9 chapter 7

Nakatunganga lang ako dito habang nakatingin sa papalayong si Jay.

'bakit ganun yun?

Minsan talaga di ko maintindihan itong si Jay, may pagka weirdo din niya minsan eh.

Naisipan ko na sundan nalang si Jay dahil wala din akong magawa at ayaw kong bumalik sa classroom namin, wala namang masyadong ginagawa.

"Jay saglit lang!"

Binilisan ko pa lalo ang pagbaba sa hagdan para maabutan ko siya, kaso nga lang..

"Aray!"

May tumisod sakin.isang babaeng daig pa ang clown sa kapal ng makeup sa mukha at isang babaeng ubod ng ganda,maganda na sana kaso mukhang maldita.

"Ang sakit! aray aray!" Sigaw ko sa sobrang sakit at kirot na nararamdaman ko.

"Ayos ka lang ba?anong nangyare?"

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Jay at nakahawak na siya sa pulsuhan ko.

"Ansakit sakit,tinisod niya ako."Sabi ko sabay duro sa babaeng mukhang clown.

"Excuse me wala akong ginawang masama sayo.sadyang tatanga tanga ka lang talaga."Sabi neto sabay taas ng kilay niyang ubod ng kapal,parang mukha niya na makapal.

Aapela na sana si Jay nang higitin ko siya at inawat,walang patutunguhan kung gagantihan siya,di worth it.

"Huwag na ayos lang ako,patulong nalang na makapunta sa clinic." sabi ko nalamang.

Halatang galit padin si Jay sa babae dahil antalim padin ng tingin neto sakanya, di din naman paawat si clown at nakipagtitigan din.

"Ano lang? namimilipit nako sa sakit oh,tulungan moko bilis." Sabi ko sakanya para makuha ko agad ang atensyon niya.

At inalalayan na niya ako para makatayo at makapunta sa clinic, medyo namamaga na talaga ang tuhod ko.

__

"Oh Jay bakit nandito ka?may pasa at sugat ka nanaman ba?" Eto ang bungad ng nurse sa clinic nung pumasok kami.

"Hindi po,yung kaklase ko po kase namamaga yung tuhod,sinamahan ko lang." paliwanag niya.

"Ah ganun ba sige ihiga mo muna siya dito, kukuha lang ako ng gamot."paliwanag ng nurse.

At sinunod naman ni Jay agad ang sinabi ng nurse.Maya maya ay may tumawag kay Jay na naging dahilan para umalis muna ito saglit,emergency ata.

"Babalik din ako agad."

"Hindi,kaya ko naman na siga mauna ka na." Sabi ko at tango na lamang ang binigay niya sakin at agad agad na umalis at lumabas ng pinto.

Nang nagamot na ang sugat ko ay sinabihan ako ng nurse na mahiga at magpahinga muna daw dahil kaylangan ko Ito,bawal daw kasi biglain.Magisa ako ngayon sa kwarto at nakahiga lang ako habang kumakanta ng favorite song ko. Demons'.

When you feel my heat

Look into my eyes

It's where my demons hide

It's where my demons hide

Don't get too close

It's dark inside

It's where my demons hide

It's where my demons hide

"Nice voice."

"Ay kabayong palaka!" Napa-upo ako bigla ng may nagsalita sa gilid ng kama,nang hawiin ko ito ay nakita ko si Kenneth.

"Nandiyan ka pala kanina pa?!nanggugulat ka!" Sigaw ko sabay hagis ng unan sa mukha niya,agad din naman siyang nakaiwas dito.

"Malamang may sakit ako kaya nandito.bakit bawal?" Sarkastikong tanong niya sakin.

"Huwag ka manggulat! Nakakainis naman eh akala ko kung sinong multo." Sabi ko sabay irap sakanya.muntik nakong ma-heart attack.

"Ang gwapo ko naman para maging multo,artista kamo." sabay ngisi neto.

Abat mahangin.

"Psh,gwapo daw." sabay tingin sakanya ng 'otalagasanbanda?look.

"Ako ata ang heart-throb ng buong school,di ka updated?naku naku."

"Ang hangin naman dito,tsk may ipo ipo ata eh." Sabi ko sabay irap.

"Edi natangay ka na non sa payat mo pa naman." Sabi niya.

"Ay grabe siya,puro panlalait.Di ako tatangayin noh malakas ata to."Sabi ko sabay flex ng muscles ko sa kamay.

"Psh,sisiw naman yan sa muscles ko"at pinakita din niya ang sakanya.

'oo nga sisiw yung akin.

"Eh malamang lalaki ka kaya!eh ako babae." singhal ko.

"Ahah,Wala akong pake." Sabi neto habang nakapikit.

"Ha?"

"Hatdog."Sabi neto,at agad ko siyang binato ng unan sa mukha.

Bull's-eye.

This time di siya nakailag, nakapikit eh haha.

"Aray grabe siya! mapanakit, ansakit!" Sigaw niya sabay suntok sa foam ng kama niya.

"Oops sorry hehe." Sabi ko sabay lagay ng piece sign sa ibabaw ng mukha ko

.Napalakas ata ang bato ko ng unan,sorry na tao lang.

"Pasalamat ka babae ka."

"Sorry na po hehe." Sabi ko nalang."bakit ka nga pala nandito?anyare?" Pagiiba ko ng usapan.Huhu nakakahiya sana hindi siya galit.

Hindi kumibo...

"Uy galit ka?"tinapik ko ito sa balikat.

Hindi padin kumikibo.

"Uyy sorry na di ko sinasadya."

Akmang tatapikin ko sana ito nang bigla siyang nagsalita.

"Nagdugo nanaman kasi yung ilong ko kanina, nakakainis lagi nalang!" Sabi neto sabay pout.

"Ay hala bakit nagdudugo ilong mo?may sakit ka ba?"nagaalala kong tanong.

"Ah ano kase,ano lang to,natamaan ng bola sa mukha." paliwanag niya.

"Sure ka?" Halatang may tinatago siya, oo alam ko kasi Isa ako sa mahilig gumawa neto, ang magtago.

"O-oo sure ako." biglang may isang patak ng luha ang tumulo sa pisngi niya pababa sa labi neto.Akmang yayakapin ko sana ito at kakausapin pa bang biglang bumukas ang pinto at pumasok Doon ang nurse.

"Krizelle pwede ka na makabalik sa klase,basta huwag mong biglain ah, baka isang linggo kang di makalakad at magingat sa paglalakad." Sabi neto habang abala sa pagaayos ng mga gamot sa drawer.

"Opo,Mauna nako." Sabi ko at nagbabye na kay Kenneth, tsaka ko nalang muna Ito kakausapin babalik muna ako sa classroom.

Saktuhang breaktime at gutom na din ako,lagot ako neto di ako nakasali sa meeting kanina.

"Uy krizelle." si Monica Ito.

"Oh hi,sorry nawala ako kanina may emergency lang." Sabi ko dito.

"Ayos lang yun basta wag na daw maulit sabi ni ma'am, excuse ka naman kasi hiniram ka ng papa ni Andrei.Buti nalang at wala si Kenneth. Bale bukas nalang ulit natin paguusapan daw yung gagawin na project, bukas ng 8:00 am sa may music room tayo magmeeting daw,doon kasi malamig at malawak din."

"Ah okay sige salamat." ngiti ko sakanya.

"Ay wait sabay na tayong kumain, tara pila tayo dali." at hinigit na nga niya ako papuntang pilahan.

Nang makapag order ng pagkain ay pumunta na kami sa upuan namin. Magsisimula na sana ako sa pagkain ng burger ko nang biglang may pumalo sa lamesa namin.

"Hoy ano ba?! respeto naman oh!" Sigaw ni Monica sa babaeng nanghampas,si clown girl pala.

"Enebe respete nemen eh." paguulit neto at pinabebehan pa ang tono ng pananalita neto.

"You." Dinuro niya si Monica."Kung ayaw mong pati ikaw madamay manahimik ka kundi isusungalngal ko sayo yang fries mo!" Sigaw neto kay Monica.

"Hoy huwag mo nga siyang sigawan, sino ka ba ha." napatayo ako sa galit. Oo may pagka anti social ako pero kapag may naabuso o naaubos ako hindi na tamang manahimik nalang.

"Well well, buti naman at nagsalita din ang malandi."

Did I hear it right? malandi?

Masyado akong problemado para maging malandi tsk.

"Excuse me?" Sabi ko sakanya,pinipigilan na masigawan ko siya.

"Yes...malandi." lumapit Ito sakin at hinawakan ang dulo ng buhok ko at inikot ikot iyon sa daliri niya na para bang laruan niya iyon. "bakit hindi ba?" Sabay tingin sakin deretso sa mata.

Nawala na ang pagtitimpi ko,hinawi ko ang kamay niya at lumapit sakanya,mas matangkad ako kaya mas malakas loob ko ng onti.

"Hindi moko kilala." Sabi ko sakanya ng nakataas ang kilay.

"Ahuh..kilala kita...inagaw mo sakin si Andrei!" Sigaw niya sakin.

"Wala akong inaagaw sayo." malumanay kong sagot.

"Anong Wala?! Hindi ako bulag at bingi!"

Sabat niya.

"Sinabi ko bang bulag ka at bingi?Hindi diba?" Sabat ko pabalik.

"You bitch." sinubukan ako nitong sampalin pero nahawakan ko agad ang kamay niya at inipit dahilan para mamilipit siya sa sakit.

"Ouchhh!"sigaw niya "let go of me! you slut!"

Nakawala siya sa pagkakahawak ko ng kamay niya.

"You!" Dinuro niya ako "akin si Andrei!tandaan mo yan!"

"Sayong sayo na." Nanahimik ang buong canteen. Ang mga nagbubulungan at kumakain kanina ay mga natahimik na ngayon dahil sa pagaaway namin.

"Una sa lahat wala akong inaagaw sayo dahil wala naman talagang dapat agawin ,pangalawa ay hindi ko naman talaga bf yung lalaking yon, at pangatlo hindi ko siya type noh!"

Huminga muna ako ng malalim.

"sayong sayo na siya walang makiki-agaw sayo. Wala ka namang problema pagdating sa mga aagaw sakanya, ang problemahin mo ay kung gusto ko ba niya kasi oo nga at wala kang kaagaw eh kung di ka padin naman niya gusto edi boom.."

"Panes...iyak..." Sabi ko sabay kuha ng bag ko at Burger ko sa mesa at dumeretso nako nako sa cr.

avataravatar
Nächstes Kapitel