webnovel

Pahiram si misis Part63

Wala nga pala kong number ni Kep-kep! Ako lang pala nagbigay ng numero sa kanya pero siya'y hindi!

Paano ko matatanong ang babaing iyon kung tumawag si Shine sa kanya?!

Nyeta!

Teka!

Bigla kong tiningnan ang out-going call sa cellphone ko, tinatawagan ko nga pala si misis kanina habang nasa unit niya ko!

Putang ina!

Putang ina!

Nasagot ni misis ang tawag ko kanina!

Putang ina!

Malamang ay narinig niya ang usapan namin ni Kep-kep kanina! Kaya malamang na bigla siyang tumawag at nagpaliwanag sa akin kung saan siya tumutuloy?!

Mukhang dumidiskarte si misis upang hindi ko mahuli?!

Naloko na!

Nag-isip ako ng panibagong plano, hindi lang dapat sa Sabado ko manmanan si misis! Bukas na bukas din ay magmamasid ako sa opisina ni misis!

Ngayon ko naisip na kung magaling akong magpalusot ay mukhang ganoon din si misis?! Kailangang maging maingat sa aking mga galawan dahil baka mas maingat pa sa akin si misis pagdating sa taguan ng sikreto!

Nang makapag-isip ako ng magandang plano ay naghanda na kong matulog ng maaga dahil kailangan kong bumalik sa opisina misis bukas upang magmatyag.

Upang mapadali ang pagtulog ko ay kumuha muna ko ng maiinom na alak at tumungo sa kwarto.

Inilapag ko sa lamesita ang baso at alak sa aking tabi at nagsimula akong uminom, sa aking paglagok ay matama kong pinaplano ang mga dapat ko pang gawin kay misis upang mahuli.

Sa aking pag-iisip ay napapatingin ako sa pader ng aming kwarto, hanggang sa bigla kong mapansin ang inilagay kong hidden camera na nasa itaas ng cabinet na nakatutok sa aming kama.

Hindi ko alam pero tila may nagtutulak sa akin na panoorin ang video na-record sa hidden camera, upang malaman kung ano nga ba ang ginawa ni misis habang ako ay natutulog ay napagdesisyunan kong panoorin ang video.

Kinuha ko ang aking laptop at isinaksak ang memory card ng hidden camera…

Masyadong mahaba ang na-record ng hidden camera na puro kama lang namin kaya naman fast-forward ko agad sa tagpong nasa kama na kami ni misis.

Fast-forward ko pa ulit ng kaunti hanggang sa puntong nasa pag-iyot ko na kay misis sa pwit ang eksena hehehe, sa aking panonood ay muling nanariwa sa akin ang dating nagbigay sa akin ng karangyaan at kasikatan.

Napaisip tuloy ako kung sino-sino ang nakapagtabi ng aking magandang performance na nagpainit sa aking mga tagahanga at tagasuporta.

Ilang taon ko ring naranasan na sambahin ng mga taong tago ang pangarap pagdating sa kamunduhan, ako ang naging tagapagpatupad ng kanilang mga pangarap sa mundong kanilang pinapantasya.

Wala naman akong nakitang kakaiba sa video namin ni misis kaya binalak ko ng ihinto ang video pero tila may bumulong sa akin na i-fast-forward ko ulit ng bahagya…

Sinubukan kong i-fast-forward ng bahagya ng biglang lumitaw sa video na hubo't hubad na bumabalik sa kama si misis?!

Nagtaka ko sa eksenang iyon dahil alam kong hindi naman nakahubo't hubad si misis kahit sa tagpong kinantot ko siya sa puwit, kaya ginawa ko ay ibinalik ko ng bahagya ang kuha ng video hanggang sa puntong magkatabi kaming natutulog.

Sa tagpong iyon ay minabuti kong panoorin upang malaman kung bakit nakahubo't hubad si misis na pabalik sa kama.

Sa video na kung saan ay magkatabi kaming natutulog ay biglang kumilos sa pagkakahiga at biglang umupo sa gilid ng kama si misis, ilang segundo lamang ang kanyang tinagal sa pagkakaupo at bigla itong tumayo at lumakad palabas ng kwarto.

Naging matagal ang pagbalik ni misis sa kama pero hinintay ko pa rin sa video ang kanyang pagbabalik sa kwarto.

Halos umabot ng 20 minuto ang tinagal ni misis sa pagbalik sa kwarto at…

Tang ina!

Bakit hubo't hubad ng bumabalik si misis?

Pinanood kong mabuting ang tagpong iyon at bigla akong nagulat sa sumunod na nangyari!

Bakit tila hindi normal ang paglalakad ni misis?

Nang tingnan ko pa at i-zoom ang eksena iyon ay nakita kong hawak-hawak ni misis ang kanyang kiki!

Tang ina!

Ano kaya ang nangyari kay misis at tila may iniinda sa kanyang kiki?! At bakit hubo't hubad siyang bumabalik sa aming kwarto?

Tila nakaramdam ako na may dapat akong hanapin sa oras na iyon! Kaya naman inihinto ko ang panonood ng video sa laptop at mabilis kong tinungo ang banyo.

Sa loob ng banyo ay may isang bagay akong hinahanap ngunit hindi ko matagpuan, pumunta pa ko sa lugar kung saan pwedeng makita ang bagay na iyon pero bigo akong makita!

Tang ina!

Bakit hindi ko makita ang nighties na suot ni misis kagabi?!

Tang ina!

Heto na naman at unti-unti akong napapaisip ng masama kay misis na possible niyang ginawa habang ako ay natutulog!

Kahit anong gawin kong hanap ay hindi ko natagpuan ang nighties ni misis!

Isa na naman sa iisipin ko kung saan napunta ang nighties ni misis na suot lamang niya kagabi.

Tang ina Shine!

Ano nga ba talaga ang tinatago mo sa akin Shine?!

Ayokong mag-isip pero, puta naman heto na naman ang sitwasyong nakakapagduda!

Nyeta!

Mahuli lang talaga kitang puta ka!

Huminga ko ng malalim at kinalma ang sarili, walang mangyayari sa galit ko kung walang matibay na ebidensiya kay misis!

Kung talagang may tinatago sa akin si misis ay siguradong mahuhuli at mahuhuli ko rin siya!

Bumalik na ko sa kwarto at hindi na itinuloy ang panood ng video, ikakasira ko lang ng ulo kung iisipin ko pa lalo kung bakit ganoon ang itsura ni misis ng bumalik sa kwarto!

Lumagok na lang ako ng alak at ng maramdaman kong solve na ko sa alak ay humiga na ko at natulog…

Maaga kong nagising at alas-sais pa lamang ng umaga ay nasa byahe na ko papunta sa opisina ni misis.

Pasado alas-siyete ng umaga ay nasa medyo kalayuan ako ng building nina misis upang magmatyag.

Marami na ang mga empleyadong pumapasok kaya naman mas naging mapanuri ako sa pagdating ni misis at baka ito ang tagpong ihahatid siya ni kano?!

Sa pagmamatyag ko ay biglang dating ni misis!

Pusang-gala!

Hindi ko inaasahan na makikita ko si misis lulan ng isang kotseng pula!

Nakita kong bumaba si misis!

Malamang ay ito na ang kano na kalaguyo ni misis!

Pero…

Teka!

Teka!

Anong ibig sabihin nito?!...

Nächstes Kapitel