webnovel

Chapter 99: Leave

"Wag ka ngang mapilit Joyce! Sige!. kung gusto mo talagang sumama na sa daddy mo.. ngayon palang, umalis ka na.." galit na ani mama sa akin. Nagtanong lang naman ako kung pwede na ba akong pumunta kila daddy. Tutal pumayag naman sya sa usapan nila noong nakaraang araw. Bakit bigla syang sumisigaw?. Malumanay naman ang boses ko pero daig nya pa makipag-away sa may kanto.

"Ma, ano yan!?.." dumating si kuya Rozen sa silid nina mama kung saan ako pumasok kanina. Nakatayo sya sa tabi ng pintuan kung saan papasok sa banyo ng silid nila. Si kuya Rozen naman. Nagtatakang tumingin sakin.

"Yan!.. gusto raw pumunta sa babaero nyang ama.." tinuro na nya ako.

Nanlaki ang mata ko't unti unting tinutubuan na ng galit.

"Hindi po ganun si daddy.." giit ko.

Namaywang sya't di makapaniwalang dinuro ako. "Talaga ba?. Sige nga.. Kung hindi sya babaero, bakit iniwan nya kayo ng mommy mo, ha?.."

"Ma, ano ba?.." pigil ni kuya Rozen sa kanya. Nilapitan ito at humarang sa pagitan namin dalawa.

Di ko alam kung bakit bigla nalang nag-init ang mukha ko. Umakyat yata lahat ng dugo sa ulo ko. Kinuyom ko ang mga palad sa pagpipigil ng galit.

"Umalis ka na rito.. tutal malas lang naman dala mo.." she murmured this na kahit sobrang hina nang pagkakasabi nya ay nadinig ko pa.

"Mama!.."galit na suway ni kuya sa kanya. Namaywang sya sa harap ni mama saka malakas na nagpakawala ng buntong hininga bago pagod na humarap sa gawi ko.

"Joyce, balik ka nalang sa silid mo.." humakbang sya palapit sakin. Hahawakan sana ang magkabila kong balikat upang tulungang lumabas. Subalit, nagmatigas ako't hindi gumalaw.

"Ano po?.." gumaralgal na ang himig ko't agad nag-unahan ang maiinit na likido sa pisngi ko.

Iyon lang siguro ang hinihintay kong marinig mula sa kanya. Ang katotohanan kung bakit nya ako binigay kay mommy. Anak mo tas basta mo nalang ibibigay?. Psh!. Reasons!. God damnnnnn reasons!!.

"Kaya po ba---?.." suminghot ako't hinawi di kuya sa harapan ko. Hinaharangan ang paglapit ko kay mama. "Kaya mo po ba ako binigay kay mommy dahil malas po ako?. ganun po ba ma?.." pumikit ako sa sakit na dumaan sa aking lalamunan. Parang may dumaan na matulis na patalim sa aking dibdib dahilan para kumirot ito.

Humagulgol ako sa harap nya. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay, nakikita ko pa rin kung paanong parang wala lang ang pag-iyak ko sa harapan nya. Balewala lang ako sa kanya. Marahas kong pinunasan ang mga pisngi kobago nagpatuloy. "Kung ganun po pala--.." nagpakawala ako ng isang mahinang hikbi. "---bakit nyo pa po ako binuhay pa sa mundong ito?.." nag-iwas lamang sya ng tingin sakin. Muling humarang so kuya Rozen sa harapan ko. Noon lang rin dumating si kuya Ryle kasama ni Denise. Agad nilang nilapitan si mama habang masamang nakatingin sakin.

Nanginginig ang labi ko sa dami nang gustong sabihin. Sa dami ng mga iyon, hindi ko na alam kung sino sa kanila ang dapat kong unahin.

Ang sakit marinig ang manggaling mismo sa kanya na malas ako. Na kinamuhian nya ako nang dahil lang sa ganun. Hindi ko matanggap na ganun pala ang tingin nya sakin noon pa. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit, alam nya palang malas na ako ay itinuloy nya pa rin ang buhay ko?. Gusto kong isumbat lahat sa kanya ang masasakit na pinagdaanan ko subalit mukhang sarado na ang puso't isipan nya upang pakinggan ang salita ko. Paano naman ako magpapaliwanag kung wala pa man akong sinasabi ay, galit na sya sakin. Paano ako haharap sa kanya kung sa paningin pa lang nya ay estranghero na ako. Dinaig ko na pala ang isa sa bigat nang damdamin ko.

Walang isinagot si mama. Hinintay ko. Naghintay ako. Pero wala. Tanging iling nya lang ang nakikita ko.

Kagat labi akong tumungo bago nakayukong umalis sa lugar nila. Nakakapaso ang katahimikan nila. Hindi ko sila mahawakan o maabot sa sobrang layo nila.

Tinawag pa ako ni kuya Rozen. Hinabol, subalit huli na, dahil sinaraduhan ko na sya ng pintuan. Nasasaktan ako sa tuwing sinasaktan ko sya kahit wala naman syang kasalanan.. Pwede pala yun noh?. Ang manakit nang di mo sadya?. Hindi ko sila kayang saktan. Kung pwede nga lang poprotektahan ko sila para lang wag masaktan. Pero tangina!. Hindi pala madali!. Ayoko silang nakikitang nasasaktan, sapagkat alam ko ang pakiramdam noon ngunit simula palang pala, nasasaktan na sila.

Ngayon ko nakikita ang halaga noon ng mga taong hindi ko pinahalagahan. Ngayon ko rin naintindihan si mommy. She once said that, we can't force them to choose us. She's pertaining to daddy that time. Noon, di ko makuha ang punto nya. Ngayon, daig ko pa ang baliw sa kakangiti dito. Natanto kong hindi ko pwedeng ipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin, una palang.

Agad kong inayos ang mga gamit ko. Aalis ako mamaya. Hindi na magpapaalam sa kanila. Ano pang saysay diba?. Pero saan ako pupunta naman ngayon?. Masakit sa ulo ang mag-isip. Kay Lance ba o kay daddy na?.

Dumating ang tanghalian. Hindi na naman ako kumain. Galit ako at sarili ko ang pinaparusahan ko. Tsaka, di naman sila nagtawag pa.

Kaya nagdesisyon na akong umalis na talaga. Lumabas ako ng bahay nang may lakas ng loob. Wala akong direksyon na pupuntahan pero patuloy pa rin ako sa paglalakad.

Nächstes Kapitel