamot dito.” Nalintikan na dahil sa kauna-unahang pagkakataon, totoong na-adik si Nadia… na-adik sa makapantindig-balahibong halik, nakakatirik-matang mga haplos at nakakabaliw na pag-ibig. Ito ay kwentong pang-adik… sa kilig! Adik ka ba? Genre: Contemporary Romance, Comedy, Drama TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, nudity, loss of a loved one, emotional abuse, self-harm, drug & alcohol use ”Anj Gee Novels” Grim Reapers Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Strawberry Bite- Completed Diary ng Birheng Maria- Completed ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Urban
5.0
18 Chs

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng ò alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urban
4.8
131 Chs

Bewertungen

  • Gesamtbewertung
  • Qualität des Schreibens
  • Aktualisierungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund
Rezensionen
Beeindruckend! Sie wären der erste Rezensent, wenn Sie Ihre Rezensionen jetzt hinterlassen!

UNTERSTÜTZEN