webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Bücher und Literatur
Zu wenig Bewertungen
48 Chs

chapter 22

What are you doing?"

Tumingin ako kay Keanne at ngumiti ako sa kanya. "Cheers!" At nilapit ko yung tumbler sa kopita niya. "Hindi naman ako makakapayag na ikaw lang ang iinom Keanne! Aba kung hindi natuloy ang session natin, eto na lang inuman session." At ininom ko agad yung nasa tumbler! Puno!

"Thiam…"

Napatingin ako kay Keanne na nakasapo sa noo ko. Teka lang bakit parang dalawa ata si Keanne? Hindi ba naduling lang ako?

"A…nong… kai…langan…mo…Ke-an-nne?"

"Pumunta ka na sa kwarto mo." At kinuha niya yung tumbler sa kamay ko. "Akin na nga yan… Ibalik mo..."

Umiling-iling siya sa akin. "No. You are drunk and you drink too much."

"Hindi pa…" Tumayo ako at akmang kukunin ko na yung tumbler ng biglang nadapa ako dahil ko napansin yung bote sa harap ko.

"Aray!" Lumapit sa akin si Keanne but instead na tulungan niya ako ay pinatayo niya ako agad at itinulak papunta sa pintuan.

"Sandali wag mo nga akong palabasin Keanne! Ang sama mo talaga..." Huminto siya at tumingin sa akin. "You're drunk Thiam and it is appropriate if you will just take a rest in your room.'

Aba bakit parang naging concern ata ito si Keanne? "Ayoko dahil gusto ko pang uminom at gusto ko pang tapusin yung inuman session natin."

"Tama na Thiam..." Napalabas niya na ako sa kwarto niya. Hindi ako makakapayag dahil alam kong may problema siya at kailangan mag-open up siya sa akin.

"Keanne, alam ko kung ano ngayon… Ngayon ang araw ng namatay si Alaine…" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nasabi ko na rin sa wakas…

Nangunot ang noo niya sa akin. "I know that." At tumalikod siya sa akin.

"Ang swerte ni Alaine." At unti-unti akong bumalik ulit sa kwarto niya. Hindi naman ako pinigilan ni Keanne kasi busy siyang naglalagay ng wine sa kopita niya.

Kinuha ko yung tumbler ko at naglagay na rin ng alak. Pang-ilan ko na ba eto? Ah pang lima ko na…

"Alam mo ba Keanne, parehas kami ng standard ni Alaine."

Lumingon sa akin si Keanne. "You can stay here Thiam but please stop talking about Alaine. I don't want to hear stories about her. I just want her memories flourishes on my mind now."

Natahimik naman ako sa sinabi ni Keanne. Fine kong ayaw niya… Kung ayaw niya yung tungkol kay Alaine… May naisip ako bigla at sana gumana ito.

KEANNE'S POV

"Ang dami talagang nagmamahal kay Alaine..." What the hell is this woman? I know she's drunk but I didn't know that she's still dramatic.

"Ako, ikaw, ang mga taong nakapaligid sa kanya… Ako… Wala… Alam mo ba Keanne…" At inubos niya yung laman ng tumbler at binitawan niya na rin sa wakas.

"Dati nung high school pa kami, sinasabi nila na maswerte daw ang magiging boyfriend ko." Lumapit siya sa akin at pinakita yung mga daliri niya. "It is because I'm kind, industrious, responsible and of course beautiful." Who the hell said that to her? Paniguradong inuto lang nila etong si Thiam at eto naman si Thiam nagpauto!

"Oo nga ang swerte nga sa akin na ex boyfriend ko, ako naman ang minalas!" I smiled. Her reactions are really funny. Yung mga mata niya papikit-pikit na at panay wagayway pa siya ng kamay niya.

She smiled then she looked at me. "Pero atleast ngayon wala na siya sa life ko! Masaya na ako finally… Nagpromise na nga ako sa sarili ko na kapag darating na yung guy na para sa akin, pahihirapan ko siya! Dapat lang kasi kawawa naman ako…" And she pouts her lips.

I couldn't stop myself from smiling. "Keanne…"

I looked at her. "Nakailang kopita ka?"

"I don't know. I didn't count."

Ngumiti siya sa akin. "Ako kasi nakalimang tumbler… Ang galing ko no!" And she laughed. She's drunk, she's crazy and still she's talkative!

"Keanne…Could I sleep?"

"Yes you can but not in my bed."

Ngumiti siya sa akin. "Eh hindi naman ako aabot na sa kama kaya…" Ngumiti siya. "Pumayag ka na di ba?"

I nodded. "Good. Patulog ha…"

The first thing comes to my mind is that she will sleep on the floor.

But I'm wrong instead she passed on my shoulder…

Going to my…

LAP!

"Good night Keanne…" And she fell sleep.

She's really different… Weird… "Sleep well Thiam…"

Hearts Collide

There's not much to say

That could ever change all my foolish days

But now I'm here to stay

So let the chips fall where they may

For all the wrong I know I've done some good

And all along you're the one I understood

For all I know

When games start to show

I'm on your side

Until our hearts collide

-Same Same

"Aray!" Halos parang binibiyak yung ulo ko sa sakit kaya naman napamulagat ako.

"Gising ka na hija..." Nabungaran ko si Aling Susan, nasa tabi siya ng kama ko at parang may inaayos. Teka nga sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako nahiga sa kama kagabi. Parang nasa kwarto ata ako ni Keanne at uminom kami! Oo tama nga! Eh paano ako napunta dito sa kama ko?