KEANNE'S POV
As I saw Thiam's balloon flying away, I looked at my own balloon…
I sighed deeply and gently closed my eyes wishing my letter will go straight to Alaine. I loosen my grip to the balloon and watch it flew away remembering what I had wrote.
My dearest love…
I miss you so much. You know it's hard for me to write a letter but I'm making this to atleast ease the pain. You still in my memories but I don't know if this is really what you want. I met your best friend. She's funny and weird… And I will confess this… You know when I first met you, our hearts collide. Now my hearts are colliding again. I'm still not sure if this is right… Please guide me…
Keanne
END OF KEANNE'S POV
Behind Blue Eyes
No one knows what it's like to be the bad man,
To be the sad man,
Behind blue eyes,
No one knows what it's like to be hated,
To be faded,
To telling only lies,
But my dreams, they are as empty,
As my conscience seems to be.
I have hours,
Only lonely,
My love is vengeance,
That's never free.
-Limp Bizkit
"Aling Susan si Mang Karyo ho?"
Napatingin sa akin si Aling Susan. "Bumalik na pala kayo galing sa beach hija... " Kababalik lang namin ni Keanne mula sa tabing-dagat. Ewan ko nga ba dun sa lalaking yun pagkatapos niyang magpalipad ng lobo bigla na lang tumahimik. Ako na super daldal ako kasi ba naman for almost one year, ngayon lang ako ulit nakapunta sa beach. Ang weird nga eh kasi pag nagiging madaldal ako lagi siyang nagagalit sa akin pero kanina parang tuloy hangin lang yung kasama ko. Ewan ko ba dun… Malamang malungkot pa rin yun dahil sa kahapon.
Tumango ako. "Pinapunta ko siya sa palengke may nakalimutan kasi akong bilhin hija, maya-maya babalik din yun. May kailangan ka ba sa kanya?"
"Nagpabili po kasi ako ng mga DVD para may mapanood ako. Alam nyo ha ba kung saan niya nilagay?" Nung isang araw kasi nakakita ako ng VHS, DVD at VCD sa may sala, medyo bored na kasi ako pagtapos na yung session namin kaya ayun naisipan ko lang magpabili.
"Ah yung mga DVD'S ba? Nasa cabinet lang siguro. Yung cabinet na sa tabi ng TV." Napatango-tango ako at nagtungo na sa may sala. Nakita ko naman agad yung cabinet.
Binuksan ko yun. Wow! Ang daming DVD'S! Mahigit 3000 thousand ata yun kasi bawat shelf, may numbers! Astig! Saan kaya dito yung pinabili ko?
Habang naghahanap ako ng DVD's may nakakuha ng attention ko.
Isang UNTITLED DVD na yung cover ay isang GUY na AQUA BLUE yung mata! Kaso bakit parang ang lungkot ata ng mga mata niya habang sumasayaw...
Kinuha ko yung DVD at tinitigan yung lalaki sa cover.
Ang gwapo niya! Teka nga parang nakita ko na siya somewhere…
Nilagay ko yung DVD sa player at napanganga ako bigla.
Sinasabi ko na nga ba, kaya pala kilala ko siya!
"Siya yung lalaki na magaling sumayaw..."
"Where did you get that?" Napatingin ako sa likuran ko. Si Keanne! Patay!
"Ah ano kasi Keanne…"
Tinanggal parehas yung saksakan ng T.V. at DVD player bago napatingin sa akin. "You have all the privilege here Thiam but not to extend that you are touching all things here!"
Sandali nga… DVD lang naman yun at nanonood lang naman ako ha? Anong masama dun?
"Hindi ko naman sinsadya na pakielaman yan Keanne dahil hinahanap ko lang yung pinabili kong DVD'S kay Mang Karyo. At isa pa anong masama kong pinanood ko yan? Teka nga matanong nga kita, kanino galing yan?"
Tumingin siya sa akin at mukhang galit. "This is NOT YOUR TYPICAL DVD. And for your last question, it's none of your business!" Tinalikuran niya ako at pinaandar niya yung wheel chair niya. Tignan mo nga eto, ang sama talaga ng ugali!
"It's my business na." Napahinto siya at bahagyang lumingon sa akin. Got you! "What do you mean Thiam?"
Ngumiti ako sa kanya. "Do you know who the guy is?"
"Who?"
"I'm asking about the guy in the video." Humarap siya sa akin. "Why? Are you interested in him?"
Sasabihin ko sana na, it's none of your business kaso baka magwala etong si Monster at hindi pa ako makakuha ng information tungkol dun sa gwapong guy na yun!
"Oo, ang gwapo kasi niya…" Hindi tulad mo… Okay na sana may hitsura ka Keanne kaso sobrang sama ng ugali mo!
"His handsome yes but surely he will not entertain you Thiam." Aba't! "Paano mo naman nasabi yun? Do you know each other?"
Ngumiti siya sa akin. "Of course..." Magkakilala sila? So ibig sabihin lang nun ay…
"Tutal naman Keanne, kilala mo siya hindi ba pwedeng…" Lumapit ako sa kanya at pinatong ko yung dalawang kamay ko sa mukha niya. Tignan ko lang kong makakapalag pa siya!
Tumaas yung kanang kilay niya ng bahagya at huminga siya ng malalim, sabay tingin sa akin.
"Okay what do you what Thiam?"
Nilagay ko bigla yung kamay ko sa balikat niya at ngumiti-ngiti. Buti naman at nagkakaintindihan kami! Super effective talaga ang blackmail ko na kilitiin ang mukha niya!
"Can you tell him to teach me how to dance? Please…"
Tumawa si Keanne at pinaandar niya yung wheel chair niya papalayo sa akin. Teka nga may nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Hoy Keanne hindi pa tayo tapos mag-usap, ha-"
Humarap sa akin si Keanne at ngumiti.
"He will not teach you how to dance. He has high standards and if I were you Thiam, I will just dream of learning to dance. Just dream…"
Ang kapal niya talaga! Grr!
"And one more things Thiam…" May pahabol pa ang monster! "WE ARE VERY MUCH ALIKE…"
Fireworks
Open your eyes
Look up tonight
In the scariest dark,
Hides a marvelous spark.
I know that fire works
I've seen the fireworks
Down here, a higher world
I've seen you.
Sparkles flew
As brightness blew
First a heavenly glow,
Then the couloirs explode.
-Crash
"Hmmm… Ang bango naman! Ano po yang niluluto nyo Aling Susan?" Maaga palang ay nanggulo na ako sa kusina. Paano ba naman nasa pasilyo pa lang ako ay amoy na amoy ko na yung mabangong pagkain.
Nanlaki yung mata ko sa mga nakita ko! Naku hindi pala PAGKAIN kundi MGA PAGKAIN!
"O Miss Thiara gising ka na pala…" Parang nagulat pa si Aling Susan ng makita niya ako... Ang weird naman... "Gutom ka na ba? Sandali ipaghahain kita para makapag-breakfast ka na."
Inaakala kong bibigyan niya ako ng either chopsuey, pakbet at diningding pero nagulat ako ng binigyan niya ako ng sopas!
Pagkabigay niya sa akin ng bowl na may soup ay napatingin ako kay Aling Susan. "Matanong ko lang po bakit and dami po atang pagkain at isa pa nagmamadali ata kayo?"
"Naku kasi naman…" Ngumiti si Aling Susan at masayang naghiwa ng carrots na may kasama pang pagkanta. Ano ba naman nangyayari dito kay Aling Susan?
Pagkatapos ko kumain at napatingin ako kay Aling Susan. Kailangan ko pa lang magpaalam…
"Aling Susan aalis lang ho ako." Napahinto siya sa ginagawa niya at agad na napatingin sa akin. "Saan ka pupunta Miss Thiara?"
Ngumiti ako sa kanya. "Mamasyal lang po sa labas, Aling Susan..." At kumaway muna ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng bungalow. Wow new adventure eto para sa akin!
Malapit lang naman pala yung bungalow nila Keanne sa palengke. Like the ordinary market in Manila, parehas din ang binebenta, yung ayos ng bawat stall at maingay. Pero marami rin ang pagkakaiba, sariwang-sariwa lahat ng paninda at mabibilis mo halos ang lahat sa mababang presyo!