webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · Filme
Zu wenig Bewertungen
38 Chs

OPEN UP

SABRINA FEDEREZ POV

Hindi ko alam kung ilang oras naba kong nakatitig sa kisame. Umuwi ako sa bahay para sana kumuha ng damit kasi gusto kong magstay sa HQ.

Tumagilid naman ako ng higa at niyakap ang unan ko. Dapat yata hindi nako umuwi kasi parang ayaw ko nang umalis.

'Ma miss na miss na kita'

Naalala ko na naman ang nangyari last week ng sunduin namin si Harper. Nagkaprobelma sa bahay nila sigurado yon. Hindi namin alam kung paano sya kakausapin pero pinanatili nalang naming manahimik patungkol don.

Si Abram din nung umuwi tapos bumalik sa HQ mukang wala sa sarili o may malalim na iniisip. Naguguluhan na siguro yon dahil sasama si Harp sa sinasabi ni Leo.

Si Evu ayon palabiro parin. Magsasabi yon paghindi nyana talaga kaya. Alam ko naman ang problema nya na hindi mawala wala. Psh bat kasi favoritism Lola non?!

Si Abigail naman hindi rin nagkwento. Hindi ko rin macontact si Leo para magtanong. Epal sya andami nyang damit tapos ayaw nyang istay sa maleta nya kaya pati space ko sa damitan ay nakuha nya ang kalahati.

Si Faye naman close na kami non. Walang problema yon bukod sa Tatay nya. Pero pansin ko parang wala naman syang pakialam don.

Si Peveria siraulo rin pala pacool pa anb buset. Matalino yon, sumobra nga. Pero medyo tahimik sya tapos palaging may katext.

Si Ivan may mali sa kanya. Hindi ko alam kung ako lang ba nakaramdam pero minsan kasi parang hindi sya ung kasama namin. Parang ibang tao, lalo na nung sinundo namin si Harp hindi sya madaldal eh sobrang ingay non.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo para magimpake ng damit. Hindi ko kayang magstay dito ng matagal. Hindi ako pwedeng magstay sa problema ko dahil may problema sila. Kailangan nila ako.

Napatingin naman ako sa Cellphone ko sa higaan ng magvibrate yon.

'tagal mo, kakarestock lang ng ref pinapatos coke mo' text ni Abram sakin

'tago mo ah' reply ko at minadali ang pagiimpake

'ubos na.' reply nya napasimangot naman ako

'pakyu kayo'

'kala yata ni Harp alak'

Natigilan naman ako. Sinara kona ang zipper ng maleta at lumabas na ng kwarto.

'pasundo' text ko

'labas kana tagal mo' napangiti naman ako at hinila na ang maleta

Nangiti ako ng todo ng makita sya sa labas ngumiti naman sya sakin pero hindi umabot yon sa tenga. Kiniss nyako sa pisngi at inagaw na ang dala ko.

"Lock mo mabuti" napatango nalang ako

#

Hindi ko alam kung paano ko sila babatiin dahil sobrang tahimik nila. Kapasok ko kasi sa pinto ay si Harp ang unang sumalubong pero lumalaklak na ng alak nakita kopa ung isang 1.5 na coke.

Ngumiti sakin si Ivan?Si ivan kaba? Pero naging ngiwi yon. Napakamot nalang ako sa ulo at lumapit kay Harp para halikan sa pisngi.

Ngumiti naman sya agad sakin at ginulo ang buhok ko.

Napatingin naman ako kay Evu na nagbaba pa ng alak sa mesa. Humalik naman sya sa pisngi ko at tumabi sa kanila.

"ako walang kiss?" tanong ni Ivan?

"baket?si Ivan kaba?" irap ko sa kanya at dumiretso na sa kwarto namin

Biglang sumakit ang ulo ko ng makitang nakabra lang sila, pero parang init na init pa. Umiiyak si Abigail sa gilid napatingin naman ako kay Faye ng ginagamot nya ang pasa sa pisngi

"anyare sayo?" nagaalalang tanong ko at lumapit sa kanya

Tinuro nya ang mga maleta at ngumiti sakin

"Umalis nako samin pota! Binugbog nako!" ani nya

"tangina dapat lang" kako

"Oo, kattxt lang sakin nag50/50 daw sa hospital" natatawang aniya

"abi" ani ko at lumapit sa kanya

#

"Hindi ako tunay na anak. Narinig ko yon nung 8 yrs old ako gabi non nanaginip ako ng masama kaya tatabi sana ako kay Mommy. Kaso narinig ko sila eh, hindi ko talaga maintindihan yon nung una pero nung sunod sunod na araw nakikinig ako naintindihan kona" nabigla ako sa mga sinasabi ni Abram ngayon

Nagoopen sya sakin dati. Alam kong hindi sya tunay na anak.

"May bali balita raw na buhay ung totoo nilang anak. Pero hindi nila alam kung asan napunta. Edi ako gustong magrebelde kineme kasi diba! Tangina kamukang kamuka ko sila tapos hindi ko sila magulang?Rinig kopa nung isang beses wag daw ako pigilan sa paggganto na gangster gangster kasi baka daw pagnasabi nila sakin ung totoo matulungan ko sila sa paghahanap ng totoo nilang anak"

"Ampota tanggap ko naman yon pero nung nag12 yrs old ako parang wala na eh!Gusto ko lang naman ng pamilya, oo nga pamilya nga sila pero diko ramdam. Parang may kulang o ano ganon."

"Ung nanay ko ngayon hindi ko totoong nanay. Malayong kamaganak sya ng totoo kong nanay. Pero hindi naman kapanganak ay binigay nako don. Siguro 12 years old ako non sinabi nila sakin pinaliwanag nila. Natuwa naman ako diba?sinabi nila." si Harper na ang nagsasalita

Hindi sya nagoopen up sakin tungkol sa pamilya nya pero alam ko ung kwento nya dahil sa pare nya.

"12 yrs old ako nung binigay ako sa kanila. Gago may isip nako non pero hindi ko alam nangyayari sa paligid ko. Ang sabi nila nawalan ng mga alaala nanay ko tapos takot na takot na makita ako"

"sino namang nanay ang matatakot sa sariling anak?! edi ayon inintindi ko, Tumira ako don sa kamaganak nila pero hindi masaya, walang anak ung mga yon kaya ako napagdiskitahan. Wag ganon gagawin mo dapat ganyan lang. ganon ganon"

"tawag pa sakin ni Abram non Dogy eh! aso daw ako! sunod sunuran! don naman ako natauhan. Kung bakit hinahayaan ko silang hawakan buhay ko, hinahayaan ko silang magdesisyon sa buhay ko. Ayon eto nako ngayon"

"Wala naman talagang problema sakin pero totoo yatang sakit ung inggit mga pre! pota inggit na inggit ako sa kuya ko kase sya ramdam nyang may nanay sya tapos ako pota parang step mother na kinakawawa ako" natatawang kwento ni Evu

"You know my parents died when i was 4 years old so the parents of Kuya Leo take care of me! But it was just because of request of kuya Leo! my ghod! Did you know guys! If kuya Leo wasn't around they're bullying me! " ang arte talaga ni Abigail

"Ah ung tatay ko wala naman talaga akong pake don. Hindi ko maiwan kasi ang sabi ng nanay ko eh mahalin ko daw potanginang pagmamahal yan masakit na nga sa loob pati sa labas" napalunok naman ako sa sinabi ni Faye

"Ah tinakwil ako ng pamilya ko kasi namatay ung kapatid ko dahil sakin. Alam ko namang nagtataka kayo dahil don sa ano. Sa palagi akong may katext ganon nakiki balita lang ako hehe" si Pev habang nagkakamot ng ulo

Napatingin naman ako kay Ivan?na hindi alam kung magsasalita ba na maglalabas ng sama ng loob

"o ikaw?" mataray kong ani natawa naman sya

"ah ako?ahm okay naman ako hehe." nginiwian ko lang sya

"You know what? Kausapin ko kaya parents ko? Sabihin ko sasama ako sa sainyo kasi hahanapin ko sa sarili ko" ani ni Abram

"Abram" ani ko

"Parang diko kilala eh!" natatawang ani nya

Magsasalita bako?Parang mas dadagdag lang ako sa mga Problema nila. Kaya ko naman to sakin nalang hehe.

So we're all set?going to Quarter Palace?hmm