Avalon. Ito ang lugar ng mga taong may angking kapangyarihan Kung saan ang agawan ng lakas at kapangyarihan ay namamalagi. Matapos mahulog ni cara mula sa malalim na kagubatan at napunta sa kakaibang mundo makakaya pa kaya niyang makalabas sa lugar na ito?
Cara P.O.V
Isang nakakapagod na araw na naman ang natapos pero di ako nagsisisi dahil worth it ang naging camping namin dito sa Mt. Alop .
Lumabas ako sa tent at naglakad lakad upang namnamin ang sarap ng hangin dahil bukas ay uuwi na rin kami. Malalim na ang gabi tahimik ang kapaligiran. Ang sarap talagang mamundok.
"Caraaa~" unknown
" Sino ka? May tao ba diyan? Magpakita ka " gulat at kabado kong sinabi ng may marinig akong tumawag sa aking pangalan.
"Caraaaa~" unknown
Malumanay ang tinig na naririnig ko galing sa mahalamang lugar. Sinundan ko ang tinig para malaman kung sino ang tumatawag sakin.
Lumakad ako ng walang alinlangan. Nang biglang...
*BOGSSHHH*
Nadulas ako sa isang malalim na parte ng kagubatan.
"Aray kooo" sa sobrang sakit nakakaramdam ako ng pagkahilo. Unti unting nandilim ang paningin ko.
"Caraaaa~ " unknown
Huling salitang narinig ko sa kung saan man bago ako tuluyang mawalan ng malay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
" Paano siya nakapasok dito?" Person 1
"Di ko rin alam nakita ko lang siya diyan na wala ng malay " Person 2
" Dalhin na natin siya " Person 1
Nakarinig ako ng usapan at unti unti kong minulat ang mata ko. Maliwanag na at umaga na pala.
"Si..sino kayo?" nagtaka ako sa di pamilyar na dalawang taong nasa paligid ko. Sinubukan ko ring gumalaw pero sumakit lang lalo ang katawan ko dahil sa pagkakahulog .
"Yan din ang tanong namin. Kailangan naming malaman kung sino ka at paano ka napunta sa mundo namin " sagot ng babaeng nasa harap ko.
" Ha? Anong napunta sa mundo niyo? teka ano bang nangyayari? Hindi ko kayo kilala" gulong gulo na ko.
"Mamaya ka na magtanong sumama ka samin" sagot ng lalaking nasa tabi ko.
"Ayukooooo" pagpupumiglas ko ngunit hinawakan ng babae ang aking kamay.
Kitang kita ng dalawang mata ko ng umilaw ang mata ng babae habang mahigpit na hawak ang kamay ko. Kumapit rin ang lalaking kasama niya sa kanya.
Nagulat ako ng biglang nasa kama na ako.
Nasa loob na kami ng kwarto.
Nagteleport kami. Anong kababalaghan to?
Agad akong nagtalukbong ng kumot sa sobrang takot.
"Anong klaseng mga tao ba kayo?!!!" Takot na takot kong sinabi.
"anong ginagawa mo sa mundo namin?" tanong ng babae.
"Hindi ko kayo kilala wag niyo ko tanungin, Hindi ko rin alam ang sagot ang alam ko lang may sinusundan akong boses tinatawag yung pangalan ko tapos ayun nadulas ako sa malalim na parte ng gubat at nawalan ng malay. " Pagpapaliwanag ko.
Di rin mawala ang pag aalala ko sa mga kasama ko sa tent dahil baka hinahanap na nila ako.
"Kung ganun kailangan nating alamin kung bakit ka napunta sa lugar na to. Maswerte ka at kami ang nakakita sayo" sambit ng lalaking nasa harap ko .
Maswerte? Papaano? Ang dami kong tanong sa isipan na hindi masagot sagot. Natatakot na ko hindi ko alam kung nasaan ba talaga ako.
"Ibalik niyo na ako baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko " pagsusumamo ko sa kanila.
" Nasa ibang dimension ka ng mundo. Kaya hindi ka namin agad maibabalik sa kung saan mo gusto pero Kumalma ka. Huwag kang mag-alala makakalabas ka dito " pagpapaliwanag ng babae
"Maiwan ko muna kayo diyan may kailangan akong puntahan " biglang sambit ng lalaki at umalis.
"Sige " - sagot ng babaeng kasama namin.
Tumingin ako sa babaeng kasama ko ngayon. Kaming dalawa nalang ang natitira dito sa kuwarto.
" a-anong sinasabi niyong nasa ibang dimension ako? Pwede mo bang sabihin kung anong lugar to " tanong ko sa kaniya.
"Nasa ibang dimension ka ito ang lugar kung saan kami naninirahan." aniya niya.
"Lahat kami may mga angking kapangyarihan dito gaya ng nakita mo. Walang normal na tao ang nakakapasok dito. Nakakapagtaka ngang nakapasok ka dito" dagdag pa nito.
Kumunot ang noo niya ng bahagya at lumapit.
"Sigurado ka bang normal kang tao?" nagtatakang tanong niya.
"Wala akong kapangyarihan ng tulad sainyo kaya sigurado akong normal akong tao" paglilinaw ko.
Naglalakad ito sa paligid at nakatulala sa bintana. Mukhang malalim ang iniisip nito.
"Hmm. Kung ang isang katulad mong normal na tao ay nakakapasok dito, may kutob ako na may nangyayaring hindi maganda dito sa Avalon " sambit nito.
" Maiba ako ng usapan, Ako nga pala si Dacia at si josh naman yung lalaki kanina. Hawakan mo lang ako at kaya kitang dalhin sa nais mo. ikaw, anong pangalan mo? May gusto ka bang puntahan? Baka mabagot ka dito " nakangiti nitong sambit sa akin.
"Ako si cara. Wala kong alam sa lugar na to e"
"Oo nga pala haha sige ako na mag-iisip ng lugar kung san kita gustong ipasyal. Maligo ka na at magbihis pwede mong hiramin muna yang mga damit ko sa cabinet" pagpepresenta niya.
"A-ano? Ngayon na tayo aalis?" Gulat kong itinanong.
"Hmm. Oo sayang naman kung tutunganga ka dito. Madaming magagandang pasyalan dito sa mundo namin." Sambit niya.
" Hindi ba natin aasikasuhin kung paano ako makakalabas dito? Nag-aalala na kasi ko sa mga kaibigan ko e paniguradong hinahanap na din nila ako ngayon." malungkot kong sinabi.
" Si Josh na ang bahala dun paniguradong naghahanap na yun ng sagot sa mga katanungan natin, Huwag kang mag-alala din sa mga kaibigan mo hanggang nasa mundo ka namin wala silang maaalala sa iyo. Makakalimutan nila lahat tungkol sayo at maibabalik lang ang mga ala-alalang yun kapag nakalabas ka na ulit dito sa mundo namin, parang normal lang ang lahat sa kanila na parang hindi ka nawala." Pagpapaliwanag ni dacia.
"Mabuti naman. Ayukong mag-alala sila sakin " nakahinga ako ng maluwag.
"O pano ba yan maiwan muna kita cara ha. Mag-asikaso ka na para makapaglibot ka na sa mundo namin" nakangiti niyang sinabi
Ngumiti ako sa kanya at saka siya umalis ng kuwarto.
Napakabait niya. Para akong nabunutan ng tinik dahil alam kong hindi na magaalala sakin ang mga nasa tent at sa tingin ko naman mabait nga ang mga taong nakakita sakin.
Tumayo ako ng kama upang maghanda na. Nag-inat inat muna ko ng katawan.
" Huh? Nakakapagtaka ah. Naalala ko nalaglag nga pala ako. Pero bakit parang walang masakit sa katawan ko? " tanong ko sa sarili ko.
"Bahala na nga ang mahalaga malakas na ko whoo" pagchecheer ko sa sarili ko.
Dumako na ko ng cr at nagsimulang maligo.
"Caraaaa~" unknown.
Napabalikwas ako dahil sa gulat at napasigaw.
Ang boses na iyon. Bakit parang tinatawag ako nito?
-------------------
Next:
Chapter 2: My Powers?