webnovel

Dust of History

Redakteur: LiberReverieGroup

Tahimik ang lambak.

Hindi naiintindihan ni Ivan kung ano ang ibig sabihin nito. Kahit na kahit papaano ay sinabi ni Marvin sa kanya ang natagpuan nito sa 7th tower, hindi pa niya alam ang istorya ng Secret Garden.

Pero hindi rin siya interesado dito.

Tinitigan ni Marvin ang Mana Wraith na parang isang hukom sa isang preso.

Sa katunayan, noong una silang nagkita, nag-ingat si Marvin sa mga salita ng Mana Wraith.

Nang tanungin ni Marvin ang Mana Wraith kung umabot na ba ang mga ilusyon ng Magic Medicine King sa level ng Hell Nightmares, nag-atubiling sumagot ang Mana Wraith bago ito nagbigay ng isang malabong kasagutan.

At ang kasagutang iyon ay isang pahiwatig sa tunay nitong pagkakakilanlan.

Pagkatapos, kahit hindi alam ni Marvin kung sino ito, nahuhulaan niyang ang taong ito ay hindi kaluluwa ng Wizard Apprentice na si Eric!

Ang mga Hell Nightmares ay mga pambihirang nilalang. Kahit ang Lord of the Nine Hell ay maaaring hindi pa nakakakita ng ganitong uri ng nilalang.

Kasing bihirang makita ito gaya ng mga Fortune Fairy, Eternal Dragon, at iba pang pambihirang mga nilalang. Isa itong nilalang na hindi alam ng isang pangkaraniwang Wizard!

Kahit na sa sistema ng kaalaman sa Mikenshi School, mahihirapang makahanap ng impormasyon tungkol dito.

MArahil tanging isang Wizard na nasa sukdulan na ng kalakasan ang nakakaalam ng tungkol sa Hell Nightmares.

Pero kahit na hindi nagbigay nang malinaw na sagot ang Mana Wraith, ang kanyang mukha at reaksyon ay makikitang may alam ito tungkol sa mga Hell Nightmares.

Isang hamak na Wizard Apprentice ay imposibleng malaman kung ano ito.

Kaya naman nagduda si Marvin sa Mana Wraith na ito. At nang nalaman niya sa kwaderno sa 7th tower, nanghula siya:

Matapos ang digmaang iyon, hindi lang si Eric ang naiwang buhay.

Ang masamang Wizard na naghahangad ng buhay na walang hanggan ay naiwan ding buhay.

Pero ang impormasyon ni Marvin mula sa kanyang nakaraan ay walang kahit ano na tungkol sa Legend Wizard na ito.

Naisip ni Marvin na maaring kulang ang impormasyon niya, o matindi ang pagkakatago ng Wizard.

Alin man sa mga ito, hindi na lang basta dumedepende si Marvin sa impormasyon sa kanyang nakaraang buhay lang.

Kailangan niyang maghanap ng karagdagang impormasyon.

At maraming katanungan nsagot ang paglitaw ng Mana Wraith sa daan papasok ng Garden of Eden.

Hindi ito ang kaluluwa ni Eric, pero isang doppleganger ni Orica!

Simple lang naman ang kasagutan kung bakit kailangan niya ng doppleganger. Marahil isinanib ni Orica ang kanyang sariling kaluluwa sa Magic Medicine.

O marahil nilamon niya ang kaluluwa ng Magic Medicine King gamit ang isang uri ng Soul Transfer spell at naging siya na ito.

Sa kaalaman ni Orica sa Magic Medicine at mga kaluluwa, maraming posibilidad.

Pero ang pinagtaka ni Marvin ay kahit na gusto niyang maging imortal at gamitin ang Magic Medicine na ito para magawa ito, bakit niya kailangan ang Astral Beast?

Aksidente kaya ito?

O kagagawan ba ito ng orihinal na Magic Medicine King?

O mayroon pa itong tinatagong sikreto?

Paano naman ang tunay na Wizard Apprectice Eric? Saan siya napunta?

Hindi na sigurado si Marvin.

Galit na tumingin ang Mana Wraith kay Marvin at sinabing, "Akala mo alam mo na ang katotohanan."

"Sa tingin mo naisiwalat mon a ang sikreto ng plane na ito… Sa totoo lang, isa ka lang walang kwentang bata."

"Magiging pataba ka lang para sa hardin na ito."

"Noong una ay balak kong pakawalan kayong dalawa. Pero ngayon mukhang hindi na. Ang mga taong nakakaalam kung sino ako ay kailangan mamatay!"

Naging masama ang tingin nito at ibinuka nang malaki ang kanyang bibig!

Sa isang iglap humalo ang kanyang katawan sa lagusan.

Isang malakas na pwersa ang humigop kina Marvin at Ivan papasok!

"Gusto niyong makita ang katawan ng Mgic Medicine King?"

"Sige, ibibigay ko ang gusto niyo!"

"Matagal nang walang bisita ang [First Garden of Eden]. Hahahahah!"

Umalingawngaw ang baliw na tawa ng Mana Wraith, nahila papasok ng Garden of Eden sina Marvin at Ivan.

Nagkatinginan ang dalawa at tumango si Ivan, hinawakan nito ang braso ni Marvin.

Agad na naunawaan ito ni Marvin at hindi lumaban, hinayaan nilang hilahin sila papasok ng Mana Wraith.

Biglang nagbago ang tanawin sa kanilang harapan.

Nasa lugar na sila na puno ng maiitim na ulap ang kalangitan!

Nasurpresa sina Marvin at Ivan!

Ito ang First Garden of Eden?

Bilang medicine garden, dapat ay maaraw dito at amoy halaman, puno ng awra ng buhay.

Pero ang lugar sa kanilang harapan at walang kabuhay-buhay, naipon ang kasamaan at dumi!

Isang Evil Spirit sub-plane!

Ang lupa dito ay itim at ang mga bulaklak sa paligid nito ay lanta. Sa Gitna ay mayroong halaman na mala-halimaw ang hugis!

Tiningnan nina Marvin at Ivan ang halaman na ito.

Hindi nila alam kung anong salita ang gagamitin nila para ilarawan ang halaman na ito.

Para itong isang halamang gawa sab aging, pero kasing laki ito ng isang puno.

Hindi mabilang ang mga tendril na nakapalibot sa katawan nito.

Pero ang pinakanakakatakot na bagay sa katawan nito ay ang mga madugong mukha na lumalabas mula sa mga tendril.

Ito ay mga kaluluwa ng mga taong nilamon ng Secret Garden!

Sumisigaw sa paghihinagpis ang mga ito, tumitili habang puno ng galit!

Ang Mana Wraith ay lumitaw sa hangin at nabasag, sumanib ito sa halaman.

Ang mukha ng isang matanda ay lumitaw sa halaman at binati sila nang nakangiti.

"Maligayang pagdating sa First Garden of Eden."

...

Masama ang hangin at pagsigaw ng mga kaluluwa.

Ito ang First Garden of Eden? Ibang-iba ito sa naisip ni Marvin!

Lahat ng mga Magic Medicine na nilamon ni Orca at ang katawan ni Orica ay kakaiba na ang hugis. Ang mga property ng mga Magic Medicine ay bahagyang makikita sa kanyang katawan.

"Nakikita niyo ang mga naghihinagpis na kaluluwa? Kawawa naman sila no?" Tanong ng matanda na may malumanay na tono. "Hindi na mahalaga iyon. Hindi magtatagal ay sasama ka na sa kanila."

Ngumisi si Ivan, nanatili itong tahimik.

Umiling si Marvin. "Sa wakas, naintindihan ko na kung bakit nagawang sirain ng Magic Medicine King ang mga array ng mga Mikenshi Wizard."

"Ang sumisira sa mga array ay isa ring Mikenshi Wizard. Wala mang kakayahang gawin ito ng Magic Medicine Wizard, pero ang kaluluwa ng Legend Wizard ay kaya itong gawin."

"Gumamit ka ng ganitong pamamaraan para maging imortal…Nakakalungkot."

Mabait naman na sumagot si Orica, "Hindi, hindi, hindi mo naiintindihan."

"Lahat ng buhay ay magtatapos, at walang makakapigil sa pagtakbo ng oras."

"Sa pananaw ko, ito ang problema. Kung ipinanganak ang isang buhay para lang mamatay, marahil mayroong mali."

"Gusto ko lang itama ang pagkakamali na 'to."

"Kasinungalingan," sabi ni Ivan.

"Sa tingin mo habang buhay ka mabubuhay?"

"Kung ganoon man, bakit mo pa binuksan ang Secret Garden para pumasok ang mga tao?"

Biglang nagbago ang reaksyon ng matandang lalaki. Simigaw ito nang malakas, "Oo tama!"

"Ang punyetang Apprentice na iyon! Ang punyetang Eric! Sinira niya ang mga plano ko at pinilito akong sumanib sa Magic Medicine King!"

"Hindi ito ang orihinal kong plano!"

Nang makita ang itsura ni Orica, napa-iling sa kanyang isipan si Marvin.

Nabaliw na ang taong ito.

Naaawa niya itong tiningnan. "Kung hindi ako nagkakamali… ang orihinal mo bang plano ay ilipat ang kaluluwa mo sa Astral Beast?"

Biglang naging mabagsik ang rekasyon ng matanda kasabay ng pagsigaw nito, "Oo Tama! Matalino ka! Halos kasing talion ko!"

"Ako ang pinakamagaling na henyo ng Mikenshi School. Bakit naman ako sasanib sa Magic Medicine?"

"Dapat ay naging isang matinding nilalang ako na Minamata lang ang buong mundo! Kahit ang mga God ay manginginig kapag nakita ang anino ko!"

"Pero ang batang iyon, ang walang kwentang batang iyon, ibinuwis niya ang kanyang buhay para lang sirain ang plano ko!"

"Hintayin niyo lang na matapos akong sumanib sa mga kaluluwa ito! Sinisigurado kong tatanggalin ko ang kaluluwa niya at parurusahan siya habang buhay sa pammagitan ng apoy!"

Sumigaw nang sumigaw ang matanda at nagsimulang yumanig ang buong lugar na iyon!

Nagkatinginan sina Marvin at Ivan, napailing ang mga ito.

Nalinaw ng pagsigaw ng matanda ang itinago sa kasaysayan ng lugar na ito. Ang mga pangyayari noong panahong iyon ay unti-unti nang lumalabas.

Si Eric ay ang Apprentice ni Orice at nagawang mabuhay sa digmaan.

Sa katunayan, isa itong bagay na sinadyang gawin ni Orica dahil kailangan niya pa rin ng Wizard para tulungan siya.

Hindi niya mapapanatiling manipulahin ang isang taong masyadong mataas ang leel, kaya pinili niya si Eric, na kalian lang naging apprentice niya.

Ang iba pa ay namatay na dahil sa iba't ibang plano at pamamaraan.

Ang balak niya ay makuha ang bangkay ng Astral Beast.

Ang Astral Beast na ito ay malapit sa Feinan pero natutulog. Nakita ito ni Orica noong naglalakbay ito sa pagitan ng mga plane.

Hindi niya ginising ang Astral Beast nang makita ito. Bata pa siya noon at isa pa siyang Wizard na busilak pa ang puso.

Pero kalaunan, habang tumatanda siya, marami nang namatay sa paligid niya at nagkaroon ng matinding pag-aasam sa pagiging imortal.

Nagkataon naman na nakakuha siya ng isang partikular na Magic Medicine at personal na itinanim ito sa First Garden of Eden.

Ang Magic Medicine na ito ay labis na naakit ang Astral Beast.

At isang baliw na plano ang nabuo sa kanyang isipan.

Noong mga oras na iyon, ang kanyang pagsasaliksik tungkol sa mga kaluluwa ay sapat na para makuha ang katawan ng Astral Beast.

Ang kailangan lang ay masira ang kaluluwa ng biktima!

Ang kaluluwa ay isang bagay na imortal habang ang katawan ay mahina.

Ang mga Cloud Monk at mga Lich ay imortal dahil ang mga katawan nila ay imortal rin, kaya kaya nitong panatilihin ang kanilang mga kaluluwa habang buhay.

Mahaba ang buhay ng mga Astral Beast, at sinasabing mas mahaba pa ang buhay nito kesa sa mundo. Kung makukuha niya ang katawan ng isang Astral Beast, para na rin siyang nabuhay nang walang hanggan.

Kaya naman, sinimulan niyang isagawa ang kanyang plano.

Ang planong ito ay kailangan ng pasensya at bawal magkamali.

Mula sa simula hanggan matapos ay dapat perpekto ang lahat.

Ayon sa kanyang plano, ang awra ng Magic Medicine ay aakitin ang Astral Beast.

Ang masaganang Mikenshi School ay mahihirapan.

Kahit na malaki ang nawala sa kanila, nagawa pa rin nilang ma-selyo ang Astral Beast.

Lahat ito ay kasama sa plano ni Orica. Naging matyaga siya dahil may sapat na oras pa siya para matapos ang kanyang paghahanda.

Maraming naging kaaway ng Mikenshi School.

At ang nasa likod ng mga kalaban na ito ay si Orica, sinuportahan niya ang mga ito.

Sa huli, dumating na ang oportunidad. Sinulsulan niya ang mga ito mula sa loob at naglaban ang magkabilang panig.

At gaya ng inaasahan, nakaranas ng matinding pagkatalo ang Mikenshi School.

At ayon sa kanyang suhestyon, pinakawalan nila ang Astral Beast, sa intension papabagsakin nito ang kanilang mga kalaban.

Nasusunod ang lahat ng kanyang plano at namatay ang mga kalaban, kasama na ang mga Mikenshi Wizard. Namatay rin ang Astral Beast.

Ang natira lang ay ang apprentice na sumusunod sa lahat ng kanyang utos at madalas ay sinasabihang isang duwag.

Pero ang matalino at mayabang na si Orica ay hindi naisip na ang walang kwentang apprentice na ito ang sisira sa kanyang plano.