webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Bücher und Literatur
Zu wenig Bewertungen
48 Chs

chapter 33

Promise yan ha?"

"Yup agree!"

"Agree!"

At nagtawanan kaming tatlo sakto naman tumunog yung bell at isa lang ibig sabihin nun, nagsimula na ang class.

Wala naman kaming ginawa sa buong maghapon kundi ang magsulat ng notes at requirements para sa paghahanda sa board exam which is next month na.

Nagpaalam agad yung dalawa sa akin na gigimik sila at pinapasama ako. Sabi ko next time na lang dahil aayusin ko pa yung locker ko. Si Kendrick nakausap ko bago matapos yung class at sabi niya gusto niya daw kaming magsabay umuwi kasi isang kanto lang naman pala yung layo ng bahay niya sa bahay ni Tito kaso sinabi ko rin sa kanya yung sinabi ko kina Nancy.

Nagpunta na ako sa locker ko at pagkabukas ko ng locker ay nagulat ako sa nakita ko…

Isang white envelope na may nakasulat ng pangalan ko at bulaklak na daisy!

Do you know who I am?

Do you know who I am?

My love is real

As real as the flowers you smoke to get high

My love is real

As real as our god who has spoken on how we can fly

My love is real

As real as the flowers, flowers, flowers, flowers

-New Radicals

"The f lower that blooms in adversity is the most rare and beautiful of all".

"What did he mean by this?" Napatingin sa akin si Keira at napabuntung-hininga ako. Tulad niya hindi ko rin maintindihan yang message na yan, clueless ako.

Kahapon pagkakita ko sa locker ko yung envelope na may pangalan ako at may kasamang daisy nagulat talaga ako. Napatingin ako agad sa paligid pero wala akong nakitang tao. Inaayos ko agad yung mga libro at naglakad na papauwi. Pagdating ko sa bahay ni Tito ay binuksan ko agad yung envelope. At tulad nila hindi ko maintindihan kong ano yung nakasulat sa papel.

"Sandali parang familiar yan sa akin…" Napatingin kami ni Keira kay Nancy.

Nanlaki yung mata ni Nancy at napangiti. "Ah alam ko na! Isa yang famous line sa Mulan. Remember, when the Emperor was talking to Shang, he said, the flower that blooms in adversity is the most rare and beautiful of all."

Oo nga no! Naalala ko yun dahil nung high school ako ay nag-film review kami tungkol sa Mulan. Kung ganun…

"Yung admirer ni Thiara ay either fan ng Mulan or nilagay niya yung quote na eto dahil parang bulaklak ka Thiara?"

Ha? "Teka ang gulo ata ng sinabi mo Keira…"

Oo nga ang gulo nga…

Hanggang mag-uwian ay topic pa rin namin yung tungkol sa message na yun at kung sino yung secret admirer ko. Isa lang akong naisip kong maaring ang secret admirer ko: 'Si Kendrick…'

And speaking of him papalapit na siya sa amin…

"Hi Kendrick…" Kinawayan ni Keira si Kendrick at mukhang papalakad siya papunta sa akin.

"Pauwi ka na Thiara?"

Siniko ako ni Keira at bumulong na… "May hindi ba kami alam Thiara?"

Kumunot yung noo ko. Ha? Nginuso ni Keira si Kendrick at nginitian ako. Umiling ako agad, naiintindihan ko na yung ibig niyang sabihin.

Tumango-tango naman siya pero halata mong hindi siya kumbinsido.

"Thiara?"

Ah oo nga pala may tinatanong si Kendrick. "Hindi pa Kendrick pero..."

"Kami pauwi na Kendrick." Mabilis namang sagot ni Keira at sobrang ngiting-ngiti siya.

"Mabuti pa Kendrick sabayan mo na lang kami ni Nancy, hindi ba good idea yung Thiara? What do you think?"

Napatingin ako kay Nancy, ngumiti lang siya, si Kendrick naman mukhang naguguluhan sa amin at si Keira.

"I think that's a good idea!" Naku Keira ikaw…

"Sige mauna na kami Thiara, bye girl kita-kits na lang tayo bukas! Bruha ka mag-ingat ka sa pag-uwi..." At nilagay ni Keira yung kamay niya sa braso ni Kendrick at halos makaladkad na si Kendrick. Sumunod na rin sa kanila si Nancy at ako dumiretso na agad sa locker.

May gusto lang akong malaman…

Pagdating ko dun sa locker area namin, nagmasid muna ako sa paligid. Coast is clear. Unti-unti kong nilagay yung susi sa locker ko at pumihit naman eto agad.

Huminga ako ng malalim at binuksan na yung locker ko.

Thank God!

Mapapangiti na sana ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Miss may nahulog oh…"

Napatingin ako sa nagsalita, si Kuya Iko, yung matagal ng janitor sa review center tapos sa tinuro niya…

Oh my!

Isang envelope na naman na may pangalan ko but this time may kasama ng two red roses!

We're like night and day, white and black

But what we have is a perfect match

When I say this, you say that

But love come easy cause opposites attract

-A*Teens

Kanino ka ba talaga galing? Maloloka na ako sa kakakausap ko dito sa envelope at sa roses. I am sitting almost three hours thinking deeply kung kanino galing eto. This is for second time and I'm not kidding, I am feeling now…

Excited? I am ready to meet him?

Frustrated? Bakit ba kasi hindi na lang siya nagpakilala at sabihin na gusto niya ako kaysa naman sa nagpapadala siya ng messages at flowers? But come to think of it Thiara, this guy seems to be sweet and mysterious. Partly yes, partly no...

Ayoko talaga nito! Ayoko ng ganitong sitwasyon… Parang mababaliw na ako!

I stopped myself from taking this seriously. Calm down Thiara, one of these days you will know who this guy.

I look at the paper and I read it again for the thousand times before I close my eyes and ready to sleep.

I love you without knowing how, why, or even from where…

Who really are you?

I've decided that I'd better kept this letters and flowers to myself. Mas okay na hindi ko na lang sasabihin kina Nancy at Keira not that I'm not trusting them but I think I'd better keep this by myself.

Pagdating ko sa review center ay tahimik akong umupo sa upuan at lumapit naman sa akin kaagad si Keira.

"Akala ko hindi kayo papasok na dalawa."

"Ha?"

"Si Nancy kasi kanina ko pa tinetext eh hindi naman sumasagot at ikaw naman ni text ni tawag wala! Alam mo bang pag-alis pa namin dito eh tinext kita agad at hinintay kitang mag-reply bago ako matulog, wala talaga!"

Niyakap ko si Keira at napangiti. "Eto naman nagtatampo, sorry naman Keira, kanina ko lang kasi sinaksak yung charger nung cellphone ko at naiwan ko pa sa bahay ni Tito."

Kunwaring naggalit-galitan si Keira at siyempre kailangan ko ng gumawa ng paraan.

"Oh tama na! Joke lang yun, naiintindihan naman kita… Tama na Thiara…"

"Uy nagkakatuwa na naman kayong dalawa diyan, sama ako…"

"Naku Papa Kendrick later na tayong magkatuwaan ha!" Siniko ko si Keira, may pagkabaliw din talaga etong babaeng eto!

"Opps! Sorry!" At tumawa-tawa si Keira, napatingin ako kay Kendrick at napakamot siya sa ulo sabay ngiti. Buti na lang good sport etong si Kendrick at sinasakyan ang kalokohan ni Keira.

"Good morning." Opps andiyan na yung professor namin!

Umupo naman kami agad nina Keira. Magkatabi pala kami at sa kaliwa ko si Nancy naman. Wala naman arrangement ang chairs namin lalo na't 15 lang naman kami. Tatlong lang ang lalaki kong kaklase, sina Kendrick, Leonard at Butch.

Nagbigay lang si Miss Orticio ng test as usual at akala ko ididismiss niya na kami pero may pahabol siyang 'homework'.

"I'd like to start our review tomorrow by a very heart warming prayer. I want the prayer to be personal and after the prayer I want a church song together with a Microsoft PowerPoint presentation." Nagkatinginan kami ni Keira, parang ang weird kasi ngayon ni Miss Orticio. Si Miss Orticio kasi yung tipo ng tao na gusto agad lesson at review kaya bakit gusto niya ata magkaroon bukas ng heart warming prayer at take note with song at power point presentation pa?

"And I assigned two persons whom I think are very comfortable to work on for this heart warming prayer." Napatingin siya sa akin at sobrang kinabahan ako bigla. Parang ayoko ata ng susunod niyang sasabihin…

"I am assigning Mr. Kendrick Tanares and Miss Thiara Walton to do it, our one and only 'perfect match'."

Ano daw perfect match?

Dahil nga na-assign kami ni Kendrick para sa heart warming prayer bukas kailangan namin gawin yung power point together. Thank God pumayag si Tito na sa bahay na lang niya gawin namin yun.

Heal yung song na ginagawan ko ng PowerPoint. Katatapos lang ni Kendrick sa paggawa ng prayer niya dahil ako yung kakanta habang siya yung nasa harap ng laptop at lumapit siya sa akin.

"Are you done?"

Napailing ako at napatingin sa kanya. "I'll help you out." At hinawakan niya yung kamay ko tapos parang siya yung naging guide ko para matapos agad yung power point. Hindi ko nga alam kasi within 10 seconds natapos namin yung three minutes power point presentation!

"Wow! Ang galing natapos natin agad yung power point! Ang galing mo Thiara…"

"Hindi ah, ikaw nga yun magaling diyan… Kung hindi mo ko siguro tinuruan, 48 years ko pa yan bago matapos."

Tumawa si Kendrick at pinindot niya yung copy para sa usb niya bago niya sinara yung laptop.

"You're really funny Thiara, that's why I admire you."

Nagulat ako sa sinabi ni Kendrick at napatingin ako sa kanya. He admires me? Hindi nga kaya siya yung…

"Kendrick, about the other day…"

"What about the other day?"

"About letters… Bakit mo nga pala tinanong yun?"

He smile and I saw sparks to his eyes.

"It is because I like someone and I'm giving her letters everyday."

Who is that guy?

Walking by,

Looking so fly?

Wanna know your name

And play that game,

Of love with you.

Mine you would be

And you'll see

I can guarantee

We'd be in love

Like 2 little doves

Just you and me.

-Manda

"Ah Kendrick…"

"Thiara hi-" Sabay kami ni Kendrick napatingin sa taong nasa pintuan.

"Tito!" Nakakagulat si Tito, bigla na lang sumusulpot!

"Sir…" Napatingin si Tito sa akin tapos kay Kendrick at bahagyang kumunot yung noo niya pero agad din nawala.

"Hindi pa ba kayo tapos?"

Napasulyap ako sa wrist watch ko at napansin na… Alas-onse na pala! "Actually Sir tapos na po kami at papauwi na ho ako."

Tumango-tango si Tito at ako naman napatingin kay Kendrick mukha ngang desidido na siyang umuwi dahil papalakad na siya papunta sa may pintuan.

"Salamat nga po pala, Thiara..." Ngumiti siya sa akin at sumaludo sabay labas ng pintuan.

Sinundan siya ni Tito at narinig kong sinarado ni Tito yung pintuan, tinurn-off ko na yung ilaw sa office ni Tito at lumabas na. Papunta na sana ako sa kwarto ko ng tinawag niya ako.