webnovel

Play for you (Gawong Story) (COMPLETED)

May mga bagay at pangyayari sa buhay natin na pilit nating iniiwasan. Pilit na nating tinatalikuran pero paulit-ulit parin tayong hinahabol ng nakaraan. Bakit ba sadyang mapaglaro ang mundo? Binibigay sa atin ang mga taong hindi natin inaasahan na muling magbibigay ng ngiti sa ating mga labi. Darating ang taong magbibigay kulay sa madilim nating mundo. Magbibigay ng sigla sa mapait na damdamin. Pero ang tanong, ito ba ay pang habambuhay na o katulad lamang din ng iba na dadaan lang sa mga buhay natin upang tayo ay muling wasakin?

Jennex · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
38 Chs

Chapter 14: Under Her Spell

Deanna POV

Pangiti-ngiti ako habang pinag mamasdan si Jema. Ang cute lang kasi nitong panoorin habang nakakunot ang kanyang noo at hirap na hirap sa pag-iisip habang nag-eexam.

Kung hindi nito kakagatin ang dulo ng kanyang ballpen, ay mapapabuntong hininga atsaka bubusangot.

Ako naman, prenting nakaupo na lamang sa aking upuan. Naghihintay na matapos ang lahat at handa na sa pagpasa ng aking test paper. Kanina pa kasi ako tapos. Hehe.

Narinig ko ang muli nitong pag buntong hininga kaya muli akong nagbaling ng aking paningin sa kanya.

Pasimple ko itong sinipa sa ilalim ng kanyang inupuan para makuha ang kanyang antensyon. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad naman itong nag-angat ng tingin at sinalubong ang aking mga mata.

Sinigurado ko muna na hindi ako makikita ng aming teacher bago pasimpleng inilaglag sa kanyang harapan ang isang maliit na bahagi ng papel kung saan doon nakasulat ang iilang sagot sa aming exam.

Masisisi niyo ba ako? Eh nakakaawa na kasi eh. Isa pa, ewan ko ba? Ayaw na ayaw kong nakikita na nahihirapan ito.

Nagtatanong ang mga mata na napatingin ito sa akin. Isang gawad na ngiti lamang ang ibinigay ko rito. Napatikhim rin ako bago muling napatingin sa harap upang hindi makahalata ang aming teacher na nasa harapan lamang ng klase.

Iiling iling na muling ibinalik nito ang maliit na bahagi ng papel sa aking silya. "No. It's fine." Pasimple na bulong nito bago muling ibinalik ang kanyang atensyon sa pag-eexam.

Hinayaan ko na lamang din ito at hindi na namilit pa. Baka mamaya may makakita pa kung ibabalik ko pa sa kanyang muli iyon. Lihim na napadasal na lamang ako na sana ay matapos na ito sa kanyang ginagawa upang hindi na mahirapan pa.

------

Ilang sandali lamang din ay natapos na nga ito. Kasunod naman na natapos ay ang iba pa naming kaibigan kaya nagpasya kami na ipasa na ang aming test paper kahit na hindi pa natatapos ang lahat.

Pagkatapos ng aming exams ay masayang nagplano ang aming mga kaibigan na lalabas ngayong gabi. Bilang celebration dahil sa wakas, nairaos din namin ang unang quarter ng taon.

Mabilis na tumanggi si Celine at sinabing may iba itong lakad at pupuntahan. Nagtataka man ay kaagad naman na pumayag sina Alyssa.

Sabay sabay ang mga itong napatingin sa amin ni Deanna. "We're in." Mabilis na wika ni Jema. "Text me the time and address." Cool na sabi nito bago ako hinawakan na ng marahan sa braso para hilain papalabas ng classroom.

Masayang nakipag aper naman si Bea kay Kyla. Habang si Alyssa naman ay tatawa tawa sa kanyang upuan. Napa dako ang aking mga mata kay Celine bago pa man tuluyang makalabas ng aming classroom.

Malungkot ang mga mata nitong sinusundan lamang ng tingin si Jema. Teka..nagkaroon na naman ba sila ng tampuhan? Mukhang hindi na naman kasi sila nagpapansinan eh. Hayyyy.

Pilit na inalis ko na lamang iyon sa aking isipan at mas binigyan ng pansin ang babaeng hawak hawak ang aking kamay ngayon papunta sa kung saan.

Napa ngiti ako. Napansin ko kasi na base sa hagdanan na tinatahak namin, eh nasa ika-limang palapag na kami ngayon, kung saan papunta sa rooftop ng Administration building ng aming University.

At hindi nga ako nagkamali nang tuluyang bitiwan nito ang aking kanang kamay at huminto kami sa rooftop kung saan matatanaw mo ang buong University at pati na rin ang magandang papalubog na, na araw.

"Wow." Iyon lamang ang tanging nasabi ko habang nakatingin sa papalubog na araw. Medyo may kalakasan ang hangin dito sa itaas kaya ipinikit ko ang aking mga mata upang lumanghap ng sariwang hangin.

"Nagustuhan mo ba dito?" Kahit nakapikit ako, alam kong nakatingin ito sa buong mukha ko.

Napatango ako bago muling ibinukas ang aking mga mata. "Oo. Nakaka relax sa isipan. At napaka ganda ng view." Masayang sabi ko rito.

"Bakit mo nga pala ako dinala rito?" Dagdag na tanong ko pa.

Napatingin ito sa malayo na tila ba nag-iisip at naghahanap ng tamang sagot sa aking katanungan.

"Sabihin nalang natin na, gusto kitang masolo?" Sagot nito bago muling ibinalik ang mga mata sa akin. Napa ngiti ito ng nakakaloko.

Pero ngayon, ewan ko ba kung bakit tila ba parang ang sarap sarap nitong titigan pabalik sa kanyang mukha. At tila rin ba hindi na ako masyadong naiilang sa kanya. Hindi kagaya ng dati na para akong hinihigop ng kanyang mga mata sa tuwing tititigan ko siya.

Mas naging maganda pa ito sa aking paningin ngayon dahil tumatama ang sikat ng papalubog ng araw sa mukha niya. Iyon yata ang tinatawag nilang sun-kissed.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nagkatitigan dahil bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Ang init-init ng panahon tapos biglang bubuhos ang malakas na ulan?

Kaagad ko itong hinila papunta sa may pwede naming masilungan nang pigilan ako nito sa aking kamay.

"Jema, mababasa na tayo. Halika na!" Pagyaya ko rito. Ngunit nakatayo lamang ito habang nakatitig sa aking mga mata. At basta na lamang ako hinila palapit sa kanya.

Dahil doon ay hindi ko mapigilan ang hindi mapalunok. Dahil noong oras din na iyon ay wala akong ibang nakikita kung hindi ang kanyang mapupulang mga labi lamang.

Aywan ko ba? Kahit na nararamdaman ko na mismo ang unti-unting pagbasa ng tubig ulan sa amin at sa aking damit, ay hindi ko iyon pinansin. Bigla na lamang din akong nakadama ng sobrang pagka uhaw, na para bang nanunuyo ng sobra ang aking lalamunan at napapalunok na lamang ng maraming beses.

Ano bang nangyayari sa akin?

"Jema, magkakasakit tayo sa gawa mo. Halika na. Basa na tayo." Muling pag aya ko rito bago napaiwas ng tingin mula sa kanyang mukha.

"Exactly, basa na tayo ng ulan kaya what's the point para pa sumilong?" Wika nito bago napalunok habang nakatingin sa aking mga mata.

Iyong tingin na masasabi mo itong masaya. Iyong masayang masaya.

Parang kanina lang problemado ito sa exam, ngayon naman parang mabura na iyon lahat. Sabi ko sa aking sarili.

"Nababasa na tayo ng sobra ng ulan ang saya saya mo pa." Sambit ko bago napailing. "Wag mo nga akong tignan ng ganyan." Saway ko pa. Kung tignan kasi ako nito, ang lagkit lagkit.

Parang kinikiliti ang sikmura ko kapag ganon siya tumingin sa akin. Hayyyy. Ano ba itong pakiramdam ko?

Natawa lang naman ito bago napakagat sa kanyang mga labi. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapatitig roon. "Sorry, I can't help it."

Nagtatanong ang mga mata na, napatingin ako rito. "I remember someone." Muling wika nito sa akin.

"I remember the day when I first see her face. Ganito rin iyon, papalubog na rin ang araw, mainit ang panahon, tapos biglang bumuhos ang malakas na ulan." Tila ba nagnining ning pa ang mga mata na sabi nito habang nagkukwento.

Napaiwas ako ng tingin bago napahinga ng malalim. "May naalala ka lang pala na tao tapos idadamay mo pa ako." Bulong ko sa sarili bago ito tinalikuran na.

"Hey! Where are you going? Nag-eenjoy palang ako. Pamira ka naman ng moment." Pagmamaktol nito habang nakasunod sa aking likuran.

Hindi ko ito pinapansin hanggang sa makababa na nga kami ng tuluyan mula sa rooftop. Malakas parin ang ulan hanggang ngayon kaya, kahit may sinasabi ito hindi ko parin iyon masyadong madidinig hanggat hindi niya iyon isinisigaw sa akin.

Hanggang sa makarating at maka uwi kami sa bahay ay hindi ko ito kinikibo. Buong biyahe ay tahimik lamang akong nakatingin sa labas ng bintana at hindi man lamang nagsalita kahit na isang word man lamang.

Nakakatabinging katahimikan ang bumalot sa amin bago tuluyang binuksan ang pintuan ng kanyang kotse at bumaba mula roon.

Pagbaba ay padabog ko itong isinara at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay. Hindi na rin ako nag-abala pang hintayin o lingunin ito.

Susunod naman yan. Sabi ko sa aking sarili.

Hindi na naka lock pa ang main door kaya alam kong nakauwi na rin ang inay mula sa eskwelahan. Pagdating sa sala, kabababa ko pa lamang ng aking bag sa sofa ng bigla ako nitong hawakan sa aking balikat at pilit na iniharap sa kanya.

Hindi ko alam na nasa likuran ko na pala agad siya. Ang bilis niya naman.

"Teka nga! Galit ka ba sa akin?!" Singhal nito bago na meywang pa sa aking harapan.

Sinubukan ko itong tignan sa kanyang mukha ngunit mas nakikita ko ang bakat nitong bra mula sa manipis na tila ng suot nitong blouse dahil sa nabasa nga kami pareho ng ulan.

Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot sa tanong nito. Basta ang alam ko, naiinis akong malaman na may iba siyang naaalala o naiisip na ibang tao kahit na kami naman ang magsakama.

Naiinis akong isipin na, ako nga ang kasama nito pero lumilipad pala sa iba ang kanyang isipan. Ang unfair lang! Ang buong akala ko ako lang ang palagi niyang iniisip. Atsaka, akala ko ba gusto niya ako?!

"Wag mo ng itanong dahil hindi ko naman sasagutin." Pagsusungit ko rito. Atsaka tatalikuran na sana itong muli nang muli na naman ako nitong pigilan.

Pero sa hindi inaasahan ay bigla naman akong na out of balance at bumagsak sa sahig. Ang hindi ko nga lang inaasahan ay nahila ko rin pala ito sa kanyang damit ngunit dahil sa gulat at hindi rin inaasahan kagaya ko ay nabagsak din ito kasama ko, kung kaya't nasa ibabaw ko na siya ngayon.

Patay na! Saway ko sa aking sarili.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa kanyang mukha na napaka lapit na sa akin. Itutulak ko na sana ito ng mas lalo pa nitong inilapit ang kanyang mukha sa akin. Iyong tipong isang galaw ko nalang ay maglalapat na aming mga labi.

Awtomatikong napalunok kami pareho habang nakatingin sa labi ng isa't isa. 'Yong tingin sa nakikita ko sa mga mata nito, ay tingin ng pananabik at uhaw?

Ang lakas lakas ng pintig ng puso ko na para bang sasabog na. Ganoon din ito dahil nararamdaman ko iyon sa bigat ng kanyang paghinga.

Hanggang sa unti-unti ko na lamang naramdaman ang mas papalapit na labi nito sa akin. Habang ako naman ay hinihintay na lamang din ang susunod nitong gagawin.

"Ehem!"

Kapwa kami nagulat at napabalikwas ni Jema ng may marinig kaming na patikim. Kusang naghiwalay ang aming katawan sa isa't isa at nakita roon sa may main door ang nakatayo, habang nakangisi na si...Ponggay.

"Oh! Sorry...am I interrupting something?" Tanong pa nito.

Dahil doon ay hindi ko mapigilan ang hindi mapamura sa aking sarili. Ganoon din si Jema na ngayon nga ay napaka sama ng tingin kay Ponggay bago dismayadong nag walk-out at umakyat na sa kwarto.

Si Ponggay kasi eh. Andoon na eh. Hahahahahaha

Jennexcreators' thoughts