109 Gusto kang makita ng 9th master

Translator: LiberReverieGroup Redakteur: LiberReverieGroup

"May magandang kasabihan na sinasabing: ang kaaway ng kaaway mo ay kaibigan mo! Isipin mo iyon ng mabuti. Kung gusto mo, mangyayari ang panahon na si Song Zi Hang, na iniwan ka ng di man lang konsensiya ay kaya kong paibigin sayo, at ang mga mata niya'y sayo lamang nakadikit! Syempre kung gusto mong i-delete ko yung post, okay lang naman sa akin." Umalis si Ye Wan Wan, may tiwalang maaakit ng kanyang sinabi si Jiang Yan Ran.

Tinitigan ni Jiang Yan Ran ang papalayong si Ye Wan Wan. Gayundin, di pa siya nagtitiwala kay Ye Wan Wan, inamin niya sa sarili na tunay n kapani-paniwala sinabi ni Ye Wan Wan!

Ang di niya matanggap ay ang katotohanan na di sya minahal ni Song Zi Hang simula pa lang at kahit hanggang ngayon. Ang kina-gagalitan niya sa lahat, ay ang panloloko at kasinungalingan ni Shen Meng Qi.

Gusto niyang pagsisihan ni Song Zi Hang ang kanyang desisyon! At ang panahon na babayaran ni Shen Meng Qi ang kasakiman niya!

Sa Gayon, di niya nga lang alam kung pano gawin iyon ng mag-isa lang. Kung alam niya noon, di siya mapupunta sa ganitong estado.

Ye Wanwan, mapagkakatiwalaan ba kita..?

...

Pagtapos ng kanilang pag-uusap ni Jiang Yan Ran, bumalik si Ye WanWan sa dormitoryo, itinanggal ang make up, naglagay ng facial mask sabay naligo.

Nahiga siya sa kanyang higaan, iniisip pa din kung ano ang plano niya sa lalaking iyon.

Sa katunayan, wala namang pagkakaiba kay Si Xia at Ling Dong, diba? Baka, kapag nagiging totoo ako sa nararamdaman ng puso ko, di masyadong nangingialam si Ye Han?

Kinuha ni Ye Wan Wan ang phone niya habang nagiisip

Nung kukunin tatawagan niya pa lamang si Ye Han, ang phone ay biglang nag-ring at napatalon siya sa gulat.

Nang makita niya ang incoming call display, mas lalo siyang nagulat sa nakita niya.

Si Xu Yi ang tumatawag!

"Hello, Miss Ye?"

"Housekeeper Xu, may problema ba?" Tinanong ni Ye Wanwan.

"Miss Ye, nais kang makita ni 9th master."

Kumalabog ang puso ni Ye Wanwan, "Nasaan siya?"

"Nasa Jia Lan Bar. Nasa school gate na rin ako, magkita tayo sa usual spot natin." Inireply ni Xu Yi.

Huminga ng malalim si Ye Wan Wan, "Osige, paalis na ako."

Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, di na siya nag atubili pa at hindi na nakapag ayos ng gamit. Nagbihis lang siya at mabilis na umalis.

Parang ganun din sa una niyang buhay. Kahit saan man siya, kahit anong oras o lugar, pag gustong makipagkita ni Si Ye Han, nagmamadali siyang makita ito.

Sa totoo nga, kapag gustong makipagkita ni Si Ye Han, wala naman masyadong nangyayari. Madalas, pagkarating niya doon, busy si Si Ye Han sa mga gawain habang siya nakaupo basta't nakikita siya ni Si Ye Han.

Minsan, tinatawag niya si Ye Wanwan para titigan at hinhayaan siyang bumalik kung saan siya galing; nakakalungkot ang ganitong pagtrato.

Naisip niya ngayon, sa bawat pagkakataon na pinapunta siya doon ni Si Ye Han, dahil bad mood siya at minsan mas malala pa. Kapag lamang andoon si Ye Wanwan napapakalma niya si Si Ye Han.

Bad mood si Si Ye Han ngayon?

Bakit naman kaya?

Kung kaugnay ang mood niya sa nangyari nung araw na iyon, nararamdaman ni Ye Wanwan na may masamang mangyayari...

Mabigat ang pakiramdam ni Ye Wan Wan pagkapasok ng kotse. Tinanong niya kay Xu Yi kung sino ang nagmamaneho. "Bakit naman niya ako pinapapunta agad? May nangyari ba?"

Nagulat si Xu Yi kay Ye Wan Wan noong unang tingin pa lamang. Wala siyang makeup, nagsuot ng simpleng puti na bestida at ubod ng ganda at hindi niya matanggal ang kanyang mga mata sa tunay na kagandahan nito. Napakaputing balat at mala-dyamante na mga buto, kasing ganda ng white lotus flower...

Bumalik sa katinuan si Xu Yi at sinabing, "Sorry Miss Ye, di ko din alam kung sino nagmamaneho. Alam mo naman ang 9th master; Sumusunod lang ako sa utos niya!"

"Kamusta naman ang mood niya ngayong araw?" tinanong ni Ye WanWan

"Ah.. eh." nanahimik na lamang si Xu Yi.

Base sa reaksyon ni Xu Yi nag buntong hininga na lamang si Ye Wanwan at tinanggap ang kanyang kapalaran. Alam niya na ang sagot sa kanyang tanong.

avataravatar
Nächstes Kapitel