MEGAN
" Andyan na pala hinahanap mo, Scarlet." natatawang sabi ni Quinn sabay nagsimula nang magpakabusy sa kanyang ginagawa.
Ngayon, napalingon ako kay Scarlet, "Bakit andito ka?" seryosong tanong ko sa kanya.
Napakamot siya sa kanyang ulo at nakayuko ito.
Ayaw niya talagang tumingin sa akin.
"Sabi po kasi ni Ms. Quinn humingi po kami ng schedule niyo pagkatapos ng practice namin. Kaya po ako andito." nahihiyang sagot niya sa akin ngunit ayaw niyang lumingon sa akin.
May nagawa ba akong masama sa kanya? Bakit hindi siya makalingon sa akin?
"We can talk about it inside my office. Follow me." sabi ko at tumalikod na ako.
Ngunit nakarinig ako ng pagtakbo na papalayo mula sa akin. Napalingon naman ako sa aking likod.
Wala na si Scarlet.
Mukhang siya nga narinig kong tumakbo. Natatawa na lang ako sa ginawa niya.
Napalingon ako kay Quinn, "Anong nangyari do'n?" tanong ko sa kanya at nagkibit-balikat ito sa akin.
"Habulin mo kaya?" suggestion ni Quinn sa akin.
Ngunit umiling ako.
Bakit ko ba susundan siya? Para saan? Para magpapagod lang?
"Bahala siya tumakbo." walang-gana kong sabi sa kanya, "Ano ba kailangan niya? Kanina ko pa siya nakikitang nagmamaktol kausap ka." tanong ko sa kanya at napatingin siya sa akin.
"Hinihingi sa akin ang schedule mo. Pero sabi ko, siya dapat humingi sa'yo. Ang tigas ng ulo ng fan mo." natatawang sabi ni Quinn sabay tingin sa akin pagkatapos niyang tiklupin ang folder na sinusulatan niya.
"Sinisi mo pa ako. Wala naman ako pakialam sa kanya." masungit na sabi ko sa kanya.
"Hindi mo naman ako tatanungin, kung wala kang pakialam sa kanya." sabi ni Quinn sa akin. Natawa siya sa akin at umiiling pa ito sa akin.
Natahimik ako sa kanya sinabi.
Hindi sa ka-dahilan ng kanyang sinabi kanina, ang totoo may pakialam ako sa schedule ko. Kailangan kong ipasa sa kanila ang schedule ko.
"Sadyang may pakialam ako sa schedule ko. As if I care about her?" seryoso kong sabi sa kanya, "Ibibigay ko na lang ang schedule ko sa'yo. Pagkatapos, pakibigay na lang sa isa sa miyembro ng Queen of Hearts ngayon." utos ko sa kanya at tiningnan niya lang ako na tinuro niya ang kanyang folder na tambak na tambak sa kanyang desk.
"Look at these, Meg. I need to arrange all of these for you. Ikaw na lang, Meg. Please?" nagmamakaawa niyang sabi sa akin.
Tumango na lang ako. Wala naman akong choice kundi ako na lang ang magbibigay ng schedule nila. Dahil naalala ko nga pala na pumunta si Scarlet para kunin sa akin ang schedule ngunit tinakbuhan ako agad.
"Bukas na lang pala. Hindi nakuha ni Scarlet ang schedule ko.Tinakbuhan ba naman ako?" sabi ko kay Quinn.
"Puntahan mo na lang sa dorm nila. Tutal andoon naman din ang condo mo." sabi ni Quinn sa akin.
"Ayoko." sabi ko kay Quinn.
Sinamaan ako ng tingin ni Quinn, "Gusto mo bang tawagan ko ang production team ng concert ni BLACK?" pagbabantang tanong sa akin ni Quinn.
Hindi naman 'to mabiro si Quinn.
Tiyak kong may plano siya na sabihin sa kanila na i-cancel ang pagiging guest ko sa concert ni BLACK dahil matigas ang ulo ko.
Itong si Scarlet kasi! May gana pang takbuhan ako. E, wala naman akong ginagawa sa kanya.
Buti na lang may naisip akong paraan para bumalik sa akin si Scarlet.
Akala niya matatakasan ako no'n. Kailangan ko talaga i-submit sa kanya ang aking schedule baka magalit sa akin si Quinn.
Ang gagawin lang naman niya ay ililista niya ang aking schedule para mapakita sa kanyang ka-miyembro. Gano'n lang kasimple.
Gusto ko na rin maayos na ang lahat.
E, itong babaeng 'to, pinapahirapan pa ako.
Tss.
Kailangan ko muna tawagan si Ms. Lea at napansin kong napatingin sa aking ginagawang pagtawag kay kay Ms. Lea.
"Sino tatawagan mo, Meg?" curious niyang tanong sa akin.
"Magfocus ka na lang diyan." utos ko sa kanya.
"Hello, Miss Megan?"
Nabigla ako sa pagsagot ni Lea at lumayo muna ako kay Quinn.
Pumasok muna ako sa loob ng office para hindi ko ma-istorbo si Quinn sa ginagawa niya.
"Miss Megan? Andyan pa po ba kayo?"
Narinig ko ang boses ni Lea kaya ko tinuon ang atensyon sa pagtawag ko sa kanya.
"Hello, Lea. Pwede humingi ng favor?" tanong ko sa kanya.
I am thinking right now kung pwede kami magmeet sa isang private place like coffee shop. Basta hindi ako manonotice ng mga tao.
"Yes! Ano po 'yon?"
"Can we met some private place? Biglang umalis agad si Scarlet. Hindi ko nabigay ang schedule ko."
"Okay po. Saan po ba?"
"Sa Starbox Coffee Shop. Malapit lang sa condo ng Queen of Hearts."
Bigla akong narinig na ingay sa linya ni Lea. Alam kong ingay ng sasakyan ng kanilang van dahil sa pagbukas ng pinto.
"Scarlet! Saan ka ba galing kang bata ka? Hinahanap ka na ni Ms. Megan."
"Sila na lang po. Nahihiya ako."
Dinig ko ang boses ni Scarlet na mukhang nagrereklamo na siya at naiinis.
"May hiya ka pala, Scarlet."
May narinig akong tumawa. Mukhang nagsisimula siyang asarin ng ka-miyembro niya.
"Kayong dalawa ni Zoe at ikaw, Scarlet, ihahatid ko kayo sa Starbox Coffee Shop. 'Yon ang pinapautos ni Ms. Megan."
"Si Zoe na lang po. Ayoko po pumunta."
Narinig kong nagpupumilit siya na ayaw niyang pumunta do'n.
"Hello, Ms. Megan? Narinig niyo po ba 'yon? Ayaw ni Scarlet."
"Omayghad! Kausap niyo po si Ms. Megan?"
Rinig kong hindi makapaniwala si Scarlet na ako ang kausap ni Ms. Lea.
Ano ha? Tatakas ka pa sa akin.
"Yes. We need to talk lalo na't tinakbuhan mo ako kanina." seryosong sabi ko sa kabilang linya.
"Ms. Megan, pagpasensyahan mo na 'tong alaga ko. Matigas ang ulo."
"See you there. I need to hang-up. Bye."
Wala na rin naman akong sasabihin kaya naisipan kong ibaba na agad ang linya.
Ngayon, pinindot ang end-call at nilagay ko na ang aking phone sa bulsa.
Lumabas ulit ako ng aking office at napansin ako ni Quinn.
"Where are you going?" tanong niya sa akin.
"Starbox Coffee Shop. Doon ko ibibigay schedule ko." walang-gana kong sagot at ngumiti ako sa kanya.
Mukhang nabawasan na rin ang taas ng folder na nakatambak sa desk niya. Pero still marami pa 'tong aayusin.
Tatapusin ba niya ngayong araw 'to? Hindi ko na rin matandaan na kumain siya kanina. Sadyang busy din ako sa ginagawa ko.
Mamaya na lang ako kakain sa condo ng ramen.
"Ipabukas mo na lang 'yan." nag-aalala kong sabi sa kanya.
"Bawasan ko lang 'to, Megan. Susunod ako." sabi niya ar binigay niya ang best smile sa akin, "Ingat."
Tinugon ko naman siya ng 'okay-sign' sa aking kaliwang kamay.
Pagkatapos, tuluyang umalis na ako sa EyeRed para pumunta ng aming meet-up sa Starbox Coffee Shop.
***
Andito na ako sa labas ng Coffee Shop. First time ko lang pumunta dito.
Yes! First time ko lang dahil una sa lahat hindi ako nagkakape ngunit napapansin ko na dati itong Coffee Shop na 'to.
Pagkalabas ko ng aking condo, lalakarin mo lang sa isang kanto at makikita mo na agad ito.
Nalaman ko rin ang lugar na 'to dahil kay Diego. Mahilig din kasi sa kape 'yon. So... huwag na natin pag-usapan. Hindi naman siya gaano ka-importante para pag-usapan.
Pagkapasok ko sa Starbox Coffee Shop, nasilayan ko sina Zoe at Scarlet na nakaupo silang magkatabi sa pinakadulo sa kaliwang sulok.
Mukhang tamang-tama ang pinili nilang pwesto.
Nasilayan ako ni Zoe at nakita kong siniko niya si Scarlet sa tagiliran nito habang naka-earphones at busy sa kanyang sariling phone.
Napansin kong tinanggal niya ang earphones niya sa kanyang kanan at nagtaka siya kay Zoe.
Tinuro naman ako ni Zoe sa kinaroroonan ko habang naglalakad papunta sa kanila.
Napatingin si Scarlet sa tinuturo niya at nagtama ang aming mata.
Ngunit umiwas siya ng tingin. Nagsimula na siyang ayusin ang kanyang sarili. Napansin ko rin na tinanggal niya ang kanyang earphones at tinabi niya ang kanyang phone.
Pagkarating ko sa table, umupo ako sa harap ni Scarlet at napatingin ako sa kanila.
Ramdam kong nagsisimulang kinakabahan si Zoe sa akin dahil hindi siya mapakali sa kanyang pwesto ngayon. Hindi niya alam kung saan ilulugar ang kamay niya. Napansin ko nga na ilalagay niya ang kamay sa lamesa pero ililipat naman niya sa gilid.
Lalo na't si Scarlet na nakatingin lang sa gilid niya na katabi ang pagawaan ng kape sa mismong counter. Mukhang busy siya sa panonood.
"So let's start?" tinaasan ko ang aking boses sa tanong ko.
Para sa pagkuha ko ng atensyon mula sa kanila. Mukhang naging effective naman 'to.
"Sige po." tugon ni Zoe sa akin.
"This is my schedule for next week. Sabihin niyo kung hectic ba sa mga schedule niyo. Para mag-adjust ako as soon as possible." seryosong sabi ko sa kanila.
Binigay ko ang folder na dala ko kay Zoe na may laman itong paper at nakalagay doon sa papel ang schedule ko. Sadyang minadali ko lang.
Kanina ko lang pinag-isipan. Lalo na't hindi ko na rin pinatingin kay Quinn dahil mukhang busy siya sa kanyang ginagawa.
Napansin kong nakatingin din si Scarlet sa schedule ko at kumunot-noo siya.
"Ano pong GR?" nahihiyang tanong ni Zoe.
"General Rehearsal 'yan. We only need 3 days for GR before the concert para masanay na kayo magperform sa stage." sabi ko sa kanya.
"What abo- tama ba nakikita ko, Scarlet?" gulat na gulat na tanong ni Zoe kay Scarlet.
Nacurious naman ako kung ano naman ang dahilan ng pagkagulat ni Zoe.
Tiningnan naman ni Scarlet ang hawak ni Zoe na nakaturo ito sa mismong papel.
"7 in the morning until 5 in the afternoon. Tapos Monday to Friday 'yon." binasa ni Scarlet ang nasa papel at tumingin sa akin na hindi siy makapaniwala sa nakita niya.
"Sure po ba kayo?" concern na tanong ni Zoe.
"Yes. May problema ba?" walang-gana kong tanong sa kanila.
Mukha ngang hindi pa rin sila makapaniwala sa pinagsasabi ko.
Seryoso ako sa 7am to 5pm. Mukha ba akong nagloloko?
"Ah! Wala rin po kaming choice para sumunod lang kami sa schedule niyo." mahinang sagot ni Zoe sa akin at napakamot siya ng ulo niya.
Napatingin ako kay Scarlet at tiningnan niya ako ng seryoso, "I need to go to the cr. Please excuse me." nabigla ako sa pagtayo niya at tuluyang umalis siya.
"Scarlet!" tawag ni Zoe ngunit dinedma niya lang ito, "Huwag mo 'kong iwan dito."
This is a chance to talk to her.
Balak ko na rin kausapin siya dahil ayoko naman magkaroon ng alitan sa kanya lalo na't fan ko siya.
Ayoko rin ma-disappointed siya na ganito ako umakto sa kanya na sobrang rude sa kanya.
Lalo na't pakiramdam kong iniiwasan niya ako. Alam ko naman 'yon noong narinig ko ang kanyang sinabi na ayaw niyang pumunta para ibigay ko sa kanya ang schedule ko sa pamamagitan ng pagtawag ko kay Ms. Lea.
Sadyang tadhana talaga na trinatrato ko siya ng ganito dahil isa siya sa mga artist ng EyeRed.
Kung hindi siya naging artist ng EyeRed, magiging mabait ako sa kanya bilang fan ko siya.
I will treat her nicely pero hindi, e.
I really want to say sorry to her at binabawi ko ang aking sinabi na disqualified siya.
Pero mananatili pa rin ang pagkataray at strict ko sa kanya.
Kaya tumayo ako, "I need to go to the comfort room." sabi ko at napansin kong nagulat si Zoe sa sinabi ko.
Tumango siya ng dahan-dahan ngunit nagtataka ito.
Pero dinedma ko na si Zoe at tuluyang pumunta sa cr para sundan si Scarlet.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!