webnovel

Play for you (Gawong Story) (COMPLETED)

May mga bagay at pangyayari sa buhay natin na pilit nating iniiwasan. Pilit na nating tinatalikuran pero paulit-ulit parin tayong hinahabol ng nakaraan. Bakit ba sadyang mapaglaro ang mundo? Binibigay sa atin ang mga taong hindi natin inaasahan na muling magbibigay ng ngiti sa ating mga labi. Darating ang taong magbibigay kulay sa madilim nating mundo. Magbibigay ng sigla sa mapait na damdamin. Pero ang tanong, ito ba ay pang habambuhay na o katulad lamang din ng iba na dadaan lang sa mga buhay natin upang tayo ay muling wasakin?

Jennex · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
38 Chs

Chapter 18: First day as Couple

Jema POV

"Hmmmm." Nagising ako nang maramdaman na wala na akong katabi sa kama. Wala na si Deanna at tiyak na nasa kusina na ito at nag-aasikaso ng aming agahan bago pumasok sa school.

Napangiti ako sa aking sarili bago napahawak sa sariling labi ng muling maalala ang naging senaryo namin kagabi.

She kissed me. At halos kulang nalang eh, hubaran ko ito kagabi but the good thing is, pinigilan nito ang kanyang sarili mula sa mainit na tensyon na aming nararamdaman.

I still can't believe na ang babaeng pinapangarap ko lamang noon ay girlfriend ko na. Ang babaeng pinapantasya at ini-stalk ko lamang noon sa mga social media ay pag mamay-ari ko na ngayon.

Sa tuwing naiisip ko iyon ay hindi ko mapigilan ang hindi kiligin at maging proud sa aking sarili.

At ngayong araw, ngayon palang magsisimula ang unang araw namin bilang magkasintahan. Kaya naman, excited ako na bumangon mula sa pagkakahiga sa kama upang maligo na at mag-asikaso sa pag pasok.

I can't wait to see her downstairs at salubungin ito ng aking magagandang mga ngiti at halik. Siguro naman hindi na ako nito ngayon tatanggihan pa dahil siya na mismo ang unang gumawa ng first move kagabi, hindi ba?

Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ng kwarto at may nahagip ang aking mga mata na isang nakatuping papel at sa tabi nito ay ang isang tangkay ng red rose. At isang naka hanger na kulay pitch t-shirt.

She's so sweet.

Kagat labing kinuha ko iyon sa ibabaw ng maliit na lamesita at excited na binuksan ito.

'Good morning mahal! Flower for you and please wear this shirt. See you later. I love you!'

Napakunot ang aking noo ng mabasa ang kanyang sulat. Para saan kaya itong t-shirt? At teka nga, ibig ba nitong sabihin maaga siyang umalis at hindi man lamang nag abala na hintayin ako? Hmp. Pero hindi na bale, magkikita naman kami katulad ng sinabi niya hindi ba?

Dahil doon ay lalo lamang akong na excite na makita si Deanna. Kaya naman, dali-dali akong bumaba mula sa kwarto upang magtungo sa banyo nang makapag ligo na ng tuluyan. Hindi na kasi ako makapaghihintay pa na makita ang girlfriend ko. Yay!

------

Panay ang aking pag mura sa sarili nang madatnan ang napaka habang traffic. Ngayon pa talaga kung kailan malalate na ako sa eskwelahan. Isa pa, kating kati na ang mga mata kong makita si Deanna. Hays!

Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating ako sa tapat ng University. Papasok pa lamang ako ng gate ay kitang kita ko na ang nag uumpukan na mga estudyante. Mga hindi makanda ugaga na pumaparoon at pa rito.

Panay ang aking pag busina upang tumabi ang mga ito sa dadaanan ko ngunit kahit isa sa kanila ay wala yatang nakakadinig sa akin. Binge ba sila? Hindi ba nila nadidinig na nagbubusina ako. At bulag ba sila para hindi makita ang sasakyan ko?

"Damn it!" Inis na maktol ko sa aking sarili bago binuksan ang pintuan ng aking kotse at bumaba roon.

Mabilis na nahablot ko ang laylayan ng damit ng isang lalaki na dumaan sa aking harapan. Bahagyang nagulat ko pa yata ito ng makita ang aking itsura.

"J-jema." Utal na sambit nito sa aking pangalan. Napataas ang aking kaliwang kilay.

"Ano bang meron at nagkakandarapa kayo sa pagtakbo?" Tanong ko sa kanya. "Isa pa, wala bang nakakapansin sa akin na dadaan ako at nakaharang kayong lahat sa dadaanan ko?!" Inis na sigaw ko sa mga nakapalibot sa akin.

Kusa naman silang naghawi upang may madaanan ako. "It's too late dahil pina init niyo na ang ulo ko!" Inis parin na sabi ko sa mga ito bago napahinga ng malalim.

Ngunit sa halip na mag walk out ang mga ito, matakot o kung hindi naman ay mainis din dahil sa pinakita kong ugali sa kanila ay binigyan pa ako ng mga ito ng malawak na mga ngiti.

Hindi nagtagal ay kusa na lamang akong pinalibutan ng mga ito, habang may nadidinig din akong tunog ng gitara at pagkatapos ay sabay sabay silang nagsimula sa pagkanta.

'What day is it

And in what month

This clock never seemed so alive

I can't keep up and I can't back down

I've been losing so much time'

Kumakanta ang mga ito ng para bang ang saya saya nila na binibigkas ang bawat lyrics ng kanta. Teka...ano ba talagang meron? Gustong gusto ko ng makita ang Deanna ko. But I don't think, sa dami ng nakaharang sa akin ngayon ay makakadaan pa ako.

Bigla silang napahintong lahat pagkatapos at sabay-sabay na napatingin sa aking likuran na para bang nandoon ang kasunod lyrics.

'Cause there's you and me

And of all people with nothing to do

Nothing to lose'

Bigla akong napalunok at para bang slow motion ang lahat na napa lingon ako sa aking likuran upang tignan ang kumakanta ng linya na iyon.

And there she is. The love of my life, Deanna, singing the chorus of this lovely song for me. Wearing the same t-shirt na suot-suot ko ngayon with her beautiful smile habang ang mga mata nito ay nakatitig lamang sa akin. Na para bang kami lamang ang tao sa mundo, na para bang walang ibang nanonood sa amin. At sa kamay nito, hawak hawak nito ang isang bouquet ng sunflower.

My favorite flower.

'And there's you and me

And of all other people

And I don't know why

I can't keep my eyes off of you'

Humakbang ito papalapit sa akin. Kasunod nito ang aking mga kaibigan na full support sa kanyang ginagawa ngayon habang mayroong mga ngiti rin sa kani-kanilang mga labi. Habang kinakanta ang kasunod na lyrics.

'What are the things That I want to say

Just aren't coming out right

I'm tripping on words

You got my head spinning

I don't know where to go from here'

Napakagat ako sa aking mga labi upang pigilan ang nagbabadya kong pagluha. Dahil sa sobrang saya na nararamdaman. Ini-abot ni Deanna sa akin ang hawak na bouquet na kaagad ko namang kinuha mula sa kanya and I mouthed 'Thank you'.

Sa halip na sagutin ako ay napangiti lamang itong muli bago muling kinanta ang chorus ng kanilang kinakanta para sa akin.

'Cause there's you and me

And of all other people with nothing to do

Nothing to prove'

Hinawakan ako nito sa aking waist at hinila papalapit sa kanyang katawan. Kanya kanya naman ang hiyawan ng mga nakapaligid sa amin. Bigla akong namula noong nilapit niya ang kanyang mukha sa akin bago ipinagdikit ang aming mga ilong. Para bang naduduling na ako dahil sa lapit ng aming mga mukha.

'And there's you and me

And of all other people

And I don't know why

I can't keep my eyes off of you'

Pinagpatuloy pa nito ang pag kanta hanggang sa matapos. Hindi ko alam kung ano ang dapat na i-react dahil sa nangyari at mga ginagawa niya. Basta the next thing I knew, was kissing her in front of these people. With shocked expressions on their faces.

Can you blame me? I can't help it guys! Wala akong masabi, o salita na dapat makapag express ng nararamdaman ko ngayon para sa kanya but to kissed her. She's...really an AMAZING!

Hindi ko alam kung gaano katagal ang ginawa kong paghalik sa kanya. Basta noong sandali na unti-unti kong inilalayo ang aking labi sa kanya ay siya ring biglang pagpito ng guwardya at kasama nito ang Principal habang naka lagay ang kanyang mga kamay sa magkabilaan nitong beywang.

"Oh no." Wala sa sarili na sambit ko bago napa tingin ng dahan dahan kay Deanna.

Natawa rin ito habang iiling-iling na nakatingin sa akin. "Lagot." Para bang joke lang sa kanya na nasa harap lamang ang principal.

"Ms. Wong and Ms. Galanza." Pagturo nito sa amin. "Both of you! Come to my office, NOW!"