webnovel

Curved Dagger – Azure Leaf

Redakteur: LiberReverieGroup

Mas nagulat si Marvin.

Hindi niya inakalang makakasalubong niya ang isang kakailala paglabas niya mula sa headquarters ng mga Night Walker sa malawak na Thousand Leaves Forest.

Ito ang kapitan ng mga Elven Iron Guard, ang dapat na mapapangasawa ni Ivan, si Ollie.

Kakaiba ang reaskyon ni Ollie.

Si Marvin ay isang Night Walker, at ang mga Night Walker ay ilang henerasyon nang mayroong magandang relasyon sa mga Wood Elf. Pero nakakapagtaka nga naman ang biglang paglitaw niya dito nang ganitong oras.

Sa pananaw nito, nakabantay siya. "Paano ka nakapasok?"

Nalilito si Marvin, "Ano ba ang lugar na 'to?"

Sumimangot si Ollie. Pero noong oras na iyon isang malumanay na boses ang maririnig. "Ako ang nagdala sa kanya papunta dito."

Nang marinig ni Marvin ang boses na ito, bahagya siyang naguluhan hanggang sa napagtanto niya na ito.

Ang Great Elven King!

Ang Secret Ground ng mga Wood Elf.

Sa gitna ng Secret Grounds ay isang malalim at asul na lawa. Siyam na punong kristal ang nakapalibot sa tabi ng lawa. Nagtatagpo ang mga ito sa gitna ng lawa.

Isang napakagwapong lalaki ang nakalubog sa gitna ng lawa habang kita nag itaas na bahagi ng kanyang katawan.

Nakatayo lang si Marvin sa tabi ng lawa at tulirong tinitingnan si Nicholas, pakiramdam niya ay nababaliw na siya!

Nakakita na siya ng napakaraming gwapong lalaki mula noong dumating siya sa Feinan. Kahit na si Ivan ay anak ni Nicholas ay gwapo rin, pero wala itong pakialam sa kanyang itsura. Ang Vampire na si Gwyn ay kaaya-aya rin ang itsura noong una niya itong nakita at muntik pa niyang mapagkamalang babae.

Pero ibang-iba ang Great Elven King.

Sa pagkakaalala ni Marvin, lagi itong walang pakialam. May suot itong korona at malamig ang pagtingin kaya naman ginagalang siya ng mga tao.

Pero sa pagkakataong ito, nang makita niya sa kanyang harapan ang Great Elven King na walang suot, sadyang nagulat si Marvin.

Kung wala ang mala-hari niyang presensya, nakakagulat ang kanyang kagwapuhan. Marahil siya ang tipo ng lalaki na pinapangarap ng lahat ng babae!

Huminga nang malalim si Marvin at pinakalma ang sarili, ang paningin niya ay napunta sa nagliliyab na butas sa dibdib ni Nicholas!

Kung hindi lang dahil sa panirang butas na ito, perpekto n asana ang katawan ng Great Elven King.

Napansin din ni Marvin na may pagod sa mga mata ni Nicholas, bahagya na ring namumuti ang buhok sa may sintido nito!

Mukha siyang may sakit at pagod dahil dito.

Nakakaawa rin siyang tinginan.

'Pucha!'

'Bakit ganito ako mag-isip!'

Nagulat si Marvin sa kanyang mga iniisip.

Ang makapangyarihang Great Elven King, bakit niya ito kinaaawaan… Isa pa, anong klaseng charm siya sumailali, paano nito nagawang baluktutin ang kanyang kasarian?

Habang iniisip ito, hindi niya mapigilang pagpawisan.

Sinilip niya ang kanyang status window, pero walang kahit anong lumabas na tungkol sa Charm effect.

Kakaiba ang naramdaman ni Marvin.

Tila naguguluhan naman si Olli sa kakaibang reaksyon ni Marvin.

Mabuti na lang, si Nicholas, na nagpatawag kay Marvin, ay mabilis na sinabi, "Mas mapangahas ka pa pala kesa sa inaakala ko."

"Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap ka pagkatapos mong wasakin ang Decaying Plateau o bago ka pumasok sa Secondary Plane ni Glynos. Kamusta?"

Malinaw ang kanyang mga mata. Kung wala ang awra ng pagiging hari, mukha lang itong kaibigan na nakikipagkwentuhan kay Marvin.

Saglit na natahimik si Marvin bago sinabing, "Tagumpay tulad ng inaasahan, pero may kapalit na hindi inaasahan."

Dahan-dahang tumango si Nicholas. "May kapalit ang lahat ng tagumpay."

"Masyadong malaki ang isinakripisyo ni Hathaway para sayo. Hindi niya dapat ginawa 'yon. Hindi makatwiran si Lady Dark Phoenix. Ang dahilan kung bakit hindi ako sumapi sa South Wizard Alliance ay dahil hindi ko makita kung sino talaga siya."

"Magiging mahirap ang pagligtas mo sa kanya."

Umiling si Marvin, puno ng determinasyon ang kanyang mga mata. "Siguradong maililigtas ko siya. Nangako ako sa kanya."

Saglit na tumingin ang Elven King sa mga mat ani Marvin bago sinabing, "Mabuti naman, umaasa akong magtatagumpay ka."

"Pero hindi kita ipinatawag dahil doon, tungkol ito kay Ivan."

"Kay Ivan?" Natigilan si Marvin. Nagkataon na hinahanap niya rin si Ivan.

Lalo pa at kung wala ang taong ito, hindi siya tutulungan ng Sea Elven Queen, at bababa ang pagkakataon niya na mapagtagumpayan ang digmaan.

"Sa tingin niya ay mayroong gamot sa Dead Area sa Pambo Sea na makakapagpagaing sa akin, pero hindi totoo 'yon. Nilinlang siya ng mga kalaban," matamlay niyang paliwanag.

Napansin ni Marvin na noong binanggit niya ang salitang kalaban, bahagyang tumuro ang kanyang daliri paitaas.

Ang Astral Sea.

Malinaw kung sino ang kanilang kalaban.

Tumango si Marvin.

"Maraming panganib na kakaharapin si Ivan. Noong una, gusto kong gamiting pagsubok sa kanya ang mga iyon, pero ang panganib na kakaharapin niya ay hindi niya kakayanin."

"Dapat ko siyang iligtas."

"Pero hindi pa ito ang oras para umalis ako."

Desidido ang mukha ng Great Elven King. Patuloy pa ring nagliliyab ang butas sa kanyang dibdib, at basta nasa Secret Grounds siya, tila kaya nitong pigilan ang epekto nito, nararamdaman pa rin ni Marvin ang nakakatakot na kapangyarihan mula butas.

Iyon ay kapangyarihan ng isang god!

Hindi ito isang avatar, kapangyarihan ito ng katawan ng isang god!

Biglang naalala ni Marvin na noong umalis sila sa Decaying Plateau, kahit na nagawang iligtas ng Great Elven King ang mga Legend, palihim siyang inatake ng ilang mga god!

At ang sugat na ito ang kanyang natamo noon.

Makikita ang pagkahiya ni Marvin sa kanyang mukha. Siya ang nagplano ng lahat, pero si Nicholas ang nagbayad para dito.

Masyado niya talagang minamaliit ang mga god sa mundong ito. Mula ngayon, kailangan na niyang magplano nang mabuti bago kumilos.

"Gusto kong pumunta ka sa Pambo Sea."

"Ikaw lang ang makakapagligtas kay Ivan."

"At nagkataon naman na alam kong hinahanap mo si Ivan, hindi ba?"

Hindi alam ni Marvin ang kanyang sasabihin.

Mahusay ang Great Elven King. Sa tingin ni Marvin ay gumamit ito ng isang uri ng Divination-type spell. Alam nito ang tungkol sa kanyang paglalakbay…. Sandali, edi alam din nito ang tungkol sa kasunduan nila ng Sea Elven Queen?

Laging maiinit ang ulo ni Nicholas. Hindi ba siya galit dahil sinubukang idamay ni Marvin ang kanyang anak sa mga plano niya?

Kinakabahan siyang tumingin sa Great Elven King.

Pero hindi niya inasahang ngingiti ito. "Wala sa akin 'yon. Ayos lang sa akin na ikasal si Ivan."

"Basta babae, ayos lang sa akin."

Walang nasabi si Marvin.

Talagang espesyal ang mag-ama na ito.

Gayunpaman, hindi tatanggihan ni Marvin ang isang misyon na ibinigay ng Great Elven King.

Malaki na ang naitulong ng dalawang ito sa kanya at hinahanap naman talaga niya si Iva, kaya walang probelama sa kanyang tanggapin ang misyon na ito.

"Walang problema," pagsang-ayon niya.

Tumango si Nicholas.

Itinaas niya ang parehong kamay at dalawang asul na ilaw ang lumabas mula sa lawa, at bumagsak sa harapan ni Marvin.

"Ito ang…"

Nag-aatubiling tiningnan ni Marvin ang mga ito. Sadyang nakakamangha ito na umabot na sa puntong hindi niya malaman kung ano ang nasa loob nito.

Sa harap ng pagnhihikayat na tingin ni Nicholas, inabot ni Marvin ang kanyang mga kamay.

Lumamlam ang mga asul na liwanag at may nahawakan ang mga kamay ni Marvin.

'Isang pares ng mga curved dagger.'

'Mga Legend Dagger!'

Tuwang-tuwa si Marvin.

"Iyan ang mga dagger na gamit ko noong naglakbay ako sa Feinan noong kabataan ko. May sira na ang iyong mga dagger at hindi na ito angkop sa lakas mo."

"Ito ang kapalit para sa pagligtas mo sa aking anak," mahinahong sabi ng Great Elven King.

Hinawakan ni Marvin ang mga dagger, ayaw na niya itong pakawalan.

Magaan ang mga curved dagger. Halos wala siyang maramdaman habang hawak ang mga ito!

Pero pambihira ang mga attribute nito!

[Curved Dagger – Azure Leaf]

[Quality: Legendary]

[Attack Power: 45-?]

[Property 1: Magic Penetration +30]

[Property 2: Divine Restraint +30]

[Property 3: 50% chance of ignoring Fatal Injuries Immunity]

Nanlaki ang mga mata ni Marvin!

Ang mga attribute ng mga dagger na ito ay nahihigitan ang karamihan ng mga Legendary item!

Pambihira ang tatlong property nito. Perpekto ito para sa mga Ranger, at kahinaan naman ito ng mga Wizard, Cleric, at iba pang mabagsik na mga class!

Sadyang walang awa ang [Magic Penetration]. Tulad ng sinasabi ng pangalan nito, nasisira nito ang lahat ng uri ng Barrier na pangdepensa ng mga Wizard.

Kapaki-pakinabang din ang [Divine Restraint]. Halos kapareho ito ng Magic Penetration, pero sa halip na mga Wizard, mga Cleric, Apostle, at mga avatar ng mga god ang pinupunterya nito.

At ang ikatlong property ay ang pinakamabagsik para kay Marvin.

Ano nga ba ang pinakamahirap na bagay na harapin kapag mayroong kalabang class holder na nasa 4th rank o mas mataas pa?

Ito ang pagkakaroon ng mga ito ng Fatal Injuries Immunity.

Halimbawa, noong nasaksak ang puso ni Marvin ng Shadow Prince, nakakagalaw pa rin siya dahil sa Specialty na ito.

Pero dahil sa [Azure Leafs] na mga dagger, may isa sa dalawang tyansa siya na malusutan ang Fatal Injuries Immunity ng kalaban.

Ibig-sabihin mas madadalian si Marvin sa pagpatay!

Kasabay nito, pinapaalalahanan siya nito na maging maingat. Kahit na ang Azure Leaf dagger ay bahagi ng koleksyon ng Great Elven King na mayroong mga pambihirang epekto…

Maaaring may ganitong epekto rin ang ibang mga sandata.

Hindi siya pwedeng maging pabaya dahil lang mayroong siyang Fatal Injuries Immunity.

….

Pagkatapos niyang pasalamatan ang Great Elven King, Ang Azure Leafs na ang pumalit sa Blazing Fury bilang pangunahing sandata niya.

Tila napagod si Nicholas sa pagpapaliwanag kaya pina-alis na niya si Marvin.

Inutos niya kay Ollie na dalhin si Marvin sa Elven King City, kung saan makikita ang isang malaking Teleportation Array na patungo sa [Ruins City] na nasa loob ng Pambo Seashore.

Kapag dumating siya doon, nakadepende na ang buhay ni Marvin sa kanyang sariling kakayahan.

Binigyan ni Nicholas si Marvin ng bolang kristal na magpapakita sa kanya ng lokasyon ni Ivan araw-araw sa isang eksaktong oras. Magagamit ni Marvin ito para mahanap si Ivan.

'Dead Area…'

'Naaalala ko na maraming beses akong namatay sa lugar na 'yon. Kakaiba ang lugar na 'yon.'

'Pero marami naman sigurong magagandang bagay sa Dead Area.'

Unti-unting naalala ni Marvin ang mga bagay tungkol sa lugar na iyon at saka siya bumuo ng plano.

Sa wakas, sa harap ng umaasang si Ollie, kagila-gilalas nang umapak si Marvin sa Teleportation Array na patungo sa Ruins City.