webnovel

Buhay Ng Isang Super Na Estudyante

Third Person's POV

Kkrriinngg....

Kkrriinngg....

Kkrriinngg....

Kkrrii-tuk

" Wwwaaahhh.... " hikab ng isang lalaki na may black curly hair, maputing balat, may pagka-kapal na kilay, dark brown na mata, pangong ilong, pale lips at oblong na mukha.

" JERICHO!! BUMANGON KA NA AT KAKAIN NA! " sigaw ng isang babae sa lalaking kakagising lang.

Ang sigaw na iyon ay sobrang lakas para sa kanyang enhanced hearing. Isa kasi syang super, ibig sabihin ay may kapangyarihan sya.

" WAIT LANG PO NAY!! " sigaw naman nya.

ang pangalan ng lalaking ito ay Jericho Sebastian Ibarra.

Si Jericho ay 14 years old at nag-aaral sa St. John College na isang private school, sya ay isang grade 9 student. Sya ay isang nerd at lagi syang binu-bully. Hindi nya alam kung nasaan ang kanyang ama at ang kanyang ina na Erica Ibarra ang nag-aalaga sa kanya.

Bumangon na sya at inayos ang kanyang higaan. Pagkatapos ay naligo na sya at nagbihis ng kanyang school uniform. Ang school uniform nila ay puting polo na may bulsa sa left side ng dibdib at doon din nakalagay ang logo ng school, itim na pantalon, black shoes at required na magsuot ng ID, kumuha din sya ng jacket para hindi sya maginawan sa classroom . Kinuha na nya ang bag nya at bumaba na sya para kumain ng almusal.

Pagbaba nya ay pumunta na sya sa kusina nila. Binuksan nya ang TV para manood ng balita at nilakasan ng kaunti ang volume nito.

" Sa Peligroso City ay nagparamdam nanaman ang vigilante na tinatawag ng mga pulis na Shadow. Ayon sa mga nahuling kriminal ay mayroong nangyayaring bentahan ng droga sa lugar at habang nangyayari ito ay diblang nagpakita ang Shadow at pinagbubugbog ang mga taong sangkot doon. Ang Shadow ay hindi pa nahuhuli at kahit ang hero na si Ice Queen at Miss Cat ay hindi pa sya nahuli.

Sa showbiz naman...."

" Ang daming problema sa bansa ngayon anak, kain nalang muna natin yan. Wednesday ngayon kung tatanungin mo ko nak." sabi ng nanay nya.

Umupo na sila at kumain ng almusal. habang kumakain sila ay hindi mapigilan ni Jericho na mag-alala sa kanyang ina. Iniisip nya rin kung ano ang reaksyon nya kapag nalaman ng kanyang ina na sya ay may kapangyarihan. Tinapos na lang nya ang pagkain nya at tumayo at inilagay ang kanyang pinagkainan sa lababo.

" Papasok na po ako ma! " sabi nito sa kanyang ina

" Sige, ingat ka nak! " sabi naman ng nanay nya.

Kinuha nya ang bag nya at umalis na ng bahay nila at naglakad. Habang naglalakad sya ay nakita nya na may mga estudyante na nakangiti at nagtatawanan, sila ang mga popular na estudyante sa school nila, at ang mga bully nya. Saktong nakarating na sya sa high school building.

Umakyat na sya papuntang third floor dahil nandoon ang room nya. Pagkadating nya sa room ay umupo sa upuan nya.

Jericho's POV

Sigurado ako na pati ang mga agent ng S.W.O.R.D. ay pinaghahanap na ang vigilante na si Shadow at hindi nila malalaman na ako iyon. Ako nga pala si Jericho Sebastian Ibarra, isang super na may enhanced senses. Mas malayo kaysa sa normal na tao ang aking nakikita, naririnig at naaamoy, mas malakas ang panlasa ko at ramdam ko ang texture ng isang bagay kapag hinawakan ko ito.

Narinig ko ng palapit na ang mga kaklase ko kaya inihanda ko na ang sarili ko sa pagdating nila. Bumukas ang pinto at pumasok na sila.

" Hoy mga pre! Naunahan tayo ng freak sa room. "

" Oo nga pre... "

Lumabas nalang ako ng room. Nagpipigil lang ako na masapak ang isa sa kanila. Pumunta ako ng Canteen para bumili ng tubig at Marty's na original. bumalik ako sa room at nakita ko na marami ng tao sa room, pero ang ikinagalit ko ay may kaklase ako na kinakalkal ang bag ko.

" HOY! BAKIT NYO KINAKALKAL ANG BAG KO?!! " sigaw ko.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at dibla ko sinapak ang isa sa kanila at ang isa sa mga kaklase kong lalaki ay niyakap ako para pigilan ang gagawin kong pagsugod sa taong sinapak ko. Tumayo naman ang taong sinapak ko na may dugo na sa ilong at sasapakin sana ako pero hindi natuloy dahil sa inawat na din sya. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng room.

Third Person's POV

Pagkalabas ni Jericho sa room ay nagkagulo na ang lahat.

" Guys! Hindi nyo ba alam ang salitang privacy? Kinalkal nyo ang gamit nya syempre magagalit yon. " sabi ng isa sa kaklase ni Jericho, si Roy Sanchez.

" Bakit nyo ba kinalkal ang bag nya? " tanong ng isa pang kaklase nya na si Dino Gonzales.

" Ang totoo nyan eh gusto ko makita ang mga sagot nya sa assignment natin sa math para makopyahan ko ng sagot. " sagot ng kaklase ni Jericho na sya mismong sinapak nito, si Emmanuel Santiago.

" Ano bang laman ng bag nya? " tanong ng isang curious na kaklase ni Jericho, si Tracy Reyes.

Bago pa sumagot si Emmanuel ay bumukas ang pinto at pumasok ang adviser ng klase nila, si ma'am Melanie Mendoza.

Umupo na sila sa kanya-kanyang upuan at napansin ni ma'am Melanie ang dumudugo ang ilong ni Emmanuel.

" Bakit dumudugo ang ilong mo Emmanuel? " tanong ni ma'am Melanie.

" Kasi po ma'am Melanie sinapak ako ni Jericho. " sagot ni Jericho.

" Nasaan na si Jericho? " tanong ni ma'am Melanie dahil napansin nya na wala si Jericho.

" Nagwalk out po ma'am Melanie. " sagot ng presidente ng klase nila na si Amanda Cruz.

" Catherine, hanapin mo kung nasaan si Jericho. " utos ni ma'am Melanie sa isa sa mga estudyante na anak nya rin.

" Opo Ma. " sabi naman ni Catherine Mendoza at umalis na ng room para hanapin si Jericho.

Pinapunta ni ma'am Melanie sa school clinic si Emmanuel para patigilin ang dumudugong ilong nito.

Habang nangyayari ito ay nasa rooftop ng school si Jericho at tahimik na nakaupo sa sahig. Doon pumupunta si Jericho kapag sya ay galit para pakalmahin ang sarili. Dito din sya tumatambay kapag lunchbreak na nila.

May narinig syang mga yabag ng paa at naamoy nya na ang pabango ng babae. Bumukas ang pinto at nakita nyang bumukas ang pinto. Bumungad mula sa pinto ang isang babae na may black straight hair na ang haba ay hanggang dibdib, maputing balat, dark green na mata, matangos na ilong, pink lips at heart shape na mukha.

" Nandito ka lang pala. Hinahanap ka ni Mama at mukhang tatanungin ka Jericho. " sabi ng babae na namukhaan ni Jericho bilang isa sa kaklase nya.

Tumayo sya at kinuha ang bag ko atsaka sumunod sa kanya. Nakabalik na sila ng room at nandoon na ang teacher nila sa TLE class nila, si sir Larry Inocencio.

" Saan kayo nanggaling, Mr. Ibarra at Ms. Mendoza? " tanong ni sir Inocencio.

" Sa rooftop po sir. " sagot ni Jericho

Alam ni sir Inocencio na kapag nasa rooftop sya maliban kapag lunchbreak ay may problema ito o galit ito. tumango nalang sya at ipinagpatuloy ang pagtuturo.

( Time Skip [ After Lunchbreak ] )

Pagkatapos kumain ni Jericho sa rooftop ay bumalik na sya sa klase.

Catherine's POV

Ako nga pala si Catherine Mendoza pero tawagin nyo nalang akong Cat o Cathy. Isa akong super na may kakayahan na maging isang pusa. Ako ay isa sa mga hero dito sa Peligroso City na si Miss Cat.

Tapos na ang lunchbreak at nalaman na ni Mama ang nangyari kaya pinasulat kami sa one whole kung ano ang nangyari. Ang totoo nyan ay nakatulog ako kaya hindi ko alam ang nangyayari at iyon ang sinulat ko. Binigay ko na ito kay Mama at bumalik sa upuan ko para matulog. Napupuyat ako dahil sa mga patrol namin ni Mama na isa ding super. Natapos na ang lahat at binabasa ni mama ang mga nakasulat sa mga papel.

( Time Skip [ After Class ] )

Tapos na ang klase at nauna na akong bumalik sa bahay. Nagawa ko naman na ang assignments ko kaya dumeretso na ako sa basement namin kung saan doon kami nag-ooperate ni mama. Nakatanggap kami ng request mula sa S.W.O.R.D. na hulihin si Shadow, ang vigilante na hindi mahuli ng pulis. Sigurado akong isang super yon kung hindi sya magawang hulihin ng mga pulis. Nag-umpisa na ako sa pagmomonitor para malaman kung saan sya.

" Kakain na Cat! " tawag ni mama at alam ko na nakabalik na sya.

" Opo! " sagot ko.

Umakyat na ko at kumain na kami ng hapunan kasama si papa na isang retired na hero. Pagkatapos ay pumunta na kami ni mama sa basement para ipagpatuloy ang paghahanap kay Shadow.