ISANG MAKULAY NA LIBRO na nakasingit sa makakapal na PSYCHOLOGY books.
Napatingin ako sa cover, puro puso na maliliit. Titignan ko sana siya kaso five minutes na lang ay seven pm na!
Mamaya na lang kita titignan sa taas.
Nahagilap ko agad yung last book at walang anu pa man ay mabilis kung tinakbo yung mga libro sa pamamagitan ng cart! Sana makaabot ako!
Kanina ko pa kinakatok si Keanne kaso mukhang tulog ata yung monster kaya nagdesisyon ako na pumunta sa kwarto ko at magpahinga.
Napahiga ako agad sa kama. Napatingin ako sa mga pile ng books at nahagilap muli nung makulay na libro na yun ang mga mata ko.
Tumayo ako at kinuha yung libro na yun.
Pagkabuklat ko ay nagulat ako sa nakita kong title ng libro o kung ano man eto…
"ALAINE AND KEANNE'S, PHOTO ALBUM OF LOVE…"
Bubuklatin ko na sana kaso may biglang nagsalita…
"Why are you holding that?"
The voice that drew me near to you
And drew you near to me
Has faded from the picture
Becoming clear to me
All that's left are memories
Of how it used to be
We can't erase the past
We can't change our destiny
Faded photographs
Your eyes say a thousand words to me
Faded photographs
Shadows fill my lonely room
Faded photographs
Your eyes say a thousand words to me
Faded photographs
Shadows fill my lonely room
Reflecting like a mirror
Racing in my mind
These photographs remind me
Of what's not far behind
Your eyes told me the story
Words of you and I
I can't forget you
In the stillness of the night
-Sheila E.
Napatitig ako kay Keanne sabay higpit ko ng hawak sa photo album.
"Hindi ka ba marunong kumatok?"
"Don't change the topic. Why are holding that?" Talagang ini-emphasize niya etong hawak ko kung bakit ba naman kasing saktong nakita niya! Anong gagawin ko? Tiyak wala na akong takas…
"Keanne ano kasi…"
Pinaandar niya yung wheelchair niya at lumapit sa akin.
"Give me that." Napatitig ako sa kamay niya. Ibibigay ko ba? Wag muna siguro naman pwede ko siyang pakiusapan na hiramin ko muna.
"Pwede ko bang hiramin muna?"
Napailing siya sabay ngiti sa akin. "I think you are out of my limitation Thiam. Are you blind? That is not the book I'm requiring you to search and in the first place you are NOT ALLOWED to get or touch any book that is out of my permission!"
Halos nabingi ako sa lakas ng boses niya. "Okay, I'm sorry if I touch or get this photo album but I'm just curious to this thing that I had bought here."
"Your curiosity is far too much! Can't you see that photo album is NONE OF YOUR BUSINESS?"
Kailan pa naging 'none of my business' ang tungkol kay Alaine? Talagang sumusobra na etong lalaking eto ha. Siguro panahon na para malaman niya ang totoo…
"This photo album is important to you as much as mine."
Natawa siya sa sinabi ko. "If you're joking well it's not funny. How can't that photo album important to you? I don't know who the hell you are!" Dinuro niya ako na parang isang nakakadiring bagay. "That photo album contains the photographs of me and my girlfriend, so give that back Thiam or you will suffer!"
Hindi na ako natatakot sa iyo ngayon Keanne. Patawarin mo ako Alaine pero eto na talaga ang tamang panahon para malaman niya ang totoo, kung bakit ako andito.
Huminga ako ng malalim at tinignan ko si Keanne.
"Being here with you is like everyday suffer with a man who had the hardest heart of all person I've known." Yung galit niyang mukha ay bahagyang nagulat dahil sa sinabi ko.
"What the hell are you talking about Thiam?"
"Gusto mo bang malaman kung bakit andito pa rin ako at nagtitiyaga sa iyo?" He stared at me. "Pwes sasabihin ko na dahil sobra na ang lahat ng pinaggagawa mo sa akin. Masyado na akong nasasaktan sa pagmamaliit at masasakit mong salita! Kung andito lang si Alaine…"
"Shut up! You don't have the right to say her name! You don't know her!"
"Don't make me shut up!" Sobrang galit na galit na ako. Ang kapal talaga ng mukha niya! Wala daw akong karapatan na sabihin ang pangalan ni Alaine! Ano bang pakiramdam niya, siya lang ang taong dapat magsabi nun?
Lumapit siya sa akin. Naglakad ako ng bahagya palayo sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin sa akin pero kung ano man yun uunahin ko na siya…
"I have the right to say Alaine's name because the truth is… I am her BESTFRIEND!"
"Best friend?" Halatang gulat na gulat siya sa narinig niya.
KEANNE'S POV
"Best friend?" Nagulat ako sa sinabi ni Thiam. Hindi pwedeng siya yun…
END OF KEANNE'S POV
"I don't believe you!" At kinuha niya sa kamay ko yung photo album.
Hindi siya naniniwala! Bakit?
"Stop making lies Thiam!"
"I'm not making lies!" Sobra na talaga siya! Okay lang yung ginagawa niyang pagmamaliit sa akin eh sobrang tanggap ko yun pero ang hindi siya naniniwala na best friend ko si Alaine at sinasabi pa niya na sinungaling ako, sobra na!
"Leave! Get out of my house!"
Pinapalayas niya na ako? Ang sama-sama talaga ng ugali mo Keanne Lacey!
"Sige matagal ko nang hinihintay yan. Matagal ko ng gustong umalis dito at sobrang matagal ko nang gustong hindi na makita ang pangit mong mukha at ang sobrang pangit mong ugali! Bahala ka na sa buhay mo Keanne!" At walang anu pa man ay tumakbo ako papalabas ng kwarto hindi alam kung saan pupunta basta ang mahalaga makalayo sa kanya.