webnovel

Queen and the Nine Tailed Fox

Sa mundo ninyong mga mortal, ako ang iyong tagasunod ngunit dito sa aming mundo... ...ikaw ay alipin ko. -Isagani Simeon Sa pagsikat nang sobra ni Queenzie Ruiz na kinilala nang Queen sa pagkanta, kinain na siya ng kasikatang iyon at sumama ang ugali niya. Biktima naman ng pagbabago niyang iyon ang mga P.A. niya na kaunting mali lang ay sinisisante niya na kaagad. Kasabay ng pagdating sa buhay niya ng bago niyang P.A. na isang misteryosong lalaki ay ang pagkasira ng boses niya dahil sa isang sakit at doon nangyari ang pagbagsak ng career niya. Hanggang isang araw, nagising na lang siya sa isang mundo na bago sa kaniya. Doon, magtatagpo ang landas nila ng misteryoso niyang P.A. at ang mas nakapanglito pa sa kaniya sa mga nangyayari ay sinasabi nito na nasa mundo siya ng mga ito na tinatawag na Sargus at... ...siya na ay alipin na nito.

BonVoyage_Ten · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
26 Chs

Chapter 13

Chapter 13 - Heartache

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mapatunayan ko kay Rio na si Gani nga talaga ang nakipagkita sa'kin sa flowerfield... at sa mga araw na 'yon, nagkulong lang ako sa kwarto ko sa pagkadepressed.

Ngayon nga ay nakahiga lang ako dahil wala talaga akong gana na magkikilos. Wala rin akong ganang kumain.

Palagi namang sinusubukan ni Gani na alamin kung bakit ako nagkakaganito pero hindi ko siya pinapayagang pumasok dito sa kwarto ko. Sinasabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko kaya hindi na siya masyadong nangungulit.

Si Hilva at mga servants lang ang pinapayagan ko na makalapit sa'kin dahil sila ang nagpapaligo at nagbibihis sa'kin.

Gusto ko nga sana na ako na lang ang gumawa n'on pero sabi ni Hilva, mapapagalitan sila ni Gani kapag pinabayaan nila ako lalo na at ang alam nito ay may sakit ako. Naikwento niya rin sa'kin na dapat, aalis ulit si Gani ng Leibnis pero hindi magawa dahil sa pagmumukmok ko rito sa pagkakasakit ko kuno.

"Binibining Queen, inumin n'yo ang tsaa na ito upang manumbalik ang inyong lakas at hindi na kayo manamlay." Inalok sa'kin ni Hilva ang isang baso ng tsaa pero tinalikuran ko lang siya ng higa. "Binibini..." nangungulit niyang tawag sa'kin.

Anong magagawa ko? Sa sakit ng pinaranas sa'kin ni Gani, hindi naman kaagad ako makakamove-on doon.

Nakaranas na akong magkacrush noon at sa ganda kong 'to, marami ang sumubok manligaw sa'kin bago at pagkatapos kong sumikat pero first time ko na ako ang magkagusto nang ganito kalalim sa isang tao—Gisune pala tapos gano'ng kalupit na rejection ang ipapalasap sa'kin.

Hindi naman ako pangit.

Ang ganda-ganda ko nga tapos ganino'n niya 'ko.

"Binibini, kailangan na ninyong maglinis ng katawan. Magtatanghali na ngunit nakahiga pa rin kayo at hindi nagpapalit." pangna-nag sa'kin nitong si Hilva pero hindi ko siya pinansin at nagtalukbong lang ako ng kumot. Wala talaga akong ganang gumawa ng kahit ano.

May narinig akong nagslide ng pinto at naisip ko na baka servant lang din 'yon nang biglang may magtanggal ng kumot ko sa'kin at bumuhat sa katawan ko kaya nanlaki ang mga mata ko at napatili pa ako sa pagkabigla.

Nang mapasandal ako sa matigas na dibdib ng isang 'to na bumuhat sa'kin at makita na kung sino siya, mas nanlaki ang mga mata ko. "G-gani..."

Inamoy-amoy niya ako. "Gaya ng sabi ni Hilva ay kailangan mo nang mapaliguan." umakto siya na parang nabahuan sa'kin. "Ang baho mo na Queen." Naglalakad na rin siya sa kung saan niya ako dadalhin.

Kung sa normal na araw lang siguro naming dalawa, papatol na agad ako sa pang-aasar niya pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa'kin. Gusto ko nang makalimutan 'yon, sa totoo lang pero dahil sa kirot sa dibdib ko sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko magawa.

Hindi ako umimik at hinayaan ko na lang siya sa kung anong balak niyang gawin sa'kin. Kahit na ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko ngayon habang buhat niya ako sa bisig niya, napupuno naman ang dibdib ko ng napakasakit na mga emosyon na pilit ko lang tinitimpi dahil hindi nawawala sa isip ko na hindi nga kami pwede.

Ibinaba niya na ako nang maingat sa tapat ng pintuan ng paliguan at ngayon ko lang napansin na nakasunod pala sa'min si Hilva rito.

"Linisin n'yong mabuti ang kaniyang katawan at bihisan din siya nang napakaganda." utos niya rito.

"Masusunod po." Yumuko naman ito sa kaniya at lumapit na sa'kin para isama ako sa loob ng paliguan.

Hindi na ako nagtanong o umangal o anupaman dahil ayoko nga siyang kausapin kaya sumama na lang kaagad ako kay Hilva sa loob na hindi siya nililingon.

Gaya ng utos niya, pinaliguan ako ni Hilva pati ibang servants na nauna sa'min dito. Pagkatapos n'on, binihisan nila ako ng napakagandang damit. Mas magarang 'to na white ang top na mahaba pa rin ang mga sleeves at kulay red naman ang hanggang ibabaw ng sakong na palda. May mga kumikinang na design 'yon na parang glitters at inipitan din nila ang buhok ko ng magagandang mga clips doon. Minake-up-an pa nila ako na light lang pero nagbigay buhay naman sa malungkot na mukha ko.

Hindi ko alam kung bakit ba ako pinaayusan nang ganito ni Gani pero tinatamad akong magtanong. Mas gusto ko na lang magkulong sa kwarto ko kaya sinabi ko kay Hilva na gusto ko nang bumalik doon dahil wala nga akong gana pero hindi niya 'yon pinansin at isinama pa rin sa kung saan ako pinapadala ni Gani.

Ngayon ay nasa tapat kami ng pinto ng kwarto niya at maglalakad na sana ako paalis dahil mas lalo lang tumitindi ang kirot sa dibdib ko sa lugar na 'to pero hinawakan ako sa kamay ni Hilva para pigilan at ang dalawa ring servants na nakabantay rito sa labas ay hinarang ako kaagad para hindi ako makaalis.

"Ginoong Gani, naririto na po si binibining Queen." pag-a-announce ni Hilva.

"Papasukin n'yo na siya," sabi naman ni Gani mula sa loob.

Nabuga na lang ako ng hangin at bumitaw naman na sa'kin si Hilva dahil alam niya na wala na akong balak umalis. Binuksan na rin ng isang servant na humarang sa'kin ang pinto ng kwarto ni Gani kaya napatingin na ako sa loob.

Natigilan ako sa nakita ko at napabuka nang kaunti ang bibig ko sa pagkamangha.

May isang bilog na mababang lamesa ang napapatungan ng napakaraming masasarap na pagkain at dinesenyuhan din ng mga bulaklak ang loob nitong kwarto na wala naman dati. Pero ang totoong nakapagpanganga sa akin... ay ang may-ari ng lugar na 'to na ngayon ay tumayo na at nakatulala rin sa'kin.

Nakared din siya ng suot na panglalaking traditional wear at mas lalo siyang naging attracting sa mga mata ko ngayon. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa kulay ng suot niya o dahil ayos na ayos din siya na parang pinaghandaan niya ang oras na 'to.

Naglakad na siya palapit sa'kin at inalok niya sa'kin ang kamay niya habang nakangiti. "Queen... Maganda ba ang aking ipinahandang ito para sa iyo?" tanong niya.

"A-anong meron?" Hindi ko binigay ang kamay ko at hindi rin pinansin ang tanong niya.

Hindi naman nawala ang ngiti sa mga labi niya at siya na ang kumuha ng kamay ko saka marahan akong hinila palapit sa mababang lamesa. Sinenyasan niya rin ako na umupo na at sumunod na lang ako. Tinulungan niya pa ako na ayusin ang suot ko para makaupo ako nang maayos.

Sinara na rin nila Hilva ang pinto kaya kaming dalawa na lang ang nandito ngayon.

"Ilang araw ka na rin kasing nakakulong sa iyong silid at masama ang pakiramdam." umupo na siya kaharap ko. "Nabanggit sa akin ni Hilva na hindi ka na kumakain nang maayos at hindi mo rin iniinom ang mga tsaang itinitimpla niya para sa iyo para mapalakas ang iyong katawan kaya naisipan ko na ipaghanda ka ng mga ito." Itinuro niya ang mga pagkain sa lamesa habang ngiting-ngiti.

Napatitig lang ako sa kaniya at naging busy na siya sa paglalagay ng pagkain sa isang plato.

"Nahihibang ka na. Tinrato lamang kita nang maganda kumpara sa iba ay espesyal na kaagad ang tingin mo sa iyong sarili sa aking buhay."

"Tikman mo ito Queen. Nagpatulong ako kina Hilva na lutuin ito at tinikman ko ito kanina. Masarap ang aking pagkakagawa kaya heto." Kumutsara siya ng ulam na sinasabi niyang niluto niya at akmang isusubo sa'kin pero nakatitig pa rin lang ako sa kaniya.

"Kalilimutan ko na nangyari ito ngayong gabi at aakto ako katulad nang dati."

"Ahhh..." Ngiting-ngiti talaga siya na parang wala talaga siyang sinabing masakit sa'kin noon.

"Huwag mo na ring bibigyan ng espesyal na kahulugan ang aking mga ikinikilos."

Tss.

Sa inis ko sa mga naalala ko na 'yon, tinabig ko ang kutsara na isusubo niya sa'kin kaya natapon sa lamesa ang laman n'on at tumayo na ako. "Hindi mo na sana inabala pa nang ganito ang sarili mo." malamig na sabi ko at naglakad na papuntang pinto.

"S-sandali Queen! Saan ka pupunta?!" nagmamadali niyang tanong at tumayo na rin kaya napatigil ako sa akma kong pagbubukas ng pinto.

Hindi ko siya nilingon. "Babalik na ako sa kwarto ko. Lalo lang sumama ang pakiramdam ko." Tinuloy ko na ang pagbubukas ng pinto nang marinig ko ang nagmamadaling mga yabag niya papunta sa'kin at doon ay hinawakan niya kaagad ang kamay ko kaya napigilan niya ako sa gagawin ko.

Hindi ko inaasahan nang ilapit niya ang mukha niya sa'kin kaya nanlaki ang mga mata ko sa pag-aakalang hahalikan niya ako pero inilapat niya lang ang noo niya sa noo ko. "Normal naman ang iyong temperatura Queen," sabi niya at amoy na amoy ko ang hininga niya sa lapit namin sa isa't isa. Amoy mint 'yon at ang bango. Halos maduling din ako sa pagtitig sa nakapikit na mga mata niya.

Lumayo na siya sa'kin pero hindi pa rin siya bumibitaw sa kamay ko. "Kung masama pa rin talaga ang iyong pakiramdam ay sasamahan na kita sa pagbalik sa iyong silid."

Naglakad na kami papunta ng kwarto ko at nakatingin lang ako sa kamay niya na nakahawak naman sa kamay ko. Ang higpit n'on na parang nagbibigay mensahe sa'kin kung gaano siya nag-aalala para sa'kin ngayon.

Ang init na rin ulit ng palad niya... hindi katulad noong gabi na nireject niya ang confession ko. Nagpapasa na ulit 'yon ng warmth sa palad ko ngayon.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya napatigil na rin ako at kaharap na niya si Hilva na nasa tapat ng kwarto ko. "Inihanda n'yo na ba ang silid ni Queen? Masama pa rin ang kaniyang pakiramdam kaya dulutan n'yo siyang maigi."

"Huwag mo na ring bibigyan ng espesyal na kahulugan ang aking mga ikinikilos."

"Palitan n'yo rin siya ng pantulog upang kumportable siyang makahimbing—"

Bumitaw na ako sa pagkakahawak niya sa'kin kaya naputol ang pagsasalita niya at napatingin sa'kin.

Nakatungo lang ako at madilim ang mukha. "Kaya ko na ang sarili ko." Nilagpasan ko na silang dalawa at binuksan ko ang pinto ng kwarto ko saka pumasok na ro'n.

Humarap ako sa kanila para isara 'yon.

"Queen..." tawag sa'kin ni Gani at napatigil ako sa pagsasara ng pinto nang maglabasan ang maraming buntot sa likuran niya saka wumagwag ang mga 'yon. Ngiting-ngiti na siya na parang inaalo ako at si Hilva naman, sobrang napayuko sa paglalabas niya sa mga 'yon.

Napahigpit ang hawak ko sa mga pinto. Siguradong ginagamit niyang paraan 'yon para pagaanin ulit ang loob ko dahil alam na alam niyang aliw na aliw ako sa mga 'yon pero...

"Huwag mo na ring bibigyan ng espesyal na kahulugan ang aking mga ikinikilos."

Tuluyan ko na sila sinaraduhan ng pinto.

Napapikit na lang ako nang mariin habang hindi pa rin nakakaalis sa kinatatayuan ko at nakuyom ko rin ang mga kamao ko.

Nakakaasar ka Gani.

Napakainsensitive mo.

Dapat binabalewala mo na lang ako dahil ayaw mo naman sa'kin pero gawa ka nang gawa ng mga bagay na mas lalong nagpapahulog ng loob ko sa'yo.

Napatingin ako sa kamay ko at hindi ko makita ro'n ang engagement ring na ibinigay niya sa'kin dati. Ibinato ko 'yon sa kaniya noong mahuli ko sila ni Rio na magkayakap sa kwarto niya pero hindi niya na 'yon ibinalik pa sa'kin.

Narinig ko na ang mga yabag ng mga paa nila ni Hilva paalis ng tapat ng kwarto kong 'to.

Doon ay napaupo na lang ako sa sahig at nagsimula na akong lukubin ng masasakit na emosyong nakabara sa lalamunan ko kanina. Kumawala na ang mga luha ko at napahikbi. Tinakpan ko naman kaagad ang bibig ko dahil baka marinig pa nila ako at kuyom na kuyom ko ang isa kong kamao.

Para saan pa na ipinakilala mo akong mapapangasawa sa mga Gisune rito... kung hindi mo naman pala ako kayang panindigan Gani?

Para saan pa?

* * *

Kinabukasan...

Pinagmasdan ko ang napakaraming mga bulaklak sa madilim na paligid at napapaliguan ang mga 'yon ng sinag ng buwan. Sumasayaw rin ang mga 'yon sa pagdaan ng hangin at humahalimuyaw ang napakabangong mga amoy.

Napahinga ako nang malalim dahil hindi ko inakalang masisikmura ko pang bumalik dito pagkatapos ng hindi magandang nangyari rito sa pagitan namin ni Gani. Napakaweird ko talaga. Feeling ko tuloy, masochist ako dahil mas gusto kong sinasaktan ang sarili ko sa pagbalik sa lugar na 'to.

Tumakas lang ako kina Hilva kaya hindi nila alam na nandito ako ngayon. Umalis naman si Gani ng bahay kaninang umaga dahil mukhang may pupuntahan na naman siya sa labas ng bayan kaya nagawa ko nang makalabas ng kwarto ko na walang iniisip na may pangingilagan.

Kaninang umaga, ipinasabi niya kay Hilva sa'kin na gusto niya muna akong makita bago siya umalis pero hindi ako bumangon sa higaan ko at nagtalukbong lang ng kumot. Sinabi pa sa'kin ni Hilva na naghintay siya nang ilang minuto sa labas pero hindi pa rin ako nagpakita sa kaniya kaya umalis na lang siya. 

Napatingala ako sa kalangitan at nakita ko ro'n ang nakangiting imahe ni Gani at ang mga butuin na nagkikislapang nakapaligid sa kaniya. Napahinga ulit tuloy ako nang malalim habang kuyom ko ang mga kamao ko.

Iiwasan ko siya nang iiwasan hanggang sa mawala na ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Luging-lugi na ako sa'ming dalawa dahil sa nakakainis na nararamdaman kong 'to para sa kaniya kaya kailangan na nitong mabura... at ito na rin ang huling beses na bibisitahin ko ang lugar na 'to. Hinding-hindi ko na sasaktan ang sarili ko para sa kaniya na wala naman talagang pakialam sa'kin.

Hinding-hindi na.

Puno ng determinasyon ang mukha ko habang tumatango-tango sa pagsang-ayon sa mga pinapangako ko sa sarili ko nang may mahagip ang paningin ko na bulto ng taong gumalaw 'di kalayuan.

Napatingin ako ro'n at doon ko nakita ang isang babaeng may mahabang puting buhok na nakatingala rin sa kalangitan. Kulay pink ang damit niya at nakilala ko agad siya kahit nakatalikod siya sa'kin. "Rio?" mahinang banggit ko sa pangalan ng Gisune na 'yon na nasa anyo ni Eirin pero natigilan ako nang makita ang mga buntot niya.

Mas marami 'yon sa natatandaan kong buntot ni Rio kahit ginagaya niya si Eirin.

Unti-unting namilog ang mga mata ko. Hindi kaya...

"Eirin?"

Ipagpapatuloy...