webnovel

Chapter 97: Forgive

Kinaumagahan. Pagmulat ko ng aking mata. Bulto agad ni kuya Ryle ang bumungad sakin sa silid. Nakaupo sya sa upuang nasa table study. Sa labas ng bintana sya nakatingin. Malayo na para bang may nakikita syang hindi ko nakikita doon.

"Kuya.." pagtataka kong tawag sa kanya. Inayos ko ang magulong buhok at damit eksaktong pinagalaw nya ang upuan nya paharap sa akin.

Kaharap ko na sya ngayon pero hindi sya umimik o ngumiti man lang. Poker face habang nakatitig sa akin.

"Good morning.." bati ko. Nginitian ko sya kahit na hindi nagbabago ang kanyang itsura. Nakatitig lang sakin. Walang bakas nang kahit anong emosyon.

"Sorry, nalate na akong nagising.. baba na ako.." tumayo ako't inayos muna ang higaan. Pumasok ako ng banyo upang maghilamos lang saka lumabas muli. Nadatnan kong nasa malayo na naman ang kanyang tingin. "Kuya, anong gusto mong kainin?.." I tried hard not to break down my voice. Not to cry also but darn it! My eyes are swelling again. Agad akong tumingala taliwas sa direksyon ng tinitignan nya.

Hinintay ko ang sagot nya pero wala. Nawawalan ako nang pag-asang huminga. "Maiwan ka na muna rito kuya.. baba na ako.." masigla kong paalam sa kanya. Not telling him how my heart aches right now.

"Don't leave.." noong una. Nalito ako. Napahinto ako sa paglakad palabas at muling humarap sa kanya. "Stay here.." wala akong ideya sa kung ano ang tinutukoy nya. Kung ang pagbaba ko ba ng silid o may iba pa. Kumunot lang ang noo ko't nagpaalam na.

"Kailangan ko pang magluto kuya. " nalilito kong sagot. Bumuntong hininga sya't sumang-ayon rin.

Kaya nang bumaba ako. Iyon pa rin ang iniisip ko. Hanggang sumapit ang tanghalian at hapunan ay hindi iyon nawala.

Dumaan pa ang mga araw at gabi. Lagi ko syang nadadatnan sa silid ko sa tuwing umaga. Kung hindi sya, si kuya Rozen naman. I once asked kuya Rozen bakit sila lagi sa silid ko. He just said na trip lang daw nila. Sa kalituhan ko. Nagkibit balikat na lamang ako.

Kuya Rozen talked to me like nothing's changed. But kuya Ryle, is avoiding me. He really does dahil kahit kausapin ko sya tungkol sa maliit na bagay, tinititigan nya lang ako. Walang sagot kahit man lang tango.

Iniisip ko na ganun sya dahil sa nangyari noong nakaraan. Sana maisip nya na mali sya. Na maling humusga ng tao base lamang sa isang opinyon. Sana nga. Ganun iyon.

"Joyce, malapit na enrollment.." kuya Rozen informed me. Nabasa ko nga iyon sa post ng school page.

Kaso, paano ako mag-eenroll ngayon?. Di ko nga alam kung papayagan nila akong sa Cagayan muling mag-aral o hinde na.

"Wala pang sinasabi si mama, kuya.." sagot ko. Mama, became so quiet this past few days. Lagi syang tulala at malungkot. Minsan pa nga, umiiyak sa tuwing naiisip si Ali. Kamusta na kaya sila?.

"Ask her.." he suggested. Umiling ako. Baka lalo syang mastrees kapag sinabi ko pa ito. Kaya wag nalang siguro. But Joyce, saan ka mag-aaral kung di mo sya tatanungin?.

"Uuwi kami doon this coming week for our board exam.. you wanna come?.." alok nya.

"Pero paano si mama?.." tanong ko. Nag-aalala sa kalagayan nya ngayon.

"Isasama natin sya.." anya.

Magandang ideya nga yun. Umoo ako't bahagyang nabuhayan ng loob.

But the upcoming days is really surprising.

Daddy came to our house para kausapin muli ako. Wala na akong ibang maisip na dahilan para tanggihan sya. Kanina pa sya naghihintay sakin na para bang napapagod na.

Umupo ako sa sofa. Sa kaliwang banda kung saan sya nakaupo na. Umalis sina mama at kuya Ryle. Si kuya Rozen lang ang nandito kasama ko.

"Anak." una nyang sabi. Di ako nagsalita.

"I'm sorry. " he continued.

"You're sorry for what dad?.." di ko mapigilan ang maging sarkastiko sa kanya. Sa totoo lang. Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Nagtatampo lang ng madiin.

"For leaving you behind.."

"Buti alam mo po?.." ngiwi ko.

"Look.. I'm so sorry dear.. daddy is crazy over things you know.. your mommy can't give me.."

"So that's it?. Kaya po ba kayo naghanap ng iba to satisfy your needs. "

"No hija.. it's not that.. I mean.." hindi nito natapos ang sasabihin nang unahan ko sya.

"Minahal ka ni mommy, dad but why?. Bakit kung kailan ka namin kailangan, duon mo pa kami iniwan?.."

Yumuko lang sya sa magkasalikop nyang palad saka umiling. "I didn't mean to hurt you and your mommy.."

"You already did daddy.. I'm hurt and still hurting because mommy is forever gone." malungkot kong sambit.

Gumalaw sya at biglang lumuhod sa harapan ko. "I'm sorry hija.. please forgive me.." hinawakan nya ang mga kamay saka yumuko sa may paanan ko.

Pinag-isipan ko na ito kagabi pa. Na kung sakali mang darating sya at hihingi ng tawad sakin. I should forgive him. Para makamove on na rin ako sa dramahang ganito. Napapagod na ako't gusto na nang tahimik na buhay.

"Daddy, please stand up.." pilit kong hila ang braso nya pero masyado syang malaki para buhatin ko. Ang bigat nya. Malaking tao e.

"Forgive me please.."

"Pinapatawad na po kita.. tumayo na po kayo riyan.." doon lamang din sya tumayo at tumabi sakin bago ako niyakap.

"Thank you hija.. thank you.. o dear.. I miss hugging you this way.." he muttered.

"I miss you too, dad.." may luhang nahulog galing sa kanan kong mata nang maalala ang ganitong eksena kasama noon si mommy. But this time. Kami nalang itong magkayakap. Pinapatawad ang isa't isa.

"I promise not to hurt you again.." he suddenly said.

"Dad, wag ka ng mangako please.." malungkot kong ngiti sa kanya. Nginitian nya rin ako bago pinisil ang pisngi ko.

"Come home to daddy.. I miss you so much.." he hugged me again.

"Pero, di ko sila pwedeng iwan dad.." tukoy ko sila mama.

"Sige na.. kakausapin ko mama mo.." pinal nyang sabi.

Ang sabi ko. Ako na ang kakausap sa kanya pero matigas sya't kinausap nya pa rin ito. As usual. Matapos ang mahaba nilang usapan. Hindi pumayag si mama. Nagbigay pa si daddy ng kasundukan na kahit lingguhan nalang daw ako sa kanila. Salitan sila. Matagal bago pumayag si mama.

Nakahinga ako ng maluwag ngayon. Kahit hindi ko maintindihan sina mama at kuya. Naging maayos naman kami ni daddy. Atleast sa pagdaan ng panahon, bumabalik sa dati ang nagusot. Nabawasan ng kaunti ang isipin ko.

Nächstes Kapitel